CHAPTER 4 PART 3

3K 102 4
                                    


“Pasok ka,” ani Charity.

Niluwangan niya ang pinto para makapasok sa loob ang ‘bwisita’ niya. Nauna na siyang pumasok sa loob ng maliit na bahay. Inilagay niya ang bag sa ibabaw ng lumang sofa.

“Ouch!”

Mabilis na napalinga siya sa likuran niya. Nakita niya si Kai na hinihilot ang sarili nitong noo. Nauntog marahil ito sa pagpasok nito sa pinto.

“Sorry. Wala kasing bumibisitang kapre sa amin kaya nakalimutan kong sabihan ka na mababa lang ang kisame ng bahay namin. Yumuko ka na lang 'pag may time.” nakangising turan niya ng makalapit siya dito.

Magkasalubong ang mga kilay na nag angat ito ng tingin sa kaniya.

“Oh, peace! masyado ka naman highblood eh,” bahagya na siyang lumayo ng mapansin niya na parang magsusuplado na naman ito.

Kahit papaano ay magaan na ang pakiramdam niya matapos niyang umiyak na parang bata kanina. Takot na takot kasi siya nang makita niya na kamuntik ng maaksidente si Kai sa mismong gitna ng kalsada habang hinahabol siya nito.

Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay may taong nasasaktan o napapahamak lalo na kung siya pa ang magiging dahilan niyon kaya ganoon na lang ang iyak niya kanina. Napabuntong hininga siya at seryosong nagsalita.

“Sorry kamuntik ka pang mapahamak ng dahil sa akin,” buong sinseridad na wika niya.

Nabanggit ni Kai sa kaniya na may phobia ito sa tunog ng ambulansiya dahil naaksidente ito noon habang nag aaral itong magmaneho ng sasakyan.

Mukhang nakontento naman ito sa sinabi niya dahil taas noong nginitian siya nito. Parang hari na naglakad ito at naupo sa kabilang sofa.

“Well.. tutal aminado ka naman sa pagkakamali mo, bakit hindi natin pag usapan kung papaano ka makakapagbayad?”

“Aba! hoy!” nanggigigil na tumabi siya ng upo dito.

“Negosyante ka ba, ha? o baka may dugong intsik ka lang? wala naman akong atraso sa'yo ha?” ang sarap nitong bunutan ng kilay.

Umarko ang isang kilay nito.

“Binato mo ako ng sapatos.”

“Pumasok ka sa cubicle habang nasa loob ako kaya kita binato ng sapatos.”

“Ibinuking mo rin ako sa mga tauhan ni daddy kaya nila ako nahuli. See? dahil sa'yo kaya hindi ako nakabalik sa Japan.”

“Hinalikan mo kaya ako. First kiss ko kaya 'yun!” natutop niya ang mga labi ng matapos siyang magsalita.

Namumula ang mga pisngi na nag iwas siya ng tingin dito. Napaatras siya nang magsimula itong umusod palapit sa kaniya.

Naman!

  Hanggang kailan ba siya maapektuhan nang paglapit nito sa kaniya?

“Eh 'di ako pala ang may atraso sa'yo kung ganoon?” may sumungaw na kapilyuhan sa mga mata ni Kai.

“Neknek mo!” akmang tatayo siya pero maagap na pinigilan siya nito sa isang braso.

“Ano na naman?” para siyang kinuryente ng ilang libong beses nang magdikit ang mga balat nila.

“We need to talk,” seryosong turan nito.

Talk daw. Eh di pagbigyan!

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa sumpang ibinigay mo sa akin,”

Naitirik ni Charity ang mga mata at inis na napapadyak siya.

“Sabi ko naman sa'yo, Kai, hindi
ako mangkukulam. Nakita mo naman siguro ang hitsura ng bahay ko? may nakikita ka bang manika na ginagamit ng mangkukulam? 'wala di ba? nagbibiro lang ako nang magkita tayo sa campus dati. Nakakainis ka kasi, bigla mong ipinahiya iyon babaeng sumusunod sa'yo tapos
hindi ka pa marunong magsabi ng sorry kaya napagtripan kita.”

Mataman siya nitong tiningnan. Mukhang hindi ito naniniwala sa mga paliwanag niya.

“Tingnan mo nga itong bahay namin. Ganito ba ang bahay ng witch, ha?”

“Hindi.”

“Ayun naman pala eh!”

“Pero nagkatotoo ang sinabi mo. Naiisip kita kahit anong oras at kahit anong gawin ko, hindi kita magawang alisin sa isip ko.”

Jusmio!

Animo ay natunaw ng ilang daang beses ang puso niya dahil sa sinabi nito.

Nagtatapat na ba ito ng pag ibig? 

Huwag kang assuming!

Malakas na tumikhim siya at hinarap ang binata.

“So anong plano mo? Joke lang talaga 'yun sinabi ko at ‘yun tungkol sa 11:11. Charot lang lahat 'yun.”

Nawindang ang buong sistema niya ng sa kauna unahang pagkakataon ay ngumiti ito sa kaniya.

“Simple lang ang plano ko,” nakangiting sabi nito.

“Huh?” naguguluhang tanong niya.

Nagmalfunction marahil ang utak niya dahil sa epekto ng ngiti nito sa kaniya.

“'Wag ka munang umalis sa tabi ko habang may ganitong epekto ka pa sa akin.” Seryosong turan nito.

Sa isang iglap ay parang tumigil sa pag inog ang mundo ni Charity. Bigla ay hindi na umaandar ang oras at nakontento na lang siyang pagmasdan ang gwapong mukha ni Kai.

“Seryoso ka?” ang tanging naibulalas niya nang makabawi siya.

BE MY GIRL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon