Chapter 30

2.4K 52 4
                                    

Third Person’s P.O.V











“A.M, sya ba si Adam!?” hindi mawala ang nanunuksong ngiti sa labi ni Arisha na’ng makalapit ito sa kanila, muntik bang malimutan ni A.M na kasama nya sa pag sisimba ang kaibigan na’ng makita nya ang lalaking matagal na nyang hinihintay



“Oo. Arisha, si Adam. Adam, sya si Arisha yung kaibigan ko.” Pakilala ng dalaga



Tumango lang si Adam pero agad ring ngumiti na’ng pinaningkitan sya ng mga mata ni A.M. Mahina pa syang siniko ng dalaga.



“Nakalimutan mo na bang ngumiti, Mr. Adamson?” tanong ni A.M sa kasintahan



Napakamot sa batok si Adam at nag kibit balikat. Saka nya inakbayan ang dalaga.


“Ang totoo, muntik ko na’ng makalimutan ang pag ngiti kung hindi lang ikaw ang nakikita ko.” Seryosong tugon nito na ikinataas ng kilay ni A.M



“Ehem.. sige, mauna na ko sa inyo. Punta na lang ako sa bahay nyo mamaya, A.M.” paalam na ni Arisha bago sila bigyan ng nakakalokong ngiti



“Dapat matuto kang ngumiti hindi lang sakin kundi sa lahat. Lalo kang gumagwapo, hindi mo alam?” 




Napatawa si Adam, ginulo gulo nya ang buhok ni A.M saka ito hinawakan sa baba. Tinitigan nya ito sa mga mata. “I love you, A.M.” 



Napangiti si A.M saka pinisil ang ilong ng binata. “I love you rin.” Sabi nya at maingat na inabot ang mga labi ni Adam

















“IKAKASAL!?” napatayo sa gulat sina Paris na’ng marinig ang sinabi ni Lee sa telepono, tumawag ito para ibalita na ikakasal na si A.M





“Totoo ba yan?” natatawang sabi ni Grayson



“Ah, akala ko May pag asa pa si Paris at A.M. Tsk, wala na pala dude. Haha.” Si Peterson



“Akala ko nga si Lee na ang papalit kay Adam at Paris e, hindi rin pala.” Si Morgan



“Mag sitahimik nga kayo. Akin na yang telepono na yan.” Kinuha ni Paris ang telepono na hawak parin ni Grayson, kunot ang noong kinausap nya ang nasa kabilang linya



“Lee, nandyan ka pa rin ba?” tanong nya


[ Oo, at totoo ang sinabi ko. Sinabi lang sakin ni Arisha.] 





Ah, natatandaan nya ang pangalan na yun. Kaibigan yun ni A.M.




“Kailan pa?” 




[ Nung nakaraang Linggo pa raw nag propose si Adam. At papunta na ako kina A.M. Kayo ba? Bakit parang wala kayong alam? ] natatawang tanong ni Lee na lalo namang ikinagusot ng muka ni Paris





Binaba nya ang telepono at nag mamadaling pumasok sa kuwarto nya. Pag labas nya ay sakbit na nya ang itim na bag at bitbit ang susi ng sasakyan nya.



“Oh, san ka?” Morgan



Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan.



“Sa Batangas, hindi pupwedeng wala ako ron. Kailangan naming mag usap ni A.M.” 





“Oy teka! Sama kami!” agad na nag takbuhan palabas ng condo ni Paris sina Morgan at humabol kay Paris










A.M’s P.O.V










NAPANGITI ako na’ng makita ko si Zavrinna at Arisha na kararating sa boutique. Tutulungan nila ko na makapili ng babagay saking damit, mas gusto ko yata ang taste ng dalawa kaysa kay Adam. Ang dami ko na’ng sinukat at sinuggest na design pero walang pumasa kay Adam. Hindi naman sya ang mag susuot. Yung mga sinuggest naman nya para sakin, hindi ko naman gusto.




“Nasan si Adam?” tanong nila



“Pinaalis ko muna.” Sagot ko



“Ah! Kaya pala, nakita ko kanina sa labas. Nakasimangot ang fiancé mo. Pero wag kang mag alala, gwapo parin.” Natatawang wika ni Zavrinna, napatawa rin kami



“Dumating na si Lee kanina.” Sabi ni Arisha, napataas ang kilay ko.. sa pag kakaalam ko nung huling bumisita sakin si Lee ay nag tanong sya ng ilang bagay tungkol kay Arisha, hindi napansing mag kakaroon sila ng interes sa isa’t-isa



“Ikaw ha, May hindi ka sinasabi sa amin.” Sabi ko


Namula ang pisngi ng kaibigan namin at agad nag iwas ng tingin. Sabi ko na nga ba. May something na.


May sasabihin pa sana ako na’ng mag ring ang phone ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag ng kapatid ko.


“Bakit, Zander?” 

[ May mga lalaking kararating lang dito, Ate. Sina Paris raw. Kilala mo sila? ]


Nanlaki ang mga mata ko. “What!?” tanong ko saka napatampal sa noo ko, nakalimutan kong ibalita kina Paris ang tungkol sa kasal. Siguradong masama na ang loob ng lalaking yun. Haha naman.

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon