“Bakit dito tayo nagpunta?” naguguluhang tumingin si Chari kay Kai nang bumaba siya ng kotse nito.“Bingi ka ba o sadyang ulyanin lang? 'di ba nga sabi ko sa'yo, gagawan natin ng solusyon ang problema ng kumukulong tiyan mo.” Nakataas ang isang sulok ng mga labi na turan ni Kai sa kaniya.
Napaigtad siya nang marinig ang tinig ng binata. Wala siyang kamalay malay na nasa tabi na pala niya ito. Naroon sila sa parking space sa labas ng isang mamahaling restaurant. Akma siyang tatalikod pero maagap na pinigilan siya ni Kai. Hinuli nito ang isang palad niya at marahang hinila siya nito. Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay gulat na napahakbang siya palapit dito.
Awtomatikong yumakap ang isang kamay nito sa baywang niya ng mawalan siya ng balanse.
Napasinghap siya at nanlalaki ang mga mata na nag angat siya ng tingin sa maamong mukha ni Kai. Ang isang palad niya ay nakalapat sa ibabaw ng dibdib nito. Hindi agad siya nakakilos, parang computer na nagshutdown bigla ang utak niya.
“Nagugutom ka na 'di ba?”
Ano ba!
Saway niya sa puso niya nang magsimula iyon magwala sa loob ng dibdib niya.
Bakit ganoon? nagtatanong lang naman si Kai sa kaniya pero bakit halos matunaw na siya ng todo?
“O-oo nga. Nagugutom na ako pero wala akong balak kumain sa ganiyan kamahal na restaurant. Wala akong pera pambayad diyan.” sabi niya. Nawala ang dipensang itinatago niya.
“Hindi naman kita pagbabayarin. Ang mommy ko ang may ari ng restaurant kaya wala ka ng dapat pang isipin.” anito.
Ano daw? tama ba ang mga narinig niya? baka naman nananaginip lang siya?
“Nagbibiro ka 'di ba?” namamanghang tanong niya.
“Ano? bakit naman ako magbibiro? close tayo?” pasarkastikong turan nito.
Oo nga naman.
Naisaloob niya.
“Kung ganoon wala ka naman palang rason para ilibre ako dahil hindi tayo close kaya pwede ba—” nagpumiglas siya at pilit na lumayo dito. Pinakawalan naman siya nito.
“Makaalis na nga lang,” napaatras siya ng muli itong humarang sa daraanan niya. “Naku ha, may trabaho pa kaya ako. Alam mo ba na mapapagalitan ako ng manager ko kapag matagal akong nawala sa coffee shop.”
“Anak ako ng boss mo kaya dapat lang na sundin mo rin ako.”
Napaismid siya. “Ayoko nga,” para naman masisindak agad siya nito.
“Sa ayaw at sa gusto mo ay hindi rin naman kita papayagang umalis,”
Kumalma ka!
Sigaw niya nang magsimulang maging abnormal ang tibok ng puso niya. Siya na ang affected sa mga pinagsasasabi ng kumag na ito.
“So ayaw mo talaga akong paalisin ha?” nananantiyang tanong niya dito.
“Hindi. Bawal. No. Never.” madiing sagot nito.
“Bahala ka nga sa buhay mo,” humakbang siya at lalampasan sana ito pero pinigilan na naman siya nito.
Dahil matangkad ito at five flat lang ang height niya ay nagmukha siyang paslit na pilit na nakikipagtagisan ng lakas dito. Umabot lang hanggang sa balikat nito ang taas niya kaya para lang siyang nagsasayang ng pagod sa ginagawa niya.
Magninja moves na lang kayo ako?
Pwede. Gawain niya iyon dati dahil madalas na tumakas sila ng isang tiyahin niya sa mga pulis sa tuwing nagtitinda sila noon sa Divisoria.
“Uy Kai ano 'yun? tingnan mo bilis!” sabi niya at umarte siyang namamangha na may itinuro sa bandang likuran nito.
Sinundan naman ng uto-uto ang direksiyon na itinuro niya kaya nabitiwan nito ang kamay niya.
“Babush!” malakas na sabi niya at kumaripas na nang takbo.
“Bumalik ka dito!” singhal nito sa kaniya at mabilis na hinabol siya.
Ultimo ang driver nito ay tumakbo na at nakipaghabulan sa kanilang dalawa.
Naku bahala na si Batman sa akin!
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...