CHAPTER 9 PART 4

2.9K 80 3
                                    

“Charity!”

Gulat na napaatras si Charity nang marinig niya ang nag aalalang tinig ni Kai. Nang magtama ang mga mata nila ay naiilang na nag iwas siya ng tingin dito. Kung alam lang niya na naroon pala ito sa labas ng apartment nila ni Alicia ay hindi na muna sana siya umuwi ngayon.

Hindi madali para sa kaniya ang biglang pagsulpot ulit ni Kai sa buhay niya dahil masakit pa rin ang ginawa ng daddy nito. Alam niyang hindi niya dapat sisihin si Kai dahil wala naman itong alam sa pagkakamali ng sariling ama. Pero sa tuwing makikita niya ang lalaki ay naaalala pa rin niya ang taong may kagagawan kung bakit siya nahiwalay sa nanay niya sa loob ng matagal na panahon.

Kaya nga kahit masakit para sa kaniya ay ilang beses niya na itong iniiwasan. Sa tuwing inaalok siya nito na ihatid sa apartment kapag umuuwi siya ng hapon mula sa eskwelahan ay tumatanggi siya. Hindi rin niya tinanggap ang iba pang mga bulaklak at regalo na bigay nito. Alam niyang nahihirapan na ito sa sitwasyon nilang dalawa pero hindi pa rin ito sumusuko.

Nang mapansin ni Charity na patakbong lumapit sa kaniya si Kai ay muli na naman siyang humakbang paatras.

“Kai…” natitigilang anas niya ng bigla nitong sapuhin ang mga pisngi niya.

Iglap lang ay nagsikip na ang dibdib niya nang makita sa mga mata nito ang labis na pag aalala.

“Buong araw kitang hinanap, tinawagan ko na si mommy at ang mga co-teachers mo sa school pero wala kahit sino sa kanila ang nakakaalam kung nasaan ka. My god, Charity! akala ko ay may nangyari ng masama sa'yo.”

Malakas na napasinghap siya nang hapitin siya nito sa baywang at mahigpit na niyakap siya. Mariing naipikit niya ang mga mata nang maipaloob siya nito sa mga mainit na mga bisig nito. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pigilan ang unti unting pagkabog ng dibdib niya.

“N-nagsimba lang ako at namasyal sa mall tapos bumisita ako kay tatay.” tanging nasabi niya.

Hindi niya tinangkang lumayo mula sa mahigpit na yakap nito. Ilang sandali lang ay parang nasanay na siya sa kakaibang init na nagmumula sa katawan ni Kai.

Ngayon niya naisip na isang malaking katangahan ang ginagawa niyang pag iwas dito. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maitataboy si Kai dahil parte ito ng buhay ng kaniyang ina.

Mas matagal na panahon itong nakasama ng nanay niya kumpara sa kaniya. Samantalang sila ay nagsisimula palang ng kaniyang ina. Hindi pa ganoon kalalim ang pinagsamahan nilang dalawa.

“Akala ko kung napaano ka na, sa susunod magpapaalam ka kay mommy para hindi kami nag aalala sa'yo.” sabi pa nito.

Parang may matulis na bagay ang bumaon sa gitna ng puso niya nang mahimigan sa tinig nito ang labis na pag aalala at takot. Huminga siya ng malalim at pilit na nagsalita.

“Sinadya ko talagang huwag ipaalam sa kanila kung nasaan ako buong araw dahil gusto kitang iwasan.” malamig na turan niya.

“Charity…” natitigilang anas nito.

Mabigat ang ginawa niyang paglunok nang maramdaman ang unti unting pagbitiw nito sa kaniya. Mariing naitikom niya ang mga labi nang pakawalan na siya nito.

Pilit na tinatagan niya ang loob at matapang na sinalubong ito ng tingin. Bumaha ang matinding kirot at pait sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Napailing si Kai at nalilitong isinuklay ang mga daliri sa makapal na hibla ng buhok nito.

“Hanggang kailan mo ba ako balak itaboy at iwasan?” nasasaktang tanong nito sa kaniya.

“Hangga’t lumalapit ka,”

“Charity!” magkasalubong ang mga kilay na bulyaw nito sa kaniya.

“Ano?” nagsimula na rin siyang magtaas ng tinig.

“Ang kulit mo kasi, ilang beses na kitang iniiwasan pero lapit ka pa rin nang lapit. Inaasahan mo pa rin ba na porke okay na kami ngayon ni nanay ay maibabalik pa rin natin ang lahat sa dati?”

“Oo! masama bang umasa ako?” seryosong tanong nito.

“Oo.”

Sumungaw ang lungkot at matinding sakit sa mga mata ni Kai. Sinubukan siya nitong hawakan sa braso pero umiwas siya.

“Do you.....d-do you still love me? o minahal mo nga ba talaga ako? mali lang ba ako ng inakala noon na pareho ang nararamdaman natin?” mabilis ang paghingang tanong nito sa kaniya.

Nakita niya ang pag igtingan ng mga panga nito na animo ay nagpipigil lang itong sumigaw sa harap niya.
Dahan dahan siyang umiling.

“Hindi ko alam, Kai. Ang alam ko lang sa ngayon ay hindi ko pa talaga kayang patawarin ang daddy mo sa ginawa niya sa amin ng mga magulang ko.”

“Pero hindi ako si daddy, ilang beses ko bang dapat ipaliwanag sa'yo na hindi ko pagkakamali ang ginawa ng daddy ko. Ako ba talaga ang dapat na magdusa sa ginawa niya noon? nagmahal lang naman ako, Charity. Minahal lang naman kita at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Mahirap bang intindihin iyon? mahirap ba para sa'yo na tanggapin ako ulit at kalimutan na lang ang lahat?” nahihirapang tanong ni Kai sa kaniya.

Pinahid niya ang mga luha sa magkabilang pisngi at muling nagsalita.

“Madali sa'yo na sabihin iyan dahil hindi ikaw ang nawalan ng magulang. Ikaw ang nakinabang ng lahat, nakalimutan mo na ba?”

“Bullshit!” nanginginig ang tinig na asik nito.

Tumalikod ito sa kaniya para marahil maitago nito ang sariling emosyon.

“Saka na lang tayo mag usap, nabibigla ka lang siguro sa mga nangyayari ngayon. Babalik ako, Charity, hindi pa rin kita isusuko kahit ikaw na ang mismong umaayaw.” mahinang sabi nito.

Umiiyak na tinanaw niya ang pag alis ni Kai. Pinigilan niya ang sariling habulin ito at yakapin ng mahigpit. Hindi niya pwedeng gawin iyon.

Dahil sa oras na lumapit siya kay Kai ay para na rin niyang pinatawad ang taong naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng tatay niya.

BE MY GIRL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon