CHAPTER 24

1.7K 39 0
                                    

Third Person's P.O.V









PABALAGBAG na isinara ni A.M ang pintuan ng kuwarto nya at inis na dumapa sa kama. Ano na kaya ngayon ang sinasabi ng Rebecca na yun kay Adam!? Malamang ay gumagawa na ito ng kuwento sa nangyari kanina.

"Argh!" inis nyang sigaw at padabog na humiga, sa sobrang inis nya kay Rebecca ay hindi nya namalayang naibato nya na kung saan ang mga unan sa kama nya

Nag hintay syang dumating si Adam sa kuwarto nya pero ilang minuto ang nag daan ay hindi ito nag paramdam. Mukang kausap parin nito hanggang ngayon si Rebecca.

NAPAHILOT sa sentido nya si Adam sa mga pinag sasabi ni Rebecca ngayon sa kanya. Kilala nya si Rebecca, hindi ito marunong mag sinungaling sa kanya at ganoon rin si A.M. Pero ang mga sinasabi ni Rebecca ay hindi nya kayang paniwalaan. Seryoso nyang binalingan ng tingin si Rebecca.

"A.M is not like that, Rebecca. Hindi sya gagawa ng bagay ng walang dahilan. Don't lie!" Adam

Napatayo sa upuan si Rebecca at inis na sinalubong ng tingin ang binata.

"So kinakampihan mo sya!? Paano naman ako!? Didn't you see it, she provoked me!" Rebecca

"Rebecca.." mariing wika ni Adam na ikinatigil agad ng babae

"Sinabi sa akin ng mga maids ang nakita nila so stop making a story." Adam

"No, they're just lying! Si A.M ang unang sumugod sakin!" Rebecca

"Enough, Rebecca. You can leave now." utos ni Adam at sinenyasan itong lumabas na pero sa halip na lumakad ito palabas ay nilapitan sya nito at niyakap ng mahigpit

"Adam, please don't do this to me. Bumalik ako dito para makita ka at para sabihing mahal parin kita hanggang ngayon at hindi ko kaya na wala ka!" pag susumamo ni Rebecca

Napapikit ng mariin si Adam at mahinahong inalis ang yakap ni Rebecca sa kanya. Hinarap nya ito at hinawakan sa balikat.

"I'm sorry, Rebecca. Pero pag mamahal lang bilang kaibigan ang mabibigay ko sa'yo." Adam

"No, Adam. Matutunan mo rin akong mahalin, I'm ready to wait until the day it happens." Rebecca

"Rebecca, don't wait that day to come dahil hindi yun mangyayari. May iisa akong salita. Si A.M ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I am madly inlove with her. Gusto kong maintindihan mo yun." Adam

Napaupo si Rebecca sa sahig at doon nag iiyak. Inalalayan syang tumayo ni Adam pero tinabig nya lang ang kamay ng binata.

"Adam, I don't know how to handle this feeling. I feel broken. Papaano mo nagustuhan ang babaeng yun, papaano mo sya minahal ng ganito!?" umiiyak na wika ni Rebecca


Bahagyang yumuko si Adam at pinunasan ang mga luha nya. Itinuring nyang nakababatang kapatid si Rebecca kaya masakit din para sa kanyang nararamdaman ito ngayon ni Rebecca.

"Hindi nasasagot ang tanong na yan, Rebecca. Nararamdaman yan." mahinahong tugon ng binata

Tiningnan lang sya ni Rebecca.

"I know you can find better than me, Rebecca." Adam

Ipinasya ni Adam na ipahatid si Rebecca sa mga tauhan nya para masigurong makakauwi ito ng maayos. Nag lakad sya patungo sa kuwarto ni A.M. Walang tumugon nang kumatok sya kaya pumasok na lamang sya.

Nakita nyang nakahiga ito sa kama at natutulog na. Nag kalat rin ang mga unan sa sahig. Pinulot nya ang mga iyon at ibinalik sa kama. Pinagmasdan nya ang nahihimbing na dalaga at marahang kinumutan. Napansin nya pa ang siko nito, napailing sya nang makitang hindi pa nito nagagamot ang ilang galos ron.

Tumayo sya agad at kinuha ang medicine kit. Maingat nyang hinawakan ang siko ng dalaga at sinimulang gamutin ang galos nito.










Alexis Margarette's P.O.V





MAG AALAS-SYETE na ng gabi nang magising ako. Bumangon agad ako nang maalala ko si Adam. Napansin ko ring May gumamot sa siko ko at nakaband aid na rin.



Lumingon ako sa paligid ng kuwarto at nakita ang isang binatang nakasandal sa sofa. Nakatulog na sya ron. Tahimik akong nag lakad palapit sa kanya at saglit syang pinagmasdan. Dapat hindi ko sya sinupladahan kanina.



Hahawakan ko sana ang pisngi nya nang mapasigaw ako sa bigla nyang paghawak at pag hila sa kamay ko. Napaupo ako sa kandungan nya at bahagyang napasubsob sa may leegan nya.



"Good evening, baby. How was your sleep?" Adam



Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ang tingin nya.



"Ikaw, kamusta ang pakikipag usap mo sa Rebecca na yun?" nakaismid kong tanong



Tatayo na sana ko pero naramdaman ko ang mabilis na pag pulupot ng braso nya sa beywang ko. Idinantay pa nya ang noo nya sa noo ko habang dinadampian ng halik ang ilong ko.



"Nothing to worry about, baby. And you don't have to be jealous." mahina nyang sabi


"Tsk. Siguraduhin mo lang kundi!" ako


Napaupo sya ng tuwid.


"Kundi ano?" tanong nya


"Kundi break na tayo." patuloy ko na ikinalaki ng mga mata nya, pinigilan kong matawa sa reaksyon nya.. halatang natakot sya sa banta ko



"Babe, wag naman." Adam


Pinisil ko ang baba nya at hinalikan ang mag kabila nyang pisngi.



"Sige, madali akong kausap." sabi ko


Napangiti sya agad at humalik sa mga labi ko. Napansin kong may kinuha sya sa loob ng leather jacket nya.


"What's that?" ako



Kinindatan nya ko sabay muling halik sa mga labi ko. Ipinakita nya ang isang maliit na box, binuksan nya yun at kinuha ang lamang bracelet.



"Do you like it?" tanong nya habang isinusuot yun sa kamay ko


Napangiti ako at napatango tango.



"Sobra, basta galing sa'yo." ako


"A.M.." napatingin ako sa kanya, sumeryoso bigla ang muka nito


"Yes?" ako


"I love you so much." Adam


Lumawak ang ngiti sa mga labi ko at niyakap sya ng mahigpit. "I love you too, Adam."


"So mind if asked you for a date?" Adam


"Date?" ako


"Yes, a date tonight with you." sagot nya habang marahang hinahalikan ang kamay ko


"T-tonight?" ako

"Yes, babe." nakangiti nyang tugon


Tumingin ako sa orasan. 7:25 na ng gabi. Bago muling tumingin sa kanya at ngumiti.


"Sige ba." sagot ko

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon