CHAPTER 18

1.9K 45 0
                                    

     A.M's P.O.V














             BUMUKAS ang malaking gate sa palace ng Adamson Mafias nang dumating ang sasakyan namin. Pinapasok nila kami nang ipakita namin ang pekeng katibayan na miyembro kami ng Adamson Mafias.








    Nang makababa kami ng sasakyan ay sinalubong agad kami ni Greg.







      "Si Adam?" tanong ko agad



     "Nasa loob sila at nag hahanda sa mga sasalakay." malamig na tugon ni Greg, napangisi ako sa tono ng pananalita nya.. sayang nga lang at hindi nya nakikita sapagkat nakamask ako





      Pinapasok kami ni Greg sa malaking pintuan papasok sa palace. Bumungad agad samin ang napakalaking kalooban ng lugar, at ang mga Adamson Mafias sa loob. May ilang nakatingin samin pero binale-wala namin yun. Nasan si Adam?







      "Sa rooftop tayo, Deux." Gray




     Tumango ako at sumunod sa kanila. Nilingon ko ang paligid at di sinasadyang nahagip ng paningin ko ang babaeng bisita ni Adam nung isang araw sa mansyon. Nakangiti itong lumapit sa isang lalaking may kausap na ilang tauhan. Kahit nakatalikod sa direksyon ko ang lalaking yun, alam ko kung sino yun. Napakuyom ang kamao ko nang makita ang pag lambitin ng babaeng yun sa braso ni Adam.



   "Deux! Let's go!" natauhan lang ako nang lapitan ako ng mga kasamahan ko, mabilis naman akong lumingon sa kanila at nauna nang mag lakad





     Tsk ang babaeng yun, wag lang nyang gagawin ang mga bagay na hindi ko magugustuhan dahil baka baliin ko ang buto nya.




















        Walang tauhan sa rooftop nang dumating kami, mabuti sinunod ni Greg ang gusto ko. Dito namin aasintahin ang mga kalabang papasok sa malaking gate ng palace. Inilabas ni Morgan ang mga dalang sniper at ipinamahagi pag katapos ay nag kanya kanya na kaming puwesto.








     Inayos ko ang sniper ko at sinilip ang direksyon nina Paris. Nilingon ko rin si Greg, i'm going to watch his every move.. I sense something wrong with him. Kaya kahit abala ako ay hindi ko aalisin ang paningin ko sa kanya.










    Tumingin ako sa orasan ko... Nine zero five na ng umaga. Ilang minuto pa ang lumipas na'ng mapansin kong wala pang pumapasok na mga kalaban. At doon ko rin napansin na tila hindi na kami nina Paris ang naririto. Humigpit ang hawak ko sa sniper at mabilis na itinutok sa direksyon ni Greg kasabay naman noon ang pag labas ng ilang mga lalaki sa paligid. Shit! Sinasabi ko na nga ba!?





    "You look surprise!" natatawang sigaw ni Greg kahit nakatutok ang sniper ko sa kanya






   Mabilis kong sinilip sina Paris, nakita ko rin ang pag tutok ng mga lalaking ng baril sa kanila. Peste!




    "You're a fuckin' traitor!" singhal ko sa kanya



     "Yes I am!" natatawa pa rin nyang wika saka dumukot rin ng baril at itinutok sa direksyon ko




     "At may kalalagyan ang mga katulad mong traydor." mariin kong wika





     "Tsk tsk... nakikita mo ba ang mga tauhan ko. Isang kumpas ko lang ng kamay.. tatadtarin ka nila ng bala... kaya mas mabuting sumuko ka na lang at ang mga kasama mo." nakangisi nyang wika




She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon