Kabanata 10 Future

84 10 3
                                    

Aaminin kong kahit ako ay nag kamali din sa buhay. Graduating na ako sa college ng sa hindi inaasahan ay nag dalang tao ako ng hindi sinasadya. Ang hula ko noon ay dalawang buwan akong buntis. Ang sabi ng iba, dugo pa lamang daw iyon. Wala pang hugis. Wala pang porma. Wala pang puso. Wala pang itsura. Isang maliit pa sa hintuturo ang nasa loob ng bahay bata ko. 

Nang malaman kong buntis ako, ay iniwasan ko muna si Efren. Parang biglang ayaw ko muna siyang makita. Naiiyak ako sa sitwasyon ko. Mag tatapos pa lamang ako ng kolehiyo. Mataas ang pangarap ko para sa mga magulang ko. Madami pa akong gustong marating. Madami pa akong gustong tuparin sa mga pangarap ko, at ang pagiging isang ina ay malayo sa aking hinagap.

Kakalabas ko lang mula sa graveyard shift schedule ko sa isang fast food chain. Tumingala ako at tumingin sa maitim paring ulap. Bumuntong hininga ako. Wala ako sa tamang huwisyo ng biglang bumuhos ang napakalas na ulan. Nakikisabay yata yung panahon sa pinag dadaanan ko. Nag-angat ako ng tingin, hindi ko kontrolado ang takbo ng buong katawan ko. Nag leave yata ang nag po-proseso sa loob ng utak ko. At lahat ng sense of humor ko ay nag file ng idefinite leave. Kahit ako hindi ko alam kung kailan sila babalik.  I started to step my feet and cross the road. I didn’t mind the raindrops pouring on me. 

Nasa kalagitnaan na ako ng malawak na kalsada. Ilang hakbang na lang malapit na ako sa kabilang parte ng kalsada. Hanggang sa may maingay na busina buhat sa hindi ko maaninag na sasakyan. In an instant, pumasok sa utak ko na masasagasaan na ako. Hindi gumalaw yung mga paa, para bang napako na doon sa kalsada. Isang buntong hininga yung ginawa ko. Is this the answer on what I asked? Is this the answer? My death? Our death? Hindi ko pinikit ang aking mga mata, tinatagan ko ang aking sarili kong makita ang aking katapusan. At inihanda kong maramdaman ang masakit na pag tama ng malaking tapalodo sa katawan ko. Inihanda ko ang sarili ko sa mga sugat, dugo at kung anu-ano pang maari kong maramdaman.

Palapit na ng palapit yung malaking sasakyan.

Isa.

Dalawa..

Tatlo….

Ng masilaw ako sa biglang liwagan mula sa aking harapan…

Literally I was shocked. I saw Gabriel back portion. His wings. 

Ga hibla na lamang ang pagitan ng sasakyan sa kanya. Habang siya ay nakadipa. Pinoprotektahan niya ako. 

“Gabr---“,

And everything went black…..

….

…..

Un Finished NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon