CHAPTER 9 PART 2

2.6K 74 5
                                    

Sa isang malapit na restaurant napiling mag usap ni Charity at ng nanay niya. Ilan beses siyang napalunok dahil pinipigilan niya na muling umiyak sa harap nito.

“Kamusta ka na anak?” tanong nito sa kaniya.

Walang kakurap kurap na nag angat siya ng tingin dito. Lukso ng dugo. Iyon ang naramdaman niya nang makita ang ngiti sa mga labi nito.

Wala pa rin itong ipinagbago dahil sa loob ng ilang taon na hindi niya ito nakita ay napakaganda pa rin nito.

“A-alam na po ninyo? Naalala na po ba ninyo ako at si tatay?” may bikig sa lalamunan na tanong niya.

Nagsikip ang dibdib niya nang gagapin nito ang palad niya.

“Oo, anak,” anito at nagsimulang ipaliwanag sa kaniya ang mga nangyari nang maoperahan ito sa puso at ang tungkol sa pagpanaw nang kinikilala nitong asawa na si Alvaro San Miguel.

Pumatak ang masaganang mga luha niya.

“K-kung ganoon bakit… bakit hindi po kayo bumalik nang maalala na ninyo ang lahat?”

Matipid na ngumiti ito.

“Anak, hindi ganoon kadali ang lahat, mapapatawad mo ba ako kung sasabihin ko sa'yo na kaya ako naaksidente noon ay dahil binalak kong tumakas sa tatay mo? noon pa man ay balak ko na talaga kayong iwan.”

“Nay,”  Natigagal siya at daig pa niya ang sinampal ng maraming beses sa narinig.

Umiyak lang ito at pinisil ang palad niya.

“Kasi anak, hirap na hirap tayo noon. Ang tatay mo ay walang maayos na trabaho. Hindi niya magawang ibigay ang buhay na gusto ko para sa ating lahat kaya binalak ko siyang hiwalayan, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi kita pwedeng isama dahil ulilang lubos na ako at wala ng ibang matutuluyan pa. Hindi ko matitiis na pati ikaw ay maghirap kaya palihim na lumuwas ako para sana magtrabaho. Ang plano ko ay kunin ka sa tatay mo kapag nakaipon na ako at kaya na kitang buhayin pero naaksidente ako. I’m sorry, Charity hindi ko ginustong pabayaan ka. Anak, patawarin mo sana si nanay, hindi agad ako nagpakita sa'yo pagkatapos kong malaman ang lahat dahil hiyang hiya ako sa mga naging pagkukulang ko sa'yo.”

Parang wala sa sarili na pinagmasdan niya ang ina habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha niya. Pakiramdam niya ay may mabigat na bato ang nakadagan sa dibdib niya ng mga oras na iyon.

“'Nay mahal mo ba talaga siya?”
Ang tinutukoy niya ay ang kinikilala nitong asawa.

“Masaya ka na ba sa buhay mo ngayon?”

Mabilis na tumango ito.

“Mahal na mahal ko si Alvaro. Hindi lang dahil sa mayaman siya kaya ko siya minahal ng sobra. Sa kaniya ko nakita ang mga katangian na hindi ko noon nakita sa tatay mo at hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin ang pagkamatay niya.”

Kahit papaano ay nakontento si Charity sa sagot nito. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ng ina.

“Okay na po ako, hindi mo ginusto ang nangyari kaya sino ba ako para husgahan ka.”

“Salamat, anak.”

Lumipat siya sa tabi nito at mahigpit na niyakap niya ito. Sa pamamagitan ng mahigpit na yakap nito sa kaniya ay naglaho ang lahat ng hinanakit at pagdurusa sa dibdib niya.

“Alam mo ba, palagi kang kinakamusta sa akin ni Kai?”

“Po?” lumukso ang puso niya nang marinig iyon.

“Matagal ka niyang hinanap, anak. Hindi siya sumuko sa paghahanap sa'yo, kaya sana ay maayos na ang problema ninyong dalawa. Marami na kayong panahon na nasayang, Charity.” anito at hinaplos ang kaliwang pisngi niya.

Parang drum na tinatambol ang dibdib niya at kahit anong pilit ay hindi niya iyon magawang pakalmahin. Matagal na ang apat na taon na hindi sila nagkita ni Kai.

Kamusta na nga kaya ito?
Para sa kaniya ay wala na siyang karapatan pa na magtanong ng kahit ano tungkol sa binata. Iniwan niya ito noon at dito niya ibinuhos ang lahat ng galit niya sa daddy nito.

Isinuko niya si Kai at alam niya na kahit umikot pa pabaliktad ang mundo ay hindi na magbabago pa ang katotohanan na tinanggihan niya ang pagmamahal nito dahil naging mahina siya.

BE MY GIRL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon