CHAPTER 13

2.1K 60 0
                                    

   Third Person's P.O.V






             Bago tuluyang makababa ng sasakyan si A.M ay hinila pa sya ni Adam at binigyan ng halik sa mga labi.



      "Susunduin kita mamaya dito kaya wag ka nang mag papahatid sa kanino mang ka gang member mo. Tsk, puro pa sila lalaki." bilin ni Adam, hindi maitago ang selos sa reaksyon nito



     "Mababait sila." nakangiting depensa nya habang inaayos ang damit ni Adam



     "Kahit na, babae ka at mga lalaki sila. Sigurado akong may nag kakagusto sa'yo sa isa sa mga yun. Tss." reklamo pa ng binata



       Hindi tuloy napigilan ni A.M ang matawa sa reaksyon ni Adam. Ganito pala to mag selos.


     Hinawakan nya ang kamay nito at dinala sa dibdib nya. Pinadadama nya kung gaano kabilis ang pintig ng puso nya sa tuwing kasama nya si Adam.




     "Do you feel my heartbeats? Ikaw lang ang nakakapag pabilis nito wala nang iba. Kasi nga... " hinawakan nya ang baba ng binata at marahang inilapit sa kaniya, nakatitig ito sa mga mata niya


     "Kasi nga mahal kita." patuloy ni A.M


        Unti unting lumawak ang ngiti sa mga labi ni Adam. Mas lalo itong gumwapo sa pag ngiting yun, madalas ba naman kasi itong Naka poker face maliban na lang kung nandyan na sa tabi nya si A.M.

    "I love you too." wika ni Adam bago muling hagkan ang mga labi ng dalaga


















      NANG makapasok sa loob ng warehouse si A.M ay agad syang sinalubong ng mga tingin ng mga Gangster ron. May ilang pang mga sinasabi ang mga ito na umabot naman sa pandinig nya.



     "Ang Girlfriend ng Mafia Boss."

      Nakita nyang palapit sa kanya ang mga ka grupo.


     "Deux!" tawag nila

      Nakipag fist bump ang mga ito sa kanya maliban kay Premier (Paris).

    "Premier." tawag nya


       Mukang wala ito sa mood na ngumiti at salubungin sya ng yakap katulad ng parati nitong ginagawa noon sa kanya.

   "Nag kaganyan yan nang marinig ang balita." bulong ni Morgan

    "Anong balita?" tanong nya


      "That you're the Mafia Boss Girlfriend." si Gray ang sumagot


     Napailing iling si A.M, kung yun ang dahilan ay dapat nyang kausapin si Paris nang sila lang. Isa ito sa mga importanteng tao sa kanya at ayaw niyang mawala ang pagka kaibigan nila.

    Nilapitan nya ito at bago pa makapag reklamo si Paris ay hinila nya na ito palabas ng warehouse.








     "Premier!" sigaw nya sa code name nito nang hindi sya pansinin

     "What!?" Premier

       "Wag mo nga kong mawhat what dyan! Alam kong may sama ng loob ka sakin." A.M

     Mabilis syang nilingon ni Paris.

     "No, wala kong kinikimkim na sama ng loob sa'yo. I just can't help but to feel like this.. alam mong gusto kita hindi bilang kaibigan kundi bilang babae." Paris

    Tinapik nya sa balikat si Paris.

       "I know.. pero alam mo rin namang kaibigan lang tayo. Matagal ko nang sinabi sa'yo na burahin mo na hangga't maaga pa ang damdamin mong para sakin." A.M


     "Tsk. It's not that easy." Paris


       "Mas maraming hihigit pa sakin dyan. Buksan mo lang ang mga mata mo at makikita mo sya." payo nya sa binata

     Tinalikuran nya na ito.


     "Deux!" tawag nito


       Mabilis nya itong nilingon, nilapitan siya nito at agad na niyakap.


     "Dahil mahal kita, susundin ko ang gusto mo." Paris

     "Mabuti kung ganun." A.M


        Kumalas ito sa yakap at pinisil ang pisngi nya.

     "Pero kung sasaktan ka ng Adamson na yan.. aagawin kita sa kanya." Paris

     "Tsk, baliw." nangingiting wika ng dalaga







❇❇❇❇








    "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa." sabi ni A.M sa mga kagrupo nya


      Tiningnan sya ng mga ito at hinintay ang sasabihin nya.


     "Kailangan ko ang tulong nyo." A.M



       Sinabi nya ang tungkol sa problemang kinakaharap ng Adamson Mafias. Alam nyang malaki ang maitutulong sa kanya ng mga ka gang nya sa pinaplano nya.


    "Alam mong delikado yun. Mafia wars yan. Wag ka nang makialam." Paris


     Pabagsak syang umupo sa upuan.

       "Kung hindi nyo ko matutulungan, ako ang kikilos mag isa." sabi ni A.M


    Agad na nag reklamo ang mga binata.

    "Aba, hindi naman namin hahayaan yun!" Peterson

     "Tutulungan ka namin, nag aalala lang kami sa'yo. Alam ba ito ni Adam?" Paris


    "Hindi. Ayaw nyang tanggapin ang tulong ko." A.M

    "Tsk, tama naman ang desisyon ni Adam. Pero dahil matigas ang ulo mo, wala na kaming magagawa kundi tulungan ka." Paris


      "Ano ang plano?" Morgan



        









       Napangisi si A.M, alam nyang maaasahan nya ang mga ito at malaki ang maitutulong nila sa kanya.
 
   

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon