“Inhale, exhale..” ilan beses na huminga nang malalim si Charity habang nakatayo siya sa harap ng isang maliit at lumang bahay ng estudyanteng si Jendrick.Ilan linggo ng hindi pumapasok ang estudyante kaya naman labis na ang pag aalala ng teacher nito na si teacher Rosie. Nang puntahan naman ito ng co-teacher niya ay hindi nila inaasahan ang sunod na nangyari.
Nagwala daw ang lola ng bata at umabot pa sa punto na nahampas nito ng tubo sa ulo ang co teacher niya. Hindi naman nagdemanda si teacher Rosie at pilit na inintindi na lang nito ang kalagayan ng maglola. Nasa ospital na ito ngayon at nagpapagaling.Nursery ang hawak niya pero napilitan siyang tulungan si Jendrick kahit grade three student na ito. Naglakas loob na siyang bisitahin ang bata dahil wala kahit isa sa mga kasamahan niya ang may gustong makialam sa problema nito.
“Tao po,” ilan beses siyang kumatok bago pabalang na bumukas ang bakal at lumang gate.
Ang nanlilisik na mga mata ng lola ni Jendrick ang sumalubong sa kaniya.
“Sino ka?” nakataas ang isang kilay na tanong ng matanda sa kaniya.
“M-magandang araw po lola—”
“Ah! walang maganda sa araw ko, letse!” nagdilim ang reaksiyon nito nang makita ang unipormeng suot niya.“Titser na naman! kailan ba kayo titigil sa pagbisita dito, ha?” bulyaw nito sa kaniya.
Napansin niya na sumungaw ang ulo ni Jendrick. Natatakpan ng gate ang katawan nito na animo ay natatakot itong lumapit sa kanila ng lola nito.
“Lola, kasi po kailangan na talagang pumasok ng bata,”
“Wala akong pakialam. Sinabi ko naman sa inyo na hindi ko papayagang pumasok ang batang iyan hangga't hindi nagpapadala ng pera ang tatay niya. Mga lintik! mag aabroad daw para makatulong tapos mag aasawa lang pala at hindi na magpapadala ng pera dahil buntis ang babae niya. Ang nanay naman sumama sa ibang lalaki. Ginawa na nila akong yaya ng limang anak nila ni wala na nga kaming makain tapos pag aaralin pa. Naku! umalis ka na miss, hindi ko kailangan pag aralin ang mga apo ko. Kung ako nga hindi naman nakapag aral pero nabuhay ng matiwasay.”
Napakamot siya sa ulo.
“Pero lola kailangan po ng mga bata ang makapag aral at matutong magbasa at magsulat para hindi sila maloko ng iba at magkaroon sila ng maayos na buhay pagdating ng panahon.”
“Para saan pa? kung ako nga na matanda na hindi naman naloko ng ibang tao. Bakit nga ang iba na mataas naman ang pinag aralan ay naloloko pa rin. Aba'y tigilan mo nga ako ng mga dahilan mo.”
“Kung ganoon po lola mapipilitan kami na ipaalam sa DSWD ang kaso ninyo. Kung ganiyan po na nahihirapan kayong buhayin ang mga bata dahil hindi na nagpapadala ang mga magulang nila ay dapat lang na humingi na po tayo ng tulong sa gobyerno.”
“Teka lang!” nanlilisik ang mga matang dinuro siya ng matanda.
“Hintayin mo ako dito,”
Natigilan siya ng galit at nagmumurang pumasok ito sa loob ng gate. Mayamaya pa ay bumalik din ito at may dala na mahabang tubo.
“Ako ba talaga pinaglololoko ninyo? Ano ang karapatan ninyong sabihin sa akin ang dapat kong gawin sa mga apo ko! hinding hindi ko sila ibibigay sa kahit na kanino. Palibhasa hindi ka pa siguro nagiging magulang kaya wala kang preno sa pagpapasiya. Napakabastos mo!”
“Lola!” nanlamig ang buong katawan niya nang lumapit sa kaniya ang matanda.
Hindi na niya nagawang kumilos pa nang makita na anyong ihahampas nito sa kaniya ang hawak nitong tubo.
“Charity!” isang mainit na kamay ang humila sa kaniya.
Napasigaw siya nang sa isang iglap lang ay napaloob na siya sa pamilyar at mainit na mga bisig ng taong nagligtas sa kaniya.
“K-kai?” naiusal niya ang pangalan ng binata ng maramdaman ang pamilyar na init ng katawan nito.
Nang maramdaman niya na may likidong pumatak sa kamay niya ay gimbal na tiningnan niya iyon.
“Kai!” napasigaw siya nang makita ang mga dugo sa mismong palad niya.
Nag angat siya ng tingin sa binata. Duguan ang ulo nito habang prinoprotektahan siya. Ang matanda naman ay patuloy sa paghampas ng tubo sa likod ni Kai at galit na galit pa rin.
Napahandusay silang dalawa sa sahig ng mawalan ng balanse ang binata. Mahigpit na niyakap niya ito. Nanginginig ang buong katawan na sumigaw siya.
“Tama na! huwag mo siyang saktan! please! tumigil ka na!” nangangatal ang mga labi na prinotektahan niya ang ulo ni Kai.
Napasigaw siya nang tumama ang tubo sa mga kamay at daliri niya.
“S-sorry..” paulit ulit na sigaw niya habang umiiyak. Napakalaki niyang tanga para balewalain ang binata.
Papaano niya nagawang itaboy si Kai ng ilang beses gayong sa bawat problema na pinagdaraanan niya ay dumarating ito at inililigtas siya?
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...