Tuluyan nang kinalimutan ni Glaiza ang dagat. Bagama't ito ang kanyang first love, ito rin ang dahilan ng pagkawala ng unang babaeng minahal niya. She may have moved on in life, but her heart didn't. Dinala siya ng kanyang mga magulang sa Amerika dahil doon sila naka-base pagkatapos ng 40-days ni Sarah Kaye. Her parents and Sarah Kaye's talked behind her back. Napagkasunduang puputulin muna nila ang komunikasyon ni Glaiza sa kanila para maghilom ang sugat sa pagkamatay ng anak ng mga Gomez. Mahal ng mga magulang ni Sarah Kaye si Glaiza. Sa buong taon ng kanilang relasyon, kapwa nila napatunayan sa kanilang mga magulang na mahal na mahal nila ang isa't isa. In-laws na nga ang turing nila sa karelasyon ng kani-kanilang mga anak.Pagkarating nila Glaiza sa Texas, USA, agad niyang tinawagan ang kanyang "in-laws", pero cannot be reached na ang kanilang numero, maging and landline nila. Tumawag siya sa opisina ng ama ni Sarah Kaye, si Mr. Richard Gomez, may-ari ng ilang travel agencies around mMetro Manila. Sinabi ng secretary ni Mr. Gomez na nangibang bansa ang kanyang boss at ang misis nito. Nagpunta umano sila sa Madrid para magbakasyon nung nakaraang araw.
Napaisip si Glaiza. Kung susundin sa oras ng Pilipinas, nung nakaraang araw din sila umalis ng mga magulang niya. Ibig sabihin, parehong araw din ang byahe ng mga Gomez. Bakit hindi nabanggit sa kanya ang pag-alis nila? Hindi naman sa required na malaman niya kung saan balak pumunta ng mag-asawa, pero tulad ng sabi nila, she is part of their family. Siguro naman ay may karapatan siyang malaman. Pero huli na. Nakaalis na ang kanyang in-laws at hindi alam ng secretary ang kanialng contact numbers.
Hindi alam o ayaw ipaalam?
Paulit-ulit niyang tinawagan ang mga numero ng mga Gomez, almost twice or thrice a week pero hindi na niya makausap hanggang sa sumuko na siya. Siguro'y gusto nilang magmove on si Glaiza. Ang makalimutan na ang anak at harapin ang buhay ng wala si Sarah Kaye.
Her father, Boy Galura is a legit fire arm seller and dealer. Since legal sa Texas ang pagdadala ng baril ng mga mamayan na nasa hustong edad, malakas ang kanilang negosyo. Required pa rin ang permit to carry at license to carry ang mga tao at depende kung sino ang magmamay-ari at kung anong klaseng baril ang maaaring ariin ng isang indibidwal. May batas din na pinatutupad king hanggang saan lamang nila pwedeng dahil ang baril. Mr. Galura always bring Glaiza sa kanyang shop sa Austin, Texas upang malibang dahil ayaw naman nitong lumabas at mamasyal. Laging magmumukmok sa kanyang silid at minsang nakikita ng kanyang mga magulang na umiiyak. Glaiza was like that for almost six months.
Isang araw ay siya na mismo ang nagsabing sasama sa kanyang ama at gustong pag-aralan ang kanilang negosyo. Sa narinig ng ina, yumakap ito ng mahigpit sa anak at napaluha. Sa wakas ay unti-unting nabubuhayan ang anak.
Mabilis na natuto si Glaiza. She was introduced to their employees maging sa kanilang mga parokyano. As much as possible, she kept herself busy. Maging ang paglilinis ng baril, mula sa simple hanggang malalakas ay pinag-aralan niyang linisin. Ayaw pa rin niyang mamasyal at umiikot lang ang kanyang araw sa bahay at gunstore.
Isang parokyano at kaibigan ng ama ang nag-yaya sa kanilang mag-ama na mamaril. It was duck season at legal na manghuli ang mga hunters na manghuli. Lehitimong hunters lamang ang maaaring maghunt. May mga license din sila. At dahil may kasamang lisensyadong hunter naman ang mag-ama, pumayag silang sumama. Tinuruan din nila si Glaiza na humawak ng hunting gun.
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanficDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...