CHAPTER 23

1.6K 42 0
                                    

NAPANGITI ako nang punasan ni Adam ang mga labi ko. Nakakaloko syang tumingin sakin pababa sa mga labi ko. Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay nang bahagya syang lumapit sakin.



Handa na nyang hagkan ang mga labi ko nang mapansin ko ang pag tabig ng kamay ni Rebecca sa wine glass na hindi pa nababawasan ang laman. Tumapon ito sa direksyon ko kaya agad akong napatayo.



"The hell." pigil ang inis na wika ko at masamang binalingan ng tingin si Rebecca, nakangiti ito sakin at parang sinasabing wala syang kinalaman dun



Napatayo rin si Adam at agad pinunasan ang damit ko.



"Mag papalit na lang ako." sabi ko at binigyan sya ng ngiti kahit na gustong gusto ko nang sugurin si Rebecca at ibuhos sa kanya ang isang boteng wine



"Let's go, sasamahan na kita." Adam


"Wait, ako na lang. Gusto ko rin kasing mag retouch." Rebecca



Napatingin sa kanya si Adam bago muling tumingin sakin.



"Ayos lang, babalik rin ako agad." sagot ko at tinapik sya sa balikat



"Huwag kayong mag aaway." natatawang pahabol ni Alejandro, mukang tuwang tuwa sya sa nakikita nya



Sinamaan ko lang sya ng tingin bago nag patuloy sa pag lalakad. Nang makapasok kami sa loob ay agad akong huminto at hinarap sya.



"Alam kong sinadya mo yun." naiinis kong sabi



Tumingin sya sa paligid bago nakangiting sumagot



"Oops sorry ha kasi sobra na kong naiinis sa'yo e." nang-aasar na sagot nya at humakbang na paalis



Napapikit ako sa inis at bago pa man sya makalagpas sakin ay mabilis kong iniharang ang sapatos ko sa daraanan nya. Halos mapasubsob sya sa sahig sa ginawa ko.




"How dare you! Sinadya mo yun!" naiinis nyang sigaw habang tumatayo




Now it's my turn to smile like a bitch. Kanina ko pa syang pinagtitimpian!




"Oh sorry ha Kasi sa totoo lang naiinis na ko sa'yo, alam mo ba yun. Konti konti na nga lang makakatikim ka na sakin." ako



Tumayo siya ng ayos at humakbang patungo sakin.



"Bakit anong gagawin mo sakin? You'll going to grab my hair or slap me hard huh!?" Rebecca



Napaismid ako sa sinabi nya, hindi pa ko ganung kabait para gawin yun. Mas gusto kong sapakin yang pag mumuka nya at durugin ang buto nya.

"Hindi. Mas higit pa ron ang gagawin ko sa'yo." ako

Tumawa sya ng peke.




"Ano? You'll going to kill me?" tila naghahamon na tanong nito



Tinitigan ko sya ng seryoso at nilapitan rin. Hinawakan ko sya sa balikat at tinitigang mabuti.



"Ingat ka sa Mga tinatanong mo, baka mamaya madulas ako at masagot ko ng oo. Tsk tsk." sabi ko bago nauna nang mag lakad



Hindi agad sya nakapag react sa sinabi ko at saglit pa syang natigilan sa kinatatayuan nya.



Nakakailang hakbang pa lang ako sa hagdanan nang maramdaman ko ang pag hila nya sa braso ko.




"Hindi pa tayo tapos! Hindi ako natatakot sa'yo!" singhal nya


"Bakit sino ba'ng nag sabing tinatakot kita?" nakaismid kong balik sa kanya sabay bawi ng braso ko, tinalikuran ko sya at nag patuloy sa pag akyat ng hagdan pero tila ayaw nya kong matuloy sa pag akyat ko dahil muli na naman nya kong hinila, nagulat ako nang salubungin nya ko ng malakas na sampal




Nawalan ako ng balanse sa ginawa nya, buti na lang nakahawak agad ako sa railings ng hagdanan. Napakuyom ako ng kamao, ang lakas ng loob nyang pag buhatan ako ng kamay!




"Akala ko kami na ni Miguel ang para sa isa't-isa noon pero nang makilala ka nya, bigla na lang sa'yo nabaling ang atensyon nya. Umasa ako pag alis ko ng Pilipinas na susundan nya ko pero hindi! Mas pinili nyang manatili rito!" sigaw nya




"Ang sabi nya, he need to stay here for the sake of Adamson Mafias pero alam kong hindi yun ang tunay na dahilan! Alam kong ikaw ang bwisit na dahilan!" muli nyang sigaw




Sinamaan ko sya ng tingin.




"Huwag mong isisi sakin ang nangyayari sa'yo. Wala kong ginawang paraan para agawin si Adam, sa totoo lang hindi naman talaga siya sa'yo." ako






Nag salubong ang mga kilay nya at akmang sasampalin na naman ako pero mabilis kong nahuli ang kamay nya. Naiirita ko yung isinubsob sa pag mumuka nya at tinulak sya palayo sakin. Pasalamat sya, yan lang inabot nya sakin.




"Kung wala ka nang magandang sasabihin, aalis na ko dahil mag papalit pa ko ng damit." sabi ko at iniwan sya ron



Nasa taas na ko nang marinig ang boses nya, hindi pa ko nakakalingon sa gawi nya nang maramdaman ang malakas nyang pag tulak sakin. Tumama ako sa malaking vase kaya ayun nabasag at nakagawa ng ingay.


"Rebecca!" sabay kaming napatingin ni Rebecca sa mga bagong dating



Pinilit ko agad makatayo nang makitang sina Adam yun. Mabilis akong nilapitan ni Adam at tinulungan. Masama nyang binalingan ng tingin si Rebecca na nagulat rin sa biglaang pag dating nila.




"What the hell is happening between you two!?" Adam

"Adam, I can explain. It's just that----" pinutol ko agad ang anupamang sasabihin ni Rebecca, baka mamaya ako ang ibaligtad nyan


"It's just that sinampal nya lang naman ako at itinulak sa vase na yan." sabi ko at masamang nakipag titigan kay Rebecca


"Rebecca, is it true?" Alejandro


"Hindi yan totoo! Ikaw ang nauna!" Rebecca

"So ano!? Nag sisinungaling lang ako!? The heck of you!" singhal ko, hinawakan ako ni Adam sa kamay at nakakunot noong napatingin sa may siko ko


"It's bleeding." Adam





Binawi ko ang kamay sa kanya at tinalikuran sila. Nasa sa kanila na kung paniniwalaan nila ang sinasabi ni Rebecca, narinig ko pang napahagulgol ang babaeng yun. Tsk, ano dramahan lang!?




"Wait, where are you going? Halika gamutin natin yan." habol ni Adam pero hindi ko sya nilingon

"Kaya kong gamutin ang sarili ko, mabuti pa intindihin nyo muna yang babaeng yan. Mukang nasiraan ng bait." sabi ko bago tuluyang makalakad palayo

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon