Mag-uumaga na ng nilisan ng dalawa ang Sky Ranch. Kung gaanong namangha si Rhian sa tanawin sa gabi, lalo siyang namangha sa tanawin habang papaangat ang haring araw sa kalangitan. As they decent down the high road, tila ginto ang dagat na nakikita niya habang ginigising ng araw ang sangkalupaan. Napakasariwa ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at napapahigpit siya ng yakap sa katawan ng driver ng motor kapag nanginginig siya.
Glaiza stopped over sa gilid ng kalsada, iniangat ang shield ng kanyang helmet to check her rider kung gusto niyang hiramin muli ang kanyang jacket but she refused. Okay lang daw siya. Gusto daw niya ang hangin lahit malamig because her heart felt warm dahil sa pagaalala sa kanya ni Glaiza.
It took them almost 3 hours, kasama ang mga stop overs nila for water and bladder breaks, na makabalik sa Alabang.
"Glaiza, salamat sa pasyal ha. Sobrang naenjoy ko ang gabi ko," sambit nito habang inaabot ang helmet sa kasama.
"I'm glad di ka naman na-bored. Ahm, Rhian,"
"Hm?"
"Pwede bang iinvite kita mamayang hapon? My parents would like to meet you?"
"Parents?"
"Oo. Gusto kang makilala ng mga magulang ko,"
She wanted to ask kung ano ang ibig sabihin ng parents. Mabuti na lang at tinagalog ni Glaiza ang kanyang sinabi.
"Dumating kasi sila galing Texas to surprise me. Sila yung tumawag kanina when we were eating. Sabi ko na kasama kita and they wanted to meet you. Pwede ba?"
"Sumama ka na, Rhian," nagulat naman ang dalawa nang biglang nagsalita si Barbie na noo'y nakikinig pala sa may.pintuan nang hindi nila namamalayan. "Sasama yan, Glaiza. Hindi yan tatanggi,"
"Good then, sunduin kita mamaya ha," she walked closer to Rhian and kissed her forehead then lovingly looked at her eyes bago nag-paalam.
Tila yelong natunaw si Rhian sa paghalik ni Glaiza sa kanyang noo. Sa pagbuhay ng motor ni Glaiza, nakaramdam si Rhian ng lungkot. Time seems not to exist kapag kasama niya ang bike racer.
"Okay lang yan. Babalik naman siya mamaya para sunduin ka," komento ni Barbie na tila nararamdaman ang lungkot na nararamdaman ng kanyang kaibigan. Kabisado na siya nito. Alam niya kung kailan siya masaya o malungkot kahit itago pa niya ito.
Glaiza waved before leaving. Sinundan siya ng tingin ni Rhian hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
Kahit nakaalis na, umaapaw ang isip at puso ni Rhian sa mga alaalang kasama ni si Glaiza sa Sky Ranch. Ito ang pinakamasayang pasko na kanyang naranasan. It even tops the Kadagatan they do sa ilalim ng dagat. How can one person gives her all the joy and happiness she had experienced with lots of Daraganos under the sea? Isang tao lang pero umaapaw ang kanyang kaligayahan. No amount of money, projects nor fans can ever make her forget whatbshe became nang kasama niya ang dalaga. Hindi niya maipaliwanag but she felt a whole new person when she was with Glaiza. The way she holds her, speaks to her. Looked at her. Her eyes that says her name even without a word transcends her to a different depths of her being.
"Ano, mahal mo na ba?" pukaw ni Barbie sa kanyang naglalayag na kaisipan.
"Mahal? Sino?"
"Maang-maangan ka pa. E di yung babaeng kasama mo buong magdamag. Kayo na ba?"
"Anong kami?"
"Jowa... Girlfriend... Kasintahan,"
"Ka...sin.... Hindi. Mag-kaibigan lang kami. Ipinasyal niya lang ako kasi ako lang mag-isa,"
BINABASA MO ANG
Heart of the Ocean
FanfictionDalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Puno ng galit, hinagpis.... Paghihiganti.... Paano magtatagpo ang mga pusong ang pinagmulan ng galit ay ang mundo ng isa'...