CHAPTER 2

4.5K 73 0
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V





Pabagsak na napaupo sa upuan si A.M nang sa wakas ay hayaan na syang makauwi ni Adam. Hinilot nya ang paa nya. Masyado naman kasing mataas ang wedges na ipinasuot sa kanya ni Adam.

Sumandal sya sa sofa at sa pagod ay dun narin nakatulog.

.

.

.

.

Madaling araw na ng magising si A.M. Bumangon sya sa sofa at nakitang suot paron nya ang bestida. Napabuntong hininga sya.. bagong umaga at bagong araw na naman. Tumayo na sya at kaagad dumiretso sa CR. Nahagip pa ng mga mata nya ang repleksyon nya sa salamin.. tumayo sya sa harapan nun at napahawak sa labi nya. Namumula parin at medyo humahapdi kapag nababasa. Nainis sya nang maalala ang ginawa sa kanya ni Adam.

"That man! Ugh!" inis nyang sambit





MALAPIT nang mag simula ang unang klase nila nang dumating sa room si A.M. Dumiretso sya agad sa upuan nya at kinuha ang notebook nya sa bag. Mabilis nyang binuklat ang mga pahina.. inis syang napabuga ng hangin. Wala pa syang sagot sa mga ibinigay na takda ng Ma'am Georgina nila.. at kagagawan yun ng Adam na yun! Mabilis nyang kinuha ang ballpen.. nagulat pa sya nang may biglang nag abot sa kanya ng Papel. Napaangat ang tingin nya sa nag lahad nun. Ngumiti ito sa kanya.

"Ginawan kita ng sariling sagot." wika ng binata

Umiling si A.M bilang pag tanggi.

"Thanks but no thanks, Lee." A.M

"Sige na tanggapin mo na to. Darating na rin si Ma'am .. siguradong kukulangin ka sa oras kung pag iisipan mo pa ang mga sagot." mahabang paliwanag ni Lee sa dalaga

Sandaling nag isip si A.M bago tinanggap ang papel na binigay ni Lee. Lahat ng sagot ay nakasulat ron.. siguradong mataas ang markang makukuha nya dahil isang henyo ang nag sagot nun para sa kanya. Tipid nyang nginitian ang binata bago nya inabala ang sarili.

Alam nyang may gusto sa kanya si Lee simula nang mag transfer sya sa University'ng to. Pero hindi nya sinusuklian ng kung anuman ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Hindi sya marunong mag paasa. Tsk.

Natapos ang ilang klase nila bago sya lumabas ng room para pumunta ng Cafeteria. Muntik pa syang magulat sa pag salubong sa kanya ni

Zavrinna pag labas nya sa pintuan.

"Good Morning, A.M!!!" bati nito sa kanya

Ngumisi sya at sinilip ang oras sa wrist watch nya bago nag lakad.. sinundan sya agad ng kaibigan.

"Ba't ka nag mamadali?" Zavrinna

"Hindi pa ko kumakain." tipid na sagot ni A.M na seryosong nag lalakad

Tumango si Zavrinna at agad ring napahinto sa pag lalakad nang makitang papalapit sa direksyon nila ang grupo nina Paris. Agad nyang hinawakan sa braso si A.M kaya agad ring itong napahinto sa pag lalakad at nakakunot noo syang sinalubong ng tingin.

"Dadaan ang grupo nina Paris." Zavrinna

Tipid na pag tango ang binigay sa kanya ni A.M bago ito lumingon sa direksyon nina Paris. Dadaan ito sa harap nila.. diretsong nakatingin ang mga mata ni Paris kay A.M bago ito ngumisi sa dalaga.

Balik na ngisi rin ang binigay ni A.M kay Paris at sa iba pang kasama nitong mga binata.

Nang makalagpas na sa kanila sina Paris ay nag patuloy na rin sila sa pag lalakad.


She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon