CHAPTER 16

1.8K 40 0
                                    

Alexis Margarette's P.O.V













        "Si Tiger ang lider namin. Gusto nyang mawala sa landas nya ang Adamson Mafias. Galit sya sa pamilya ni Adam kaya damay damay na. Tatlo kaming espiya sa teritoryo ni Adam." napatitig ako ng matagal kay Greg, pinag papawisan na ito at medyo nanginginig



    "Anong pinaplano ng lider nyo?" si Paris na ang nag tanong






    "Anumang oras sa araw ng Huwebes ay susugod ang grupo. Wala silang ititira sa Adamson Mafias, at pinaka target nila si Adam." sagot nya




    Tumalim ang titig ko sa sinabi nya. Napalunok sya at nag iwas ng tingin sakin.





      "I have my plan now.." napatingin silang lahat sakin at inabangan ang sasabihin ko






     "Papapasukin mo kami sa teritoryo ng Adamson Mafias." seryoso kong wika na ikinatigil nila







     "Are you sure about that, Deux?" Peterson





    Tumango ako. "Lalaban rin tayo."






        "Alam kong hindi mag babago ang planong nabuo sa isip mo kaya hindi na kami makakatutol pa." Paris





       Binalingan ko ng tingin si Greg. Tila hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.


     "Gumawa ka ng paraan para makapasok kami na hindi nila nahahalata." sabi ko at tumayo na




       Sinenyasan ko sina Paris na pakawalan na si Greg.




     "Alis na." Morgan


    Palabas na si Greg nang muli akong mag salita.





    "Huwag kang mag tatangkang traydurin ako dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin." napahinto sya sa sinabi ko bago muling nag lakad palabas ng gusali









      Nag palipas pa kami ng ilang minuto nina Paris roon para maipaalam ang kabuuan ng plano ko.




     Wala pa ang susunod na guro namin ng dumatong ako sa classroom. Nag tuloy tuloy ako sa upuan ko at ibinaba ang bag ko pero hindi pa man ako nakakaupo nang may tumawag sa pangalan ko.





      "A.M.." inangat ko ang paningin ko sa tumawag, si Lee pala







    Nahihiya syang tumingin sakin habang inaayos ang salamin nya sa mata. Sa daming nangyari, nakalimutan ko nang humihingi ng permiso si Lee na manligaw sakin.





    "Oh, Lee.. bakit?" tanong ko






     Tumikhim sya at inayos muli ang salamin bago sumagot.




    "Pwede ba tayong mag usap?" Lee




     Sumilip ako saglit sa wrist watch ko. Malapit nang dumating si ma'am.




     "Wala si Ma'am Vicky.. emergency raw kaya posibleng mabakante na naman ang susunod na klase." sabi nya na tila alam na nya ang nasa isip ko, tiningnan ko lang sya ng ilang segundo bago tumango




     "Total.. s-susunod na naman ang break time. Sa Cafeteria na tayo mag usap?" Lee






     Pumayag na rin ako. Kakausapin ko rin naman sya tungkol sa anumang nararamdaman niya para sakin. Gusto kong masabi ko yun ng maayos sa kanya.




      Ipinaghila pa ko ng upuan ni Lee nang makarating kami sa cafeteria. Doon kami pumwesto sa walang istorbo.




    "Salamat, Lee." ako





       Ngumiti sya sakin bago umupo sa kaharap na upuan. Nag punas sya ng pawis sa noo nya. Pinag papawisan ba sya dahil sa kaba? Hindi ko naman sya kakainin.





    Hindi ko maiwasang mapatingin sa muka ni Lee. Kahit humaharang ang malaking salamin nya sa mata ay hindi naman maipag kakaila na may hitsura sya. Swerte ang babaeng mamahalin nya.





    "A.M... salamat dahil pumayag kang makapag usap tayo. Sa mga nag daang Linggo, napapansin ko kasing iniiwasan mo ko.... dahil ba sa Nerd ako at ayaw mo naman talaga sakin?" Lee


     Agad akong nag react sa sinabi nya.




    "Lee, hindi ganun yun. Iniiwasan kita dahil ayokong mahulog ka pa sakin. Mabuting kaibigan ang tingin ko sa'yo at nalulungkot ako dahil hindi ko masusuklian ang damdamin mo para sakin." hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan syang mabuti





    "Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin, Lee. Ayaw kitang saktan." patuloy ko





     Lumungkot ang reaksyon nya pero hindi nya inalis ang kamay ko.





        "May mahal ka na bang iba?" Lee





     Napahinga ako ng malalim bago tumango. Umiwas sya ng tingin sakin at inayos ang salamin nya.




       "Masaya pa rin ako para sa'yo. Salamat dahil naging mabuti ka rin sakin." sabi nya at pilit na siniglahan ang ngiti, ginulo gulo ko ang buhok nya at inalis ang salamin nya




      "Lee, gwapo ka naman oh. Matalino at mabait, maraming mag kakandarapa sa'yo dyan. Ibaling mo lang sa kanila ang mata mo. Baka makahanap ka ng bagong pag ibig." ako



     Napangiti naman sya at tumango tango. Nagulat ako nang tumayo sya at hagkan ang pisngi ko. Oh no, baka makita ni Adam. Kung ano pa isipin nya.





     "Friendly kiss. Salamat ulit, A.M. Gusto kong maging masaya ka sa piling ng mahal mo." nakangiti parin nyang wika




      "Salamat rin, Lee." ako




     Total malapit na rin ang break time. Nag sabay na kaming kumain. Pasalamat na lang ako at hindi pumupunta sa Cafeteria sina Adam at ang mga tauhan nya. At pasalamat rin ako dahil hindi itinanong ni Lee kung sino ang mahal na tinutukoy ko. Baka matakot lang sya kapag nalaman nyang si Adam ang lalaking yun.


















She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon