CHAPTER 26

1.5K 36 0
                                    

TIPID na ngumiti si A.M habang pinagmamasdan sa huling page kakataon ang malaking warehouse kung san sila madalas mag training at mag gang fight.


Marahan nyang hinubad ang itim na maskara at tinitigan ito.


"Binibitiwan na kita, Deux. Babalik na ko sa dating ako... sa dating Alexis Margarette Del Carmen." wika ni A.M saka akmang sasakay na sa nakaparada nyang sasakyan nang makarinig naman sya ng paparating na van.


Mabilis nyang isinuot muli ang itim na maskara at lumingon sa van na yun na sadyang huminto sa harapan nya. Kinutuban agad sya ng hindi maganda, kaagad nyang kinalma at hinanda ang sarili.



Wala pang ilang minuto ay nag silabasan na ang apat na mga lalaking sakay ng van. Lahat sila ay nakamaskara ang buong muka kaya't hindi nya malaman kung sino ang mga ito.



"Deux! Kamusta na naman!?" tanong ng naunang lalaki sa kanya sabay alis sa maskara nito, dun lang napagtanto ni A.M na ito ang lider ng 'The Warriors Gang'.



Nabigla si A.M na makita muli ito, ang tagal rin nitong hindi nag pakita sa warehouse imaging sa arena matapos nyang paulanan ng bala ito at ang mga gangster nito.


"Mabuti naman at ikaw lang ngayong mag Isa." patuloy nito at ngumiti ng nakakatakot, isinuot muli nito ang maskara at lumingon sa mga kasama , tila may sinenyas ito.


Napaatras si A.M nang lapitan sya ng tatlo pang lalaki. Akma syang hahawakan ng Isa sa mga ito pero maagap nya yung nabalian ng buto sa kamay. Napasigaw ito sa sakit kaya nataranta ang mga kasama nito at kaagad na sumugod Kay A.M.


Malakas na suntok ang binigay ni A.M sa sumunod na lalaki pag katapos ay sinikmura ito at itinapon sa paparating na kasamahan nito. Natumba ang mga yun sa damuhan. Sinamantala ni A.M ang pag kakataong yun upang makapasok sa sasakyan nya, kukunin sana nya ang baril sa loob pero mabilis syang hinila ng marahas ng lider ng mga lalaki.

"Shit! Bitiwan mo ko!" angal nya at pilit na nilalabanan ang lalaki


"Palaban ka pa rin hanggang ngayon, Deux." nakangising wika ng lalaki sabay pisil ng mariin sa baba nya at masama syang tinitigan


"Pero tingnan natin kung hanggang saan ang pagiging palaban mo!" patuloy na wika nito sa kanya




Nakipag tagisan si A.M ng masamang tingin sa lalaki, hinawakan pa nya ang kamay nito na mariing nakahawak parin sa kanya. Ibubuka sana nya ang bibig upang mag salitang nang may biglang humampas na bagay sa kanyang ulo. Tila umikot ang paligid nya kasunod ang unti unting pag didilim nito. Naramdaman nya ang pag bagsak nya sa lupa.



"Dalhin nyo na yan! Bilis!" narinig pa nya bago sya tuluyang mawalan ng malay









NAPATIGIL sa sanang pag pasok sa kuwarto ni A.M si Adam nang kausapin sya ng isang tauhan nya. Marahil napansin nitong kanina pa syang kumakatok roon.



"Sir, umalis po kaninang umaga si Ma'am A.M at sinabing may importante lamang syang pupuntahan."



Kunot noo nya utong binalingan ng tingin.


"At hindi pa sya nakakabalik hanggang ngayon?" Adam



Alanganing tumango ang tauhan nya. Sinenyasan nya itong maaari nang makaalis. Kinuha nya ang phone nya at tinawagan ang number ni A.M.


Bakit hindi man lang ito nag paalam sa kanya? At anong oras na ba ngayon? Mag aalas cinco na ng hapon pero hindi pa rin ito nakakabalik sa mansyon.




Isasara na sana nya ang pintuan ng kuwarto ni A.M nang mariing nya ang pag ring ng ibang phone mula sa loob. Napailing sya at pinasyang hanapin kung nasan yun. Nakita nyang nakapatong yun sa kama ni A.M. Malimutan marahil Dalhin ng dalaga. Kinuha nya iyon at hindi sinasadyang nabasa ang nakasulat sa screen. Naroon ang missed call nya at Isa pang missed calls at mga unopened messages mula kay Arisha.




Napakunot noo sya, hindi nya kilala si Arisha at hindi rin naman nya ugaling buksan ang phone ng sinuman pero tila may nag tulak sa kanya upang buksan iyon at basahin ang mensahe mula kay Arisha.



'Hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko, A.M. Gusto ka sanang kausapin ng mama mo. Kung abala ka ngayon ay ikaw na lang ang tumawa mamaya.' message from Arisha



May iba pang mga messages na nasa itaas na hindi sinasadyang na-scroll pababa ni Adam. Nabasa nya ang nakasulat.




'Can't wait to see you again, A.M. Sabihin mo lang ang eksaktong araw ng pag uwi mo at susunduin kita. Bago ko malimutan ay nasabi ko na sa pamilya mo ang nalalapit mong pag babalik rito. They're so happy! Aasahan namin ang pag uwi mo, Isa sa mga araw na ito, A.M.'. message from Arisha




Kanina pang mga 8 ng umaga dumating ang mensaheng iyon ng kaibigan ni A.M. Bagsak ang mga balikat na napatitig roon ng matagal si Adam.



Hindi nya alam ang plano ni A.M na pag uwi. Sari sari ang naramdaman nya. Aalis na si A.M Ngunit wala man lang syang kaideya ideya tungkol roon kung hindi pa nya nabasa ang message nito.




Naiinis syang nag lakad palabas ng kuwarto. Hindi pa sya nakakalayo ng mag ring ang phone ni A.M. Tumatawag si Paris Sinagot nya iyon dahil alam nyang alam nito kung nasan si A.M.





[ A.M, where the hell are you----] pinutol ni Adam ang anupamang sasabihin ni Paris dahil sa tanong nito, hindi ba nito alam kung nasan si A.M!?




"Ako dapat ang mag tanong nyang. Where's A.M?" Adam





[ Adam!? ] Paris


"Yes, this is Adam. Where's A.M?, she forgot her phone kaya't hindi ko sya makausap." wika nya


Narinig nya ang pag mura ni Paris at ang ilang mga boses sa kabilang linya


"Nasan ba talaga sila A.M!?" medyo in is at nababahala nang tanong ni Adam, iba na ang kutob nya



[ Adam, we think... A.M was kidnapped. ] Paris



"FUCK!? WHAT!?" Adam

She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon