Chapter 29

1.8K 36 0
                                    


A.M’s P.O.V







       WALA na si Adam na’ng matapos akong mag bihis at mag empake ng mga gamit ko. Sa halip ay nag bilin sya sa isa ilan nyang tauhan na bantayan ako at maayos na maiha sa Batangas. Malungkot akong napalingon sa pintuan ng kwarto nya. Nag iwan ako ron ng sulat. Alam kong ayaw nya kong makitang umalis kaya minabuti nyang pumunta sa warehouse at mag pakaabala bilang Mafia Boss. Tumingala ako saglit para wag mag patak ang luha sa mga mata ko. Sana sumunod sya, sana makapag desisyon sya ng maayos sa pagitan ko at ng responsibilidad nya bilang boss.

    “Ma’am sakay na po.”

    Ngumiti ako at Tumango sa mga maids bago sumakay ng kotse. Sumandal ako sa upuan at nag pasak ng earphone sa tenga ko. I hope music’s can help me to feel better.





   BUMABA ako ng kotse at tahimik na pinag masdan ang paligid. Ang daming nag bago simula ng umalis ako dito. Unti unti akong napangiti na’ng makita ang pag labas ng isang babae sa bahay. Napaluha ako na’ng makilala ko sya.

    “Ma..”













      Five months later…






     Third Person’s P.O.V







       MAGANDANG sikat ng araw at sariwang hangin ang sumalubong kay Adam nag marating nya ang probinsya. Huminto ang kotse nya sa may simbahan. May nag iisang dalaga roon na kalalabas lang ang syang tumawag ng kanyang pansin. Bumaba sya ng sasakyan at inalis ang shades na suot nya. Preskong hangin ang naramdaman nya. Napangiti sya habang nakasunod ang tingin sa dalaga. She’s simple yet beautiful. Masaya itong nakikipag kuwentuhan sa kasama nitong kaibigan. Labis na nakapag pagaan ng loob ni Adam na makita ang mga ngiti sa labi nito, nawala ang pagod nya sa byahe.



    Napatigil sya kahit wala syang ginagawa na’ng lingunin sya ng dalaga. Nag tama ang mga mata nila at parang nawala ang lahat ng mga tao sa paligid. Napangiti lalo si Adam.

    “Adam?” nilapitan sya nito sa wakas, how she missed her voice

   Napakaganda parin ng babaeng mahal na mahal nya. Ilang beses nya itong binantayan sa malayo pero hindi nya magawang mag pakita dahil noon hindi pa sya tapos sa mga trabaho nya bilang Mafia Boss pero iba na ngayon. Tinapos nya na lahat, hindi na sya isang mafia at hindi na rin sya boss. Hindi na sya makapag hintay na makasama si A.M.

   “How are you, Mr. Mafia Boss?” tanong ni A.M

    Hindi agad nakasagot si Adam dahil nakatitig lang siya sa dalaga. He missed her badly. Pinitik pa ni A.M ang daliri nya sa ere bago makasagot si Adam.

  “Ah, I'm fine. How about you, gorgeous?” nakangiting tanong ni Adam

   “Ganun pa rin. Walang nabago,  meron ba?”

    “Meron.” Sagot ni Adam

   Napataas ang kilay ni A.M kaya napatawa ang binata. Na-miss nyang makita ang ganung ekspresyon ni A.M.

    “I am not a Mafia Boss. I already quit.” Seryoso nyang sagot saka muling napangiti na’ng mahalatang nagulat si A.M

   “Kailan pa? Bakit hindi ka agad bumisita sakin? Akala ko tuloy, mas pinili mo ang Adamson Mafias.”

    Hinawakan ni Adam ang kamay ni A.M saka ito pinakatitigang mabuti sa mga mata.

    “Matagal tagal na rin. Binibisita kita palagi kaso hindi mo ko nakikita. You’re too busy in schooling, at natutuwa akong bumalik ka na sa normal na buhay. At isa pa, sinong May sabing mas pipiliin ko pa ang Adamson Mafias kaysa sa babaeng mahal na mahal ko?” seryosong wika ni Adam

  “Talaga ba?” pinigilang ngumiti ni A.M

    Tumango si Adam at hinalikan ang kamay ng dalaga. “I miss you so much, my love. Hindi ako makatulog ng ayos sa gabi dahil ikaw palagi ang iniisip ko. Hindi na rin ako nag stay sa mansyon, pag kaalis mo agad akong sumunod at kumuha ng sariling matutuluyan para lang makita kita.” Pag amin ng binata

    Napaluha si A.M, miss na miss na rin nya si Adam. Kaagad syang niyakap ng binata at hinalikan sa noo.

    “Hindi na tayo mag kakalayo pa, A.M. Mas pipiliin kita sa lahat ng bagay at sa lahat ng pag kakataon. Mahal na mahal kita.” Sabi ni Adam

    “Mahal na mahal rin kita, sobra. Kainis ka, ngayon ka lang lumapit sakin.” Mahina syang hinampas ni A.M sa balikat, tumawa lang si Adam at pinunasan ang mga mata ni A.M

    “I want to marry you very soon, A.M. Please let me to meet your family.” Pakiusap ni Adam

    Hindi makapaniwalang napatitig si A.M sa binata. Halatang seryoso ito.

   “You’re serious?” tanong ni A.M

    Hinawakan ni Adam ang baba nya at bahagyang yumuko sa kanya.

   “Alam mong palagi akong seryoso lalo na sayo.” Sagot nito bago halikan ang mga labi nya

   “I want to marry you, Alexis Margarette Del Carmen.”

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon