Kabanata 4: Premonition Precognition

121 12 3
                                    

Half day kami ngayon. Meeting ng mga faculties at hindi pwedeng tumambay sa loob ng campus. No choice kung hindi ang umuwi sa bahay. Hindi ko alam pero ako lang yata ang nakaka ramdam ng pag ka-alinsangan ng panahon. Eh mag papasko na kaya!

Hindi parin ako makatulog sa gabi. Hindi ko alam kung paano ako nag su-survive ng ganoon. Ang alam ko lang adik na ako sa kape, mapa-umaga, tanghali, o hapunan man yan. Basta gusto ko may kape. 

Hindi din ako sumabay sa kanila pag-uwi. Ewan kung anong sapot ang dumapo sa utak ko. Ganito po talaga ako, pag tinamaan ng hindi magandang mood hindi talaga mapipilit. 

Habang nag lalakad papuntang sakayan ng jeep, naalala kung kailangan kong mamili ng mga paninda namin. Opo, may tindahan po si mama. At dahil madadaan ang palengke mula sa school ko ay ako po ang toka sa pamimili ng mga paninda niya.

Quarter to three ng maka-uwi ako. Ang bigat kaya ng pinamili ko. Naka-tatlo akong supot ng mga tig-pi-pisong chi-chirya. 

“Ma, tulog muna ako”, sabi ko sa aking ina habang ina-ayos niya yung mga pinamili ko.

“Kumain ka kaya muna”, tugon naman niya.

“Mamaya na lang po. Busog pa po ako”, at pumasok na ako sa loob ng tindahan. May silid kasi sa loob ng tindahan namin. Pinagawa iyon ng aking ina noong ikinasal ang aking kuya. At dahill wala na sila doon, ginawa kong tulugan yun. Mahangin kasi doon, masarap matulog.

Umihip ang malamig na hangin at para bang idinuduyan ako. Unti-unti akong napapikit.

Nagising na lamang ako, papalapg na aking mga paa sa lupa. Nilibot ko ang buong paligid. Parang kanina lang galing ako dito, bakit ako bumalik sa school ground namin? Ang nadag-dag lang eh may ilog at tulay na gawa sa makakapal na tabla akong natatanaw.

Muli kong naramdaman ang kanyang presensiya. Hindi na ako lumingon sa kanya. Nasanay na rin naman kasi ako. I carefully study the place. Wala namang creppy or anything na nakakatakot. It such just para paring siyang Silent Hill pag dating ng Night time ang scene. 

Nilibot ko ang kabuuan ng aking kinalalagyan, pero wala akong makitang kakaiba. Maliban doon sa dalawang lalake na umiinom ng Gin sa tulay. Malaki ang kanilang katawan, hindi dahil sa macho sila. Kung hindi dahil marahil sa alak. Malaki din yung tyan nila na para bang akala mo buntis ng siyam na buwan at malapit ng lumabas yung bata na nasa sinapupunan nila. Yung isa ay kalbo. Yung isa naman akala mo hindi naliligo dahil sa buhok nitong ala Rock Star ang peg, may tatoo din itong angkla ng barko sa kaliwang braso nito.

“Ano bang ginagawa ko dito?”, tanong ko.

“Just watch and you will see”, tugon naman ng anghel na nasa aking likuran.

Hindi ko na siya tinanong pa, bagkus ay inobserbahan ko yung mga susunod na mangyayari pa. 

Hindi ko alam pero I can feel there is going to be danger in this scenes. 

Muli kong binalik yung pansin ko sa dalawang lalaking nag-iinom. Nalingat lang ako ng ilang segundo nag bago na yung scene. Biglang dumami yung mga bata sa scene, parang naging mini-squatter yung bridge na iyon, ang kaibahan lamang ay puro bata ang nan doon. May lalaki may babae pero lamang ang mga lalaki. Masasabi kong galing sila sa squatter base sa kanilang mga maduduming kasuotan. Yung iba kung hindi oversized t-shirt ang suot ay sobrang liit na sando, lumalabas kasi yung pusod nila. Yung mga buhok nila makikita mo yung mga split-ends dahil kakabilad sa araw.

Un Finished NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon