Prologue Part 3: Hagdanan (The Final Part)

97 7 5
                                    

Prologue Part 3:

Present:

Hagdanan

Dumulas ang hawak kong hard bound na libro mula sa aking mga kamay. Nabasa ko na ang librong ito sa Wattpad, pero binabasa ko parin ang hard bound.

“Innates and Demons written by ShyZarah”, dinampot niya iyon at ina-abot sa akin. “Hindi ba at nabasa mo na ito?”, ina-abot sa akin ng asawa kong si Efren ang libro sa akin.

Nanginginig pa nga kong tinaggap ang librong iyon. “Binabasa ko lang ulit”, matipid kong sagot sa kanya. Pina-ikot ko ang swivelling chair ko at muling humarap sa computer ko. May tinatapos kasi akong nobela, at halaw iyon sa librong binabasa ko kanina. Ang kaibahan lang, yung sa akin true to life experience at hindi fiction lalong hindi kathang isipan lamang. 

Nahagip ng paningin kong napapa-iling na lamang siya. Kaya hindi ko na lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Muli akong nag type sa aking keyboard.

Déjà vu.

Ilang pikit mulat ang ginawa ko, ngunit nanatiling naninigas ang katawan ko. Tumigil din ang pag tibok ng puso ko, ultimo ang pag hinga ko. ang tanging gumagalaw lamang ay aking paningin. Sinubukan kong I-relax ang aking katawan. Pumikit ako at muling dumilat.

Hanggang sa nag iba yung paligid ko. Nilibot ko ng tingin yung buong paligid ko; hindi siya ganong karangya, pero alam kong isang simple chapel iyon kung saan naadurnuhan ng kulay puting tela at puting bulak-lak. Pamilyar ang mga bulak-lak na naroon, nakita ko na iyon before. Nakalutang ako sa hangin, nakikita ko sila pero hindi nila ako nakikita.

Muli akong pumikit at dumilat, nag karoon ako ng view sa labas ng chapel na iyon.

Nakita ko buhat sa “other vison” ko na may pumaradang kotseng kulay puti sa harapan g tarangkahan ng chapel na iyon.

Bumukas ang pintuan ng chapel, at para bang instant na iniluwa mula doon ang isang babaeng hindi sa hinagap ko ay makikita ko sa lugar na iyon.

Naluha ako, dahil ito ang panaginip ko noong walong taonng gulang pa lamang ako. Ito yung panaginip na lagi kong kinukwento sa aking inay. At iyon ang suot kong traje de boda. 

[flash back]

 

I was just eight years old back then. Alam kong nasa ibang lugar ako, dahil yung nadadaan ko ay mapuno at sariwa ang hangin. Nakayapak lamang ako at naka bestidang puti na may disenyong mga bulak-lak. 

 

“La-La-La-La-L”’, I was hamming a song na narinig ko sa radyo kanina bago ako matulog.

 

 

“Naku, huwag kang pupunta sa kakahuyan ngayon. At balitang- balita na may di-umanong ahas na naninirahan doon”, narinig ko buhat sa isang matandang bababe na may sunong pang mga labada, hula ko mag lalaba ito sa ilog hindi malayo mula dito.

Un Finished NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon