Special Chapter: The Offer and The Blushing Virgin

82 4 0
                                    

A/N: This will be on Efren’s POV

[Efren POV]

Kahit kailan talaga itong asawa ko nababaliw na naman, kanina ang dal-dal niya sa bahay with matching halak-hak pa sa corny niyang jokes na pag hindi ko tinawanan babatuhin niya ako ng tabo, baso o kaya ng plato sa mukha. Ganyan siya ka-brutal sa akin. Pabago-bago din ang mood niya, maybe because of her Personality disorder. Pero I guess normal lang yun sa kanya, well writer siya eh intindihin ko na lang. Ngayon naman invincible ako sa kanya, as in walang pansin. Naka harap kasi siya sa harapan ng computer niya at isang oras ng nag ta-type, at pag inistorbo ko siya paniguradong masisigawan niya ako at ihahagis pa niya sa akin yung puncher na nakapatong sa ibabaw ng table niya katabi ng key board. Pero kahit ganyan siya sa akin, mahal ko yang baliw na yan. 

Nasa office niya kami ngayon. Nasa insurance field kasi siya, regular employee na rin sa pribadong kompanyang pinag tata-trabahuan niya. Malakas ang buga ng malamig na hangin sa aircon, kaya naman hindi ko mapigilang antukin. 

Puwesto ako sa likod ng cubicle niya. Madami kasing upuan at mga swivelling chair sa likod. Umupo ako sa isa sa mga manger’s chair at ipanatong ko yung ulo ko sa ibabaw ng table. Napabuntong hininga ako, inaantok talaga ako. Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ng suot kong slacks at tinignan ang oras. Alas-dyes pa lang, mamaya pang ala-una ang schedule ko para sa interview sa papasukan kong grocery store. Huwag nyo ng tanungin kong anong grocery store at kung anong posisyon, nakakahiya kasi.

Unti-unting bumigat yung talukap ng mga mata ko. Iidlip muna ako kahit saglit lang, sana pala nag dala ako ng isang unan, marami naman kaming unan---hayyyy!

Nagulat ako sa ingay na naririnig ko. Napakalas kasi ng sigawan. Yung sigawan ng mga tao, na para ba akong nasa loob ng Araneta. May nag papalak-pakan. May sumisigaw sa pangalan ko. May mga babaeng akala mo naiihi, hindi ko alam kung bakit. May mga kalalakihang sumisipol na matinis, yung sipol na alam kong kakainisan ng asawa ko.

“EFREN MARRY ME!!!!!!!!!!!!!!!”, sigaw ng ibang babae.

“EFREN JUST ONE NIGHT WITH ME!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Marry me? One one? what the heck are those girl shouting for? May asawa na ako at sigurado akong mamasapak sila ng asawa ko ang mga babaeng iyon.

Napadilat ako dahil sa sunod –sunod na hiyawan ng mga tao at muntikan na akong mahulog sa upuang kina-uupuan ko ngayon. Nilibot ko ang kabuuan kung nasaan ba ako.

Madilim ang pailid pero madaming ilaw na may iba’t-ibang kulay sa paligid. May spot light na nakatu-tok sa akin. Maraming tao sa harapan at may mga lalaking ala Batista ang laki ng muscle. May naka sulat na kulay puting  BOUNCER at GUARD sa likod ng kanilang itim na damit, base sa posisyon ng kanilang mga braso naka cross-armed sila and additional na rin skin head sila. Napakunot ako ng noon, diba sa Concert lang naman ang ganito? Teka, tama nasa concert nga ako. Pero kaninong concert?

Un Finished NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon