Halos hindi magawang magsalita ni Charity matapos sabihin sa kaniya ni Kai ang totoong dahilan nang pag iyak nito noon habang nasa labas ito ng bahay niya.
Sa pagkurap niya ng mga mata ay naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. Wala siyang ideya na ganoon katindi ang hirap na pinagdadaanan ni Kai.
“Ready ka na ba?” bigla ay tanong ni Kai sa kaniya.
Nagtatanong ang mga mata na nilingon niya ito.
“H-ha? ready saan?” naguguluhang tanong niya.
Ngumiti lang ito sa kaniya bago ito dumungaw sa bintana. Tatlong beses itong pumalakpak na animo ay nagbibigay ito ng signal mula sa ibaba ng puno. Nagulat na lang siya ng biglang mamatay ang bombilya sa tree house.
Napasinghap siya ng magsimulang pumatay sindi ang mga christmas lights na nakakabit sa buong paligid ng tree house. Kasabay niyon ay ang unti unting pagbaha ng dilim mula sa labas. Patakbong lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang paglubog ng araw.
“Ang ganda!” sa sobrang tuwa ay nahampas niya ng ilang beses sa braso si Kai.
Hindi naman ito nagsalita at hinayaan lang siya.
“Grabe! ang ganda!” hindi niya namalayan na may pumatak na palang luha ulit mula sa mga mata niya. Kung hindi pa siya masuyong kinabig ni Kai at ipinihit paharap dito ay hindi pa siya kikilos.
“Why are you crying? hindi mo ba nagustuhan?” nag aalalang tanong nito sa kaniya.
Pinunasan nito ang mga luha niya kaya muli na naman siyang napaiyak. Alam niyang ang babaw niya pero hindi talaga niya mapigilan ang pag iyak.
“H-hindi.. masaya lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito. Kaya ba wala ka kanina sa program ay dahil dito?”
“Yes..”
“Thank you,” buong pusong sabi niya.
Napakaraming bagay ang gusto niyang itanong pero nararamdaman niya na hindi pa ito handang pag usapan ang tungkol sa problema ng pamilya nito.
Siguro ay maghihintay na lang siya na sabihin nito sa kaniya ang lahat sa tamang panahon. Ang mahalaga ay nasa tabi siya nito kaya mas marami siyang oras para maprotektahan pa ito.
Sinapo ni Kai ang magkabilang pisngi niya kaya awtomatikong naipikit niya ang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya nang pagdikitin nito ang mga noo nila.
Naramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa pisngi niya. Parang anomang sandali ay matutumba siya dahil unti unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Naramdaman siguro iyon ni Kai dahil iniyakap nito ang mga braso niya sa batok nito.
“At ngayon tatanungin ulit kita, Miss Charity Clemente, will you be my girl?”
Iyon na marahil ang pinakamagandang tanong na narinig ni Chari sa buong buhay niya. Bumaha ang matindi at magkakahalong emosyon sa dibdib niya. Ibinuka niya ang mga labi para magsalita pero masuyong tinakpan nito ng isang daliri nito ang mga labi niya.
“Shhh.. ayoko munang marinig ang sagot mo ngayon dahil hindi pa pala ako ready.” Nag angat ito ng tingin sa kaniya kaya dahan dahan niyang iminulat ang mga mata.
“Gusto kong marinig ang magiging sagot mo sa mismong araw ng birthday ko.” nagniningning ang mga matang sabi ni Kai sa kaniya.
Tumawa lang siya at buong pagsuyo na hinaplos ang mga pisngi nito. Alam niyang wala na siyang kawala pa dito.
Niyakap siya nito ng mahigpit kaya gumanti rin siya ng yakap dito. Talo siya dahil mas triple ang naging epekto sa kaniya ng kunwaring sumpa na ibinigay niya dito noon.
Dahil kung hindi nga totoo ang 11:11 spell ay bakit minu-minuto na lang kung sumagi si Kai sa isip niya?
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...