Kabanata 6: Revealling the Truth Angel's Seal

124 12 4
                                    

[flash back]

Naka pangalumbaba ako sa  ilalim ng isang matandang puno. Mataman kong tiniti-tigan yung bundok na may nyebe sa tuk-tok nito malakas ang kutob kong nasa Himalaya’s ako. Yun kasi ang ini-isip ko bago ako matulog. Ito ang napapala ko kakapanood ng Heidi.

Isang malalim na buntong hininga ang binuga ko.

“Hija, ano bang iniisip mo?”, boses matanda iyon. Matandang babae.

Nilingon ko yung matanda at ngumiti ako. Kahit hindi ko siya kilala, alam kong mabuti siyang tao. Kitang-kita kasi iyon sa ngiti niya sa akin.

“Ini-isip ko po kasi yung mga napanood ko sa t.v kanina”, panimula ko.

“At ano namang tungkol doon”, at umupo siya sa tabi ko. Naka suot siya ng berdeng paldang at sleeve-less na bohemian inspired na pang-itaas. Alam kong nakita ko na siya before, hindi ko lang matandaan kung saan, kailan at paano.

“Yung mga mang gagamot pong nakakapang gamot sa mga tao. Totoo kaya yung sinasabi nila?”, sagot ko sa kanya at muling tinignan yung magandang bundok.

May kaka-iba lang sa paligid ko, hindi ko mabigyan ng dahilan pero talagang may kakaiba.

Narinig ko naman na siya yung nag buntong hininga.

“Ito ang tatanda mo, kahit ang mga demonyo ay puwedeng mag pagaling. Kahit mga demonyo, puwede rin maging mabait”, at tumayo na siya.

Muli ko siyang nilingon, hindi ko kasi maintindihan yung mga sinasabi niya. Masyado kasing malalim para ma-gets ng utak ko.

“Pag dating ng panahon, maiintindihan mo din ako”, at ini-abot niya yung kanang kamay niya.

Inabot ko naman. Itinayo niya ako.

“Tara, at ililibot kita dito”

[end of flasback]

Lahat ng mga ala-ala ko noong mga bata pa ako ay biglang nag flash back sa akin. Kanina pa ako nag su-surf sa internet at ina-alam ko yung mga iba pang detalye sa astral projection. Accidetally I bumped in that television channel awhile ago. Kunti lang ang features nila about astral projection. It caught my interest and my full attention.

May isang conclusion na pumasok sa isipan ko. Ibig sabihin? Noong bata ako, nagagawa ko na ito. Nakaka pag-astral projection na talaga ako ng hindi ko namamalayan. Lahat ng iyon noon ay akala ko lamang na magandang panaginip noong bata pa ako.

[flash back]

Pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin ng mga panahong iyon. Ng imulat ko ang mga mata ko muntik na akong tumili, yung kisame kasi nasa harapan ko na. 

Nagulat ako dahilan upang mapa-ikot ang buong katawan ko at makita ang katawan ko na natutulog. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung paano baba, instict siguro ng gayahin ko yung paraan ng mga napapanood ko sa telebisyon. 

Un Finished NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon