CHAPTER 6 PART 2

2.7K 93 3
                                    

“Anna, boyfriend mo?”

Nagtatakang lumingon si Kai kay Charity ng bumungad sa sala ng bahay ang kaniyang ama. Nanonood ito sa lumang TV nila habang yakap nito ang teddy bear na ibinili niya dito noong unang sweldo niya.

“'Tay mano po,” kaagad na nagmano siya dito.

Mukhang hindi siya narinig ng tatay niya dahil tanging kay Kai lang natuon ang pansin nito

“Upo ka,” sabi niya kay Kai. Naupo ito sa sofa at ngumiti sa tatay niya.

“Ang gwapo ng boyfriend mo, Anna. Siguro kung nandito sila nanay matutuwa sila dahil mukhang mabait siya.”

Napailing siya at bumaling sa ama.

“Hay, ikaw talaga 'tay. Sa halip na manood mas dapat na matulog ka na po dahil gabing gabi na. Bawal po sa'yo ang magpuyat.” bilin niya.
Tumayo naman ang kaniyang ama nang marinig ang sinabi niya. Yakap ang teddy bear na humakbang na ito papasok sa loob ng sariling silid.

“Bye,” paalam nito kay Kai.

“Good night po,” magalang na sagot naman ng binata bago ito muling bumaling sa kaniya

Pilit na ngumiti siya nang makita ang pagtataka sa mga mata nito. Naupo siya sa dating pwesto ng tatay niya at nagsalita.

“May sakit ang tatay ko, Alzheimer’s disease. Ang Anna na tinutukoy niya ay ang tita ko na bunsong kapatid niya. Madalas kasi ay hindi na niya ako maalala kaya kung anu-ano na lang ang pangalan na itinatawag niya sa akin.” pilit na pinagaan niya ang tinig.

“Oo nga pala, kailangan na nga palang magamot ang sugat mo.” kaagad na tumayo siya at kinuha ang maliit na medicine box sa silid niya.

Nang bumalik siya sa sala ay nadatnan niya si Kai na nakapikit habang nakasandal ang likod nito sa sandalan ng sofa. Mukhang nakaidlip na ito. Dahil ayaw niyang maistorbo ito sa pagpapahinga ay maingat ang mga hakbang na lumapit siya at naupo sa tabi nito.

Dahil natutulog ito ay malaya siyang mapagmasdan ang gwapong mukha nito. Natigilan siya sa huli nang maalala ang sinabi ni Aivan sa kaniya.

Totoo nga ba na may gusto siya kay Kai? Parang may kung anong enerhiya ang bumalot sa puso niya dahil mas lalong trumiple ang bilis nang pintig niyon.

Napalabi siya at nagpasiyang kumilos na. Nilagyan niya ng betadine ang cotton na hawak niya at maingat na inilapat iyon sa kaliwang pisngi ng binata. Hindi naman ito natinag at nanatili lamang na nakapikit. Dahil masyado siyang malapit dito ay bahagya siyang napaigtad ng bigla na lang itong magsalita.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung sino si Cindy?” nakapikit ang mga mata na tanong nito.

Natigilan siya at ilan segundong hindi nakapagsalita. Awtomatikong namula ang mga pisngi niya dahil sa tanong nito. Ilan beses siyang napahinga ng malalim bago sumagot.

“Wala naman ako sa posisyon para itanong 'yan sa'yo,”

“Naging kami ni Cindy noong nasa high school pa lang kami. Pero simula nang makilala niya si Aivan ay nagbago na siya. Nakipaghiwalay siya sa akin at sa huli ay nalaman ko na lang na silang dalawa na pala ng magaling kong pinsan.”

Hindi niya masabi kung ano nga ba ang eksaktong nararamdaman niya matapos ipagtapat sa kaniya ni Kai ang dahilan ng galit nito kay Aivan. Nang imulat nito ang mga mata ay namumula ang mga pisngi na yumuko siya para itago ang matinding emosyon sa mga mata niya.

Bakit ganoon? Bakit naiinis siya sa tuwing maririnig niya na binabanggit pa nito ang pangalan ng manloloko nitong ex girlfriend?

Nagseselos ka! sigaw ng puso niya.

“Alam mo ba kung anong oras na?” bigla ay tanong nito sa kaniya.

“H-ha?” napalunok si Chari nang tumama sa pisngi niya ang mabango at mainit na hininga nito.

“Alam mo ba kung anong oras na?” ulit nito.

Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo bago nag angat ng tingin kay Kai.

“11:11” natigilan siya matapos niyang banggitin ang oras.

Ngumiti naman ito at nagsalita.

“Pwede ba akong magwish ngayon?”

Dahan dahan siyang tumango na animo ay hindi agad pumasok sa utak niya ang sinabi nito.

“Can you be my girl?” kumikislap ang mga matang tanong ni Kai sa kaniya.

Pero bago pa siya makasagot ay mabilis na yumuko na ito at masuyong sinakop ang mga labi niya.

BE MY GIRL (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon