CHAPTER 22

1.8K 43 0
                                    

  Alexis Margarette's P.O.V













Napangiti ako pag gising ko nang bumungad agad sa paningin ko ang pinakaguwapong nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko. Marahan kong inihaplos ang kamay ko sa maamo nyang mukha.

"Mahal na mahal kita, Adam Miguel.." mahina kong sambit habang pinipigilang maluha, ngayong tapos na ang problema nya sa Adamson Mafias na alam ko ring tutulungan sya ni Alejandro ay siguro ito na rin ang tamang oras para bumalik na ko sa pamilya ko

Masakit mang isiping aalis ako, alam kong gagawa ang tadhana ng paraan para mag sama muli kami ni Adam. Magiging mas mahusay pa syang Big Boss ng Adamson Mafias at ako... babalik ako sa pagiging normal na babae na namumuhay sa tahimik na probinsya. Pero ang puso ko ay maiiwan sa kanya dahil mahal na mahal ko sya.

Bumukas ang mga mata ni Adam bago bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Malawak syang napangiti.

"Good morning, baby." bati nya at marahang hinalik halikan ang pisngi ko

"Araw araw gumaganda ang gising ko kapag ikaw agad ang nakikita ko." Adam

Mabilis ko siyang niyakap bago nya makita ang pag bagsak ng mga luha ko. Hindi ko na napigilan lalo na sa sinabi nya, ano na lang ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang aalis na ko. Alam kong mahihirapan syang iwan ang pagiging Mafia Boss para lang sumunod sakin sa probinsya namin

Bago kami umuwi ni Adam sa mansyon nya ay nakaplano na ang lahat. Nag plano ako ng munting surpresa sa kanya sa mansyon, nag paturo ako kay manang Dina sa pag luluto ng mga pagkaing gusto ni Adam. At kahit naiinis parin ako kay Alejandro ay pinakiusapan ko syang dumalo sa mansyon kasama ang dalawa pang kuya ni Adam. Gusto kong makagawa ng mga bagay na ikatutuwa ni Adam bago man lang ako umalis.

Nakapasok na ang sasakyang sinasakyan namin ni Adam sa malaking ng mansyon. Sa wakas nakauwi na kami. Nauna syang bumaba ng sasakyan at agad akong pinagbuksan ng pinto.

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa mga labi nya. Sumilip sya sa wrist watch nya at malawak na napangiti.

"Let's have a date." yaya nya

"Date? Today?" ako, hindi pwede.. paano nya makikita ang surpresa ko saka nag hihintay na sila sa loob

"Yes, a date today." sagot nya

Hinawakan ko sya sa pisngi nya at nginitian.

"Gusto ko sana kaso pumasok muna tayo sa loob." malambing kong wika para hindi sya makatanggi

Saglit nya kong tinitigan bago sumang-ayon, hinawakan ko na sya sa kamay at lalakad na sana kundi nya lang ako hinila pabalik at sinalubong ng mga labi nya.

Todo ngiti sya matapos dampian ng halik ang mga labi ko.

"I love you." Adam

Napatawa ako saka ginulo gulo ang buhok nya. "I love you too." tugon ko

Nang makapasok kami sa mansyon ay agad na bumungad samin ang mga bisita.

"WELCOME HOME!"

Kunot noong napatingin sakin si Adam, pinipigilan nyang ngumiti.

"Pakana mo to?" Adam

"Yes.. welcome home." ako

"Thank you, babe." bulong nya at humalik pa sa pisngi ko bago nya ko kabayan

HINDI maiwasang mapatingin sa direksyon ko sina Trevor at William kahit na kausap sila nina Adam at Alejandro. Katatapos lang namin kumain at kasama pa rin nila ko sa garden habang pinag-uusapan nila ang nangyari sa Adamson Mafias.

Narinig kong tumikhim si Trevor at diretsong tumingin sakin. Hindi na nya siguro mapigilang hindi mag usisa tungkol sakin.

"I remember you, Miss. Hindi ba't ikaw rin yung babaeng kasama ni Adam nang mag karoon ng auction dito sa mansyon? Tama ba ko?" tanong nya, napatingin samin sina Alejandro

"Yes, it's me." ako

Tumaas ang kilay nya at hindi naalis ang mga mata nya sakin.

"So are you one of the Adamson Mafias? Kanang kamay ka ba ni Adam?" tanong pa nya na ikinatawa ni Alejandro

Umiling ako at mag sasalita na sana kado inunahan ako ni Alejandro.

"Trevor! Girlfriend sya ni Miguel! Isn't it obvious and surprising!? Marunong rin palang umibig ang isang ito. Can't believe it." Alejandro

Nakita kong gumuhit ang pag kagulat sa reaksyon nina Trevor at William. Napatingin sila kay Adam na seryoso kang nakikinig habang.. habang nakatingin pala sakin. Hindi ko napansin na kanina pa rin pala nya tinititigan.

"Brother, so she's your girl?" nakangiting tanong ni William habang paulit-ulit na napapatingin sakin

"Yes, she's my Girlfriend. Alexis Margarette." sagot ni Adam saka umakbay sakin

"Oh.. but wait.. parang pamilyar sakin ang Girlfriend mo, Miguel. Nagkita na ba tayo?" baling sakin ni William

Marahil si Deux ang nasa isip nya. Madalas syang nanonood sa mga Gang fight namin kaya malamang nakikilala nya ko.

"She's Deux, isa sa mga pinag mamalaki mong Gangster." Adam

Naibaba ni William ang hawak na tasa at di makapaniwalang napatitig sakin.

"Seriously!? You're Deux!?" William

Tumango ako. "Yes the girl with the mask." sabi ko

Lumawak ang ngiti nito.

"Woah.. maganda palang dalaga ang nasa likod ng maskarang yun. By the way, Alejandro, Trevor.. sya ang isa sa mga gangster na minsan ko nang naikuwento sa inyo. Napakahusay nyan." William

"Kaya pala marunong humawak ng baril." tumatango tangong sambit ni Alejandro

"Well, it's quite cool." ang kanina pang seryosong mukha ni Trevor ay unti unting umamo, ngumiti na rin ito sakin

"Adamson Brothers nandito lang pala kayo! I've been looking for you guys." napatingin kami sa bagong dating na babae, tsk bakit nandito ang babaeng yan!?

Naiinis akong napatingin kay Alejandro. Sigurado akong sya ang nag imbita sa babaeng yan. Nananadya ba sya!? Ugh!

"Rebecca! It's good to see you, come and join us." alok ni Alejandro at hinila ang upuan sa tabi ni Adam, woah just great idea! Inaasar talaga ko ng kuya ni Adam, alam nyang karibal ko si Rebecca

"Thank you. Oh, narito ka rin." sagot ni Rebecca at nabaling sakin ang mga mata nito, pumaskil sa mga labi nya ang pekeng ngiti nang makita ko.. tiningnan ko lang sya at inismidan.. hindi ako makikipag plastikan sa kanya

"Hi, Miguel. Welcome home, na-miss kita!" Rebecca

Hindi ko maiwasang mainis nang humalik ito sa pisngi ni Adam. Hindi ba pwedeng makipag beso na lang sya!?

Tipid syang nginitian ni Adam at sinalinan ng pagkain ang plato ko.

"Try this, baby." Adam

Napangiti ako agad at pinisil ang baba nya. "Thanks, baby."

Pinigilan kong matawa nang mapansin kong napairap sa inis si Rebecca. Nginitian ko sya ng ubod ng tamis at inalok ng pagkain.

"Ikaw? Gusto mo ba?" ako

"Ayoko, nawalan ako ng gana." sagot nya at pekeng ngumiti sakin  

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon