Charity!”
Mabagal ang ginawang paglingon ni Charity nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng isang pamilyar na tinig.
Kai!
Naisigaw niya sa isip nang makita itong tumatakbo papalapit sa kaniya. Plano niyang iwasan ito kaya kahit labag man sa loob ay pumihit siya at tinalikuran ito.
“Wait!” mabilis na pinigilan siya nito sa kaliwang braso nang maabutan siya nito.
Natigilan si Chari ng bigla ay mahigpit na niyakap siya nito.
“Ilan araw ka ng hindi pumapasok. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag at text ko. Wala rin tao sa bahay ninyo, oh God! halos mabaliw na ako sa paghahanap sa'yo, dito lang pala kita matatagpuan.” buong pag aalalang hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya.
“Anong nangyari? may problema ba?”
Marahas na napabuntong hininga siya at tumingin ng diretso sa mga mata nito. Dahil mag isa sa bahay si Alicia ay nakiusap siya na makituloy na muna sila dito ng tatay niya.
Hindi rin siya nakapasok sa school sa loob ng ilang araw dahil naging abala siya sa paghahanap ng trabaho. Sumaglit lang siya ngayon sa Bliss Café para pormal na magpaalam sa manager na si Miss Annie. Ilan araw kasi siyang absent at ngayon ay nagresign na siya at kinuha ang huling sweldo niya.
“Anong ginagawa mo dito?” may bahid ng iritasyon na tanong niya kay Kai.
Kahit mahirap at nasasaktan siya ay tinabig niya ang mga kamay nito at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang makarating siya sa parking lot ay sinundan pa rin siya ni Kai.
“You forgot?” hindi makapaniwalang tanong nito habang panay ang buntot sa kaniya.
“Ang alin?” malamig na tanong niya.
“Birthday ko ngayon,”Nagsikip ang dibdib niya dahil sa narinig. Mabigat ang paghinga na tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa binata.
“Kai, pwede ba? wala ako sa mood na makipaglokohan sa'yo ngayon.” blangko ang ekspresyon na turan niya.
“What?” nagulat ito at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya.
Para siyang sinipa ng malakas sa dibdib nang makita ang pagdaan ng matinding sakit sa mga mata nito.
“Kailan ba kita niloko?”
“Hindi ikaw ang nanloko sa akin pero ang tatay mo, oo! Niloko niya tayong lahat!” bulyaw niya at tuluyan nang napaiyak.
Tinangka siya nitong hawakan pero umatras siya at umiwas dito.
“H-hindi kita maintindihan..” naguguluhang sabi nito.
Ilan beses siyang napailing at kinuha sa loob ng bag ang picture niya kasama ang mga magulang niya.“Anong ibig sabihin nito?” nalilitong tanong nito matapos niyang iabot ang litrato.
“Ang kinikilala mong mommy ngayon ay walang iba kundi ang nanay ko..” mabigat ang dibdib na turan niya.
Hindi kaagad ito nakapagsalita at gimbal na nagpalipat lipat ang tingin sa litrato at sa kaniya. Napansin niya ang pamumula ng gilid ng mga mata nito, tanda na ano mang sandali ay papatak na ang mga luha nito.
“H-hindi ito totoo, sabihin mo sa akin na hindi ito totoo!” sigaw nito.
Alam niyang may mga taong naroon ang nakakita sa pagtatalo nila pero hindi na niya binigyang pansin pa iyon.
Nagsisikip ang dibdib na nagpigil siyang mapahagulhol sa harap ni Kai. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng sakit pa ang maaari niyang maramdaman ngayon.
Nakita niya ang pagpatak ng mga luha nito. Gustong gusto na niyang tawirin ang pagitan nilang dalawa at yakapin ito ng mahigpit. Gusto niyang sabihin dito na magiging maayos din ang lahat.
Pero papaano? Papaano niya hahayaan ang sarili na lumapit kay Kai kung mismong siya ay nakahanda nang isuko ang pagmamahal niya para dito?
“At ano ang gusto mong sabihin ko? Gusto mo ba na magsinungaling ako sa'yo? Gusto mong pagtakpan ko ang pagkakamaling ginawa ng daddy mo?” walang emosyon na tanong niya.
Bumaha ang matinding sakit sa mga mata nito. Hindi niya kayang makita ang ganoong reaksiyon nito kaya nagbaba siya ng tingin.
“Matutulungan kita na sabihin kay mommy ang lahat. Wala na siyang kahit anong maalala tungkol sa'yo at sa tatay mo pero baka magawan pa natin ng paraan. Kakausapin ko si daddy tungkol dito.”
“Hindi na kailangan,” malamig na sagot niya.
“What? Ganoon na lang ba iyon? hindi mo ipaglalaban ang karapatan mo sa kaniya?”
“At ano? Maibibigay ko ba ang buhay na kayang kaya ninyong ibigay sa kaniya sa isang kisapmata lang? maipapagamot ko ba siya sa tuwing magkakasakit siya? hindi naman 'di ba? tama na siguro na nasa inyo siya ngayon. Alam ko na mahal siya ng daddy mo at kahit sobrang sakit para sa akin ay hinahayaan kong lokohin ang sarili ko na okay lang ang lahat. Okay lang kahit parang ipinamigay ko na ang nanay ko. Okay lang kahit hindi niya kami makilala ni Tatay. K-kasi..kasi..” napahinga siya nang malalim bago muling nagsalita.
“K-kasi wala akong kakayahan na buhayin siya sa sarili kong paraan. Tama na siguro na kami lang ng tatay ko ang nabubuhay sa tulong ng iba dahil kami nasanay na, samantalang si nanay..” ilan beses siyang umiling. “A-aalis na ako,”
“At papaano tayong dalawa?” nakita niya ang matinding emosyon sa maamong mukha nito at parang may sumipa ng malakas sa dibdib niya.
“K-kalimutan mo na ako, Kai...” para siyang unti unting nawawalan ng hangin sa dibdib matapos niyang magsalita.
“Shit! hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari! Mahal kita!” tuluyan na itong napaiyak sa harap niya.
Tumalikod siya at hinayaan niyang bumuhos ang masaganang luha niya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kaniya pero pigil ang emosyon na kumawala siya sa mahigpit na mga yakap ni Kai. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw siyang pakawalan nito. Pikit matang nagsalita siya.
“H-hindi kita mahal.. ang hirap mong intindihin. Minsan para kang bata kaya papaano kita magugustuhan? papaano ko mamahalin ang isang spoiled brat na kagaya mo?” siya ang mas higit na nasaktan sa mga binitiwan niyang salita.
Dahan dahang bumitiw si Kai mula sa mahigpit na pagyakap nito sa kaniya. Hindi niya ito nilingon dahil ayaw niyang makita muli ang matinding sakit sa mga mata nito.
“Huwag na huwag mo na ulit akong susundan.. ayoko nang makita ka pa kahit kailan.” mahinang anas niya. Mabilis ang mga hakbang na umalis n siya at iniwan na ito.Wala siyang tigil sa pagtakbo at parang kahit anong gawin niya ay hindi niya maramdaman ang matinding pagod. Kung hindi pa kumirot ang mga paa niya ay hindi pa siya titigil sa pagtakbo. Luhaang tumigil siya at isinandal ang likod sa katawan ng isang malaking puno. Tumatahip ang dibdib niya at nanlalabo na rin ang mga mata niya dahil sa masaganang pagpatak ng mga luha niya.
Niyakap niya ang sarili at hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak.
“S-sorry Kai.. sorry.. mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, pero wala akong ibang magawa para ipaglaban kayo ni Nanay. Sorry dahil naging mahina ako.”
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...