CHAPTER 9

2.3K 46 0
                                    

       MAHINANG iniuntog untog ni A.M ang ulo sa harap ng salamin. Naiinis sya dahil nawawalan agad sya ng lakas ng loob para aminin kay Adam ang tungkol sa kanya. Tulad na lamang kagabi. Hindi nya pa nasabi, kinabahan kasi sya na baka hindi magustuhan ni Adam ang malalaman nito.





      Pero kung hindi man nya nasabi iyon kagabi ay mag iipon sya ng lakas ng loob para sabihin yun mamaya. Tumayo na sya sa upuan at dumiretso sa bathroom. Sabado na ... kailangan nya ring makagawa ng paraan kung paano makakapunta sa pupuntahan nya.


      Mabilis syang nag linis ng sarili. Inabot nya ang hinandang robe. Hindi pa nya ito naisusuot ng marinig nya ang sunod sunod na katok sa pintuan ng silid nya. Mabilis nyang isinuot ang roba at itinali ng mabuti bago lumabas.




    "Sandali." sabi nya sa kumakatok




      Nag bihis sya ng panloob bago pinag buksan ng pinto ang kumakatok na yun. Napaka mainipin talaga.


    "Bakit ang tagal mong mag bukas?" reklamo nito sa kanya saka dire diretsong pumasok sa kuwarto nya



     "Naliligo ako. Pasensya na." sagot nya kay Adam



    Napatingin ito sa kanya na parang ngayon lang napansin na Naka robe pala sya.




    "Oh sorry. May pupuntahan ka ba?"  tanong ng binata


      "Bakit?" balik tanong ni A.M saka humakbang patungo sa closet. Kumuha lang sya ng malaking t-shirt. Hindi sya komportable sa suot na robe.




    "Sasamahan kita. Hindi na lang ako tutuloy sa pupuntahan ko. Baka mapaano ka pa." narinig nyang sagot nito



     Kinalas nya ang tali ng suot at hinayaang dumulas sa katawan nya bago mabilis na isinuot ang t-shirt.



     "Yan lang ba ang susuutin mo, babae?" napatingin sya kay Adam na prenteng nakaupo sa sofa






    Nginisian nya ito.




       "Hindi ako aalis .. dito lang ako." sagot nya saka kinuha ang suklay sa lamesa.




     Umupo sya sa kabilang sofa at roon marahang sinuklay ang buhok.





      "Alam mong marami akong tauhan dito. Tapos ganyan ang suot mo. Tsk." pag rereklamo ni Adam bago tumayo at dumiretso sa closet nya. Nag hahanap ito ng pamalit sa suot nya.



    Hindi nito maiwasang mapakunot noo habang nag titingin ng damit. Puro black na lang ang kulay na nakikita nya.


   "Dapat siguro kitang bilhan ng mga bagong damit. Yung maganda sa mata. Parang hindi babae ang May ari ng closet na to." Adam




     Bumalik ito sa sofa na may bitbit na jogging pants.



    "Suutin mo to." utos nito sa kanya



     Inabot naman yun ng dalaga at kaagad na sinuot. Meron naman syang short na suot pero pinipilit ni Adam na mag mahaba sya. Tsk tsk.




      "Kundi ka aalis. Ibibilin kita sa mga tauhan ko. Hindi ka pwedeng lumabas ng mansyon hangga't wala pa ko. Babalik rin ako agad." Adam




  Pabagsak na umupo si A.M sa tabi nya.




   "San ka ba pupunta?" tanong nya



      "May lakad kami ni William." sagot ni Adam



    Kaagad na pumasok sa utak ni A.M kung ano ang lakad na tinutukoy ni Adam. Mukang mag katulad sila ng pupuntahan. Pero problema nya lang kung paano makakaalis sa mansyon ni Adam nang hindi nalalaman nito lalo na't marami itong tauhang nag kalat sa paligid.




    "Sige, mag iingat ka." sabi na lang nya nang tumayo na ito at lumakad patungong pintuan


   Tumayo na rin sya at hinatid ang binata sa labas ng kuwarto nya. Hindi pa ito nakakaalis nag mabilis sya nitong hilahin at yakapin.




     Siniksik pa nito ang ulo sa leegan nya kaya ramdam na ramdam nya pag tama ng mainit na hininga nito sa balat nya. Dapat na siguro syang masanay sa pabago bagong ugali ni Adam.



   Ginantihan nya ng yakap ang binata bago ito kumalas at pag masdan sya.



    "Ibinilin na kita sa maids.. kung anuman ang kailangan mo ay sabihin mo lang sa kanila. Hindi rin ako mag tatagal ron." huling wika nito bago siya mabilis halikan sa mga labi


     Hinatid tingin na lamang nya ang binata bago sya bumalik sa kuwarto nya. Kaagad syang tumungo sa veranda at tumingin sa ibaba. Nakita nyang kalalabas lang ni Adam at sasakay na ito sa kotse. Hinintay nyang makaalis ang sasakyan bago bumalik sa loob.

    Nag palit sya ng damit at nag lapat ng kaunting make-up bago isinuot ang maskara nya.



       Isinilid nya rin sa loob ng leather jacket ang dalawang handgun bago maingat na lumabas ng kuwarto nya. Muntik na syang makita nang dalawang katulong kundi sya nakapag tago.





     Lakad takbo ang ginawa nya nang makababa ng hagdanan. Dumaan sya sa likod ng mansyon dahil sigurado syang hindi marami ang bantay rito. Napapikit sya ng mariin nang makita ang ilang
mga tauhan ron. Pinalipas nya ang ilang minuto bago mabilis at walang ingay na tumakbo patungo sa mataas na bakod.




      Tahimik nyang inakyat iyon at kaagad na tumalon sa labas. Napangisi sya nang makalabas sya sa mansyon ni Adam.


   

   

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon