Malakas na napapalatak si Chari nang marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan pagkalabas niya ng grocery store.
“Naku naman,” naiinis na napakamot siya sa sentido.Tiyak na mahihirapan siyang maghanap ng masasakyan.
“Siguradong maghihintay sa akin si tatay nito.” alas otso na ng gabi at kagagaling lamang niya sa trabaho.
Lumipas ang mahigit labing limang minuto na nakatayo lamang siya sa labas ng grocery store at naghihintay sa pagtila ng ulan. Inabutan na siya nang pagsasara ng mga tindahan doon. Sa huli ay siya na lang at ang isang matangkad na lalaki ang nanatili doon.
Noong una ay kampante lang siya at palinga linga sa tuwing may dumadaang jeep o tricycle, umaasang makakasakay na siya. Pero bandang huli ay dumalang ang mga taong dumadaan kung saan siya nakapwesto. Ultimo mga sasakyan ay wala na siyang napansin na dumaan doon kaya medyo nabahala siya.
Ang lalaking nakatayo medyo malayo sa kaniya ay napansin niya na ilang beses sumulyap sa direksyon niya. Agad na kinabahan siya nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Nanginginig man ang mga kamay dahil sa kakaibang kaba na bumalot sa kaniya ay pilit na kinalma niya ang sarili.
Narinig niyang tumunog ang cellphone niya kaya agad na kinuha niya iyon sa loob ng bag niya.
Nasaan ka ngayon Witch? Naiinip ako ngayon. Nasaaan ka?
Agad na nagsikip ang dibdib niya nang mabasa ang mensahe mula kay Kai. Alam niya na ngayon na ito ang nagtetext sa kaniya dahil kahapon lang ay tinawagan siya nito. Tiyak na nakuha nito ang cellphone number niya mula sa isang tauhan nito na nakausap niya ng araw na mawalan ito ng malay sa restroom ng isang Mall.
Lord tulungan po ninyo ako..
Mangiyak ngiyak na naisaloob niya. Bitbit ang dalawang malaking plastic bag ay sinuong niya ang malakas na ulan. Pasimple siyang lumingon sa bandang likuran niya nang makarinig siya ng mga papalapit na yabag.
Namutla siya nang makita na sinusundan na pala siya ng lalaki. Nakayuko ito at natatakpan ng hood ng jacket ang ulo kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nakapaloob ang isang kamay nito sa loob ng bulsa na tila may itinatago itong kung ano doon.
Kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan ay ang pagsiklab ng matinding takot sa dibdib niya. Luminga siya sa paligid para humingi ng tulong pero wala siyang makita na kahit isang tao doon.
Mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad para makalayo dito. Basang basa na siya ng ulan at nilalamig pa. Gustuhin man niya ay hindi niya magawang tumakbo ng mabilis dahil nanlalambot ang mga tuhod niya.
Nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya ay agad na tiningnan niya iyon. Nagulat siya ng rumehistro sa screen ng cellphone niya ang number ni Kai. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag nito.
“You! kanina pa kaya ako nagtetext sa'yo. Bakit hindi ka nagrereply ha—”
“K-kai..help me please… pwede mo ba akong tulungan ngayon? may lalaking sumusunod sa akin. Natatakot na ako, tulungan mo ako please?” nanginginig ang tinig na pagsusumamo niya sa kabilang linya.
Narinig niya ang mahinang pagmumura nito bago nagsalita.
“Nasaan ka?” may kung ano sa tinig nito na nagbigay ng matinding emosyon sa kaniya.
Hindi niya alam kung papaano pero mismong ang puso niya ang nagsabi na ililigtas siya ni Kai sa kapahamakan. Sa pagitan ng mahinang paghikbi ay idinetalye niya dito ang eksaktong kinaroroonan niya.
“Malapit lang ako sa location mo. Pupuntahan kita ngayon din,” anito at bigla itong nawala sa kabilang linya.
Ibinalik niya sa bag ang cellphone at patuloy lang sa paglalakad habang ang lalaki ay sumusunod pa rin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...