CHAPTER 4

3.1K 63 2
                                    

        Deux's P.O.V





      Napatigil ako sa pag lalakad nang biglang kumirot ang binti ko. Kaagad akong umupo sa nadaanan kong bench at sandaling nag pahinga.

     Pinanood ko na lang ang mga batang nag lalaro sa park kasama ng mga pamilya nila. Malungkot akong napangiti nang sumagi sa isipan ko ang pamilya ko.

  Sumandal ako sa upuan at ilang minutong pumikit.

    "You're so beautiful." pero agad rin akong napamulat nang may mag salita sa harapan ko

  "Tss." ako

    Umupo sya sa tabi ko at tumingin rin sa mga bata.

"What are you doing here?" tanong ko

   "Masama bang pumunta rito?" Paris (Premier)

    "Hindi." ako

   Ang gulo naman nito kausap. Tumayo na ko at balak ko nang umalis.

  "Hatid na kita." Paris



  "Kaya ko sarili ko." sagot ko habang nag lalakad paalis.. hindi ko na sya nilingon. Kailangan ko pa bang gawin yun? Tss.

       Malapit na kong makauwi sa bahay ko nang maramdaman kong tila may sumusunod sakin. Mukang kanina pa nila kong inaabangan.

   "Mga bwisit." bulong ko at pinasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng uniform ko.. tsk .. pinasadya ko talaga ang dalawang bulsa sa palda ko. Para naman May lagayan ako ng baril.

    Nag patuloy ako sa pag lalakad na para bang hindi ko sila nahahalata. Ilang lakad pa bago ko huminto sa tapat ng bakanteng lote. Huminto rin sila.

    "Kamusta ka, Deux!?" sigaw ng lalaki

    Mabilis akong humarap sa kanila.. woah. Ang dami namang resbak nito. Gaano ba sya kahina para mag sama pa ng mga gunggong?

  Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti." sagot ko

    "Tsk! Alam mo ba ang ginawa mo sa leader namin, Deux!?" sigaw nyang tanong


    Hindi ako sumagot .. nakatingin lang ako sa kanila dahil binibilang ko kung ilan lahat ng
  mga kasama nya. Hindi pa nga gumagaling ang binti ko.. sasabak na naman sa bakbakan. Hay, shit.

    "Hindi na kami mag aaksaya ng panahon .. narito lang naman kami para turuan ka ng leksyon!" singhal nya at mabilis na nag labas ng baril.. sumunod rin ang mga kasamahan nya. Tangna! Ang Dadaya ng mga to. Nag iisa lang ako tapos sila labing isa!

  Humigpit ang hawak ko sa mga baril ko.


    "Mag dasal ka na, Deux!" muli nyang sigaw at sabay sabay nilang itinutok ang baril nila sa direksyon ko.. bago pa man nila maikasa yun ay mabilis na kong tumakbo palayo.. hindi para tumakas!



THIRD PERSON'S P.O.V






    Sa kabila nang pananakit ng binti ni Deux ay nagawa parin nyang tumakbo ng mabilis.. maagap nyang kinuha ang dalawang handgun at mag kasabay na kinasa sabay tutok sa direksyon ng mga lalaki.


    "Let's begin." sambit nya at walang humpay na pinutok ang mga baril sa kalaban habang hinahabol sya. Tsk.. yakang yaka.






  "Tangina! Nasan na ang babaeng yun!?" inis na tanong ng nag sisilbing pangalawang lider ng The Warriors nang mawala sa paningin nila si Deux.




She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon