CHAPTER 12

2.3K 56 0
                                    


NAGISING si A.M nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa pisngi nya. Si Adam ang sumalubong sa kanyang mga mata. Napabangon siya.





"Bakit ngayon ka lang umuwi?" hindi maitago ang pag aalala sa boses nya







Bahagyang nakaluhod si Adam habang nakaupo siya sa couch. Marahang inihilig ng binata ang ulo nito sa kandungan nya. Halatang pagod na pagod ito.



Napabuntong hininga si A.M, kahit hindi nito sabihin sa kanya ay alam niyang May problema. Dahan-dahan nyang inangat ang ulo nito sa kanya upang mag tama ang kanilang mga tingin.



"Tell me, what's the problem?" mahina nyang tanong



Tumayo na si Adam at umupo sa tabi n'ya.



"Pinasok ng hindi kilalang grupo ang teritoryo ko kung san nakabase ang Adamson Mafias." simula ni Adam



Nagulat si A.M, sino naman ang grupong yun!?



Narinig niya ang pag buntong hininga ni Adam bago muling nag salita.






"Marami sa mga tao ko ang napuruhan, hindi nila inaasahan ang pag sugod ng lint*k na grupong yun." Adam


Mabilis na hinawakan ni A.M ang kamay ni Adam at marahang pinisil. Pinapakalma nya ito.



"Nakilala ba nila kung sino?" tanong nya



Inilingan sya ng binata. "No, they didn't."



"Ano nang plano mo?" A.M



Nakita nya ang mabilis na pag seryoso ng muka ni Adam.




"Uubusin ko ang grupo nila pamula sa tarantado nilang lider hanggang sa mga peste nyang alagad." malamig na sagot nito




Kinabahan si A.M, kilala nya si Adam. Gagawin nito anuman ang sabihin at gustuhin nya. Kinabahan sya sa maaaring mangyari sa binata at.. natatakot syang mawala si Adam sa kanya.



At hindi nya hahayaan yun, ngayon pang mahal nya na ito.





"Adam, gusto kong tumulong." sambit nya




Mabilis syang nilingon ni Adam at kaagad na inilingan. "No, A.M. Hindi ko maaatim na mapahamak ka at madamay."








Napabagsak balikat si A.M.

"Wala ba kong magagawa para tulungan ka?" malungkot nyang tanong


Naramdaman nya ang pag pulupot ng braso ni Adam sa beywang nya.


"Meron." sagot ng binata na kaagad nyang ikinatuwa

"Ano!?" A.M

Mahinang napatawa si Adam sa reaksyon nya bago nito marahang halikan ang mga labi nya.

"Just stay by my side and never ever leave me, A.M. Maaga kong ikamamatay kung mawawala ka sakin at iwan ako." sagot ni Adam habang masuyong nakatitig sa kanya



Saglit na natigilan si A.M, napakasarap pakinggan ang sinabi ng binata. Katulad nya ay ayaw rin sya nitong mawala. Ngumiti siya at tumango.



She's the Mafia Boss Beloved (Updatingsoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon