CHAPTER 5

3K 69 2
                                    

     A.M's P.O.V



       Napasinghap ako nang may biglang yumakap sa baywang ko. Hindi pa sya nakuntento at mas lalo pa kong nilapit patungo sa kanya. I can feel his warm breath and his tight chest behind my back. Hindi ko mapigilang mapapikit ng mga mata nang maramdaman ang pag dampi ng mga labi nya sa balikat ko.


    "Adam." wika ko saka hinawakan ang mga kamay nyang nakapulupot sakin.. mabilis nya kong inikot paharap sa kanya at sinandal sa pader. Tinitigan nya ko sa mga mata sabay ngisi.. anong problema nito? Tss.


   "Ikaw lang ang babaeng matapang na nakikipag titigan sakin." nakangising sabi nya bago lumayo

    Napailing lang ako saka lumakad na.. sumunod sya sakin at agad na sinabayan ako sa pag baba ng hagdan. Kanina pa dapat akong nakauwi kundi lang ako hinila kung san ng lalaking to.


   Ewan ko ba kung bakit napapadalas ang pag sulpot nya.. kundi sya nag susungit sakin.. nag lalambing naman tulad na lang nung kanina.


    Sa pag iisip ko ng mga bagay na yun ay nawala sa isip kong bumababa nga pala kami ng hagdan kaya nag kamali ako ng tapak.. muntik na kong mahulog kundi lang ako mabilis na nahawakan ni Adam.

    "Tsk.. careful." wika nya


    Umayos ako ng tayo at nag patuloy sa pag baba. Teka.

    "San ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya.. nauna syang bumaba ng hagdanan.. namulsa ito at tiningnan lang ako habang bumababa. Tss.. wag mo kong tingnan ng ganyan Adam!

     "Ihahatid lang kita pauwi." tipid nyang sagot saka nag patuloy na sa pag lalakad nang makababa na rin ako


    "Hindi na kailangan. Makakauwi naman akong mag isa." sabi ko pero hindi nya yun pinansin

   Napabuntong hininga na lang ako. Kahit anong sabihin ko hindi rin naman ako makakatanggi kapag sya na ang nag salita.

.

.

.

.

    Bago paman ako makababa ng sasakyan ni Adam ay inunahan nya na ko. Pinag buksan nya ko ng pinto at hinawakan pa ko sa kamay. Parang hindi ko kayang bumaba ah!? Tss.

   "Salamat. Sana di na maulit." wika ko

  Nag salubong ang mga kilay nito. Inunahan ko na syang mag salita bago pa nya maibuka ang bibig niya.


  "Itigil mo na to. Ang pag lapit sakin. Everyone knows that you're the Mafia Boss .. at hindi nila mapipigilang mag isip sakin ng hindi maganda." sabi ko

  Alam kong maraming nag iisip na ginagamit ko lang si Adam para maprotektahan ako sa loob at labas ng University. Tss.. ganun na ba ko kahina sa paningin nila!? Kung alam lang nila ang kaya kong gawin.


  "Who fuckin' cares. I'll do what I want." inis nyang wika.. tigas ng ulo.


     Nag tsk lang ako sa kanya at lalakad na sana papasok sa bahay nang mabilis nya kong hilahin at bigyan ng halik sa mga labi na ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay nag wawala na ang puso ko ng mga oras na dumampi ang mga labi ni Adam sa mga labi ko. Nanghihina ang mga tuhod ko .. pakiramdam ko ay babagsak ano mang oras kundi nya lang mabilis na nakabig ang beywang ko palapit sa kanya.


  Pinilit kong wag tugunin ang halik nya pero hindi sya huminto hangga't hindi ko sinasalubong ang bawat pag halik nya. Mariin akong napapikit at buong lakas na tinulak palayo si Adam.

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon