Kabanata 4

72.1K 1K 10
                                    

Wife

Ni-text ko si Ezekiel kung anong gagawin ko pero hindi sya sumasagot kaya tinawagan ko pero nagulat ako nang iba ang kumuha.Nakita kong isa sa mga bandmates nya.Humahalakhak ito habang tinitignan si Ezekiel.

Ibababa ko na sana ang telepono kaso agad naman itong nagsalita."Hey dont end the call."Hindi pa rin ito nakakabawi sa pagtawa.Napabusangot ako.Bakit walang ginagawa itong si Ezekiel para magpalusot.Nakatingin pa rin sa akin ang mga kabandmates nya.Apat sila.

Kilala ko ang bawat isa sa kanila dahil fan nila ako simula noong nagsisimula pa lamang sila sa kanilang career.Si Vex ang kanilang drummer.Si Drake ang guitarist nila.Tapos si Shon ang pianist nila.At ang vocalist nila ay si Ezekiel.Lahat sila marunong kumanta pero ang pinakagusto ng lahat ay ang boses ni Ezekiel.

Malalim at malamig ito.Masarap dinggin nakakapanindig balahibo.

"Hey Chanter hindi mo ba kakausapin ang asawa mo?"At narinig ko ang halakhakan nila sa telepono.Nanlamig ako at nalaglag ang panga.Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bunganga.Tinignan ko si Ezekiel na blanko ang ekspresyon.

"Hey miss wifey hindi ka ba lalabas sa kotse mo?"Mapaglarong tanong ng nakahawak sa cellphone ni Ezekiel.Kailan nila ito nalaman?Shit.Katapusan na ba ito ng career nya.Nasira ko ba ang pangalan nya?Bakit wala akong alam.

Nanlamig ako sa kinauupuan ko at pilit huminga.Ibinaba ko ang aking cellphone at tulalang tinanggal ang seatbelt ko.Binuksan ko ang pinto at lumabas mula sa aking kotse.

Pagkalabas ko ay agad silang tumingin sakin pero si Ezekiel ay nanatiling blanko ang ekspresyon at hindi nakatingin sakin.Parang wala syang pakialam na nabuko kami.

"Miss come here."Sabi ng manager nila.Parang barkada lang ang turingan nila sa isa't isa at isa pa halos ka-taon lamang nila ito.

Nakayuko akong lumapit sa kanila.Ramdam ko pa rin ang mga titig nila.Ini-angat ko ang aking paningin at pilit na ngumiti.Tumayo naman agad ang isa sa kanila at sinalubong ako.Inilahad nito ang kanyang kamay.

"Im Vex."Nakangiti nitong pagpapakilala.Inabot ko naman ang kanyang kamay.Nagulat ako nang idinampi nya ang kanyang mga labi sa aking kamay.Hindi naman sa hindi pa ako nahahalikan pero shet that's Vex kilala bilang isang hot gorgeous model and drummer.

"Hoy Vex you're dead."Sabi nung Drake.Napatingin ako rito.Napamisteryoso ang mga mata nito at namangha ako doon.Siya ay isang kilalang misteryoso sa lahat.Isa syang tagapagmana pero tinalikuran nya iyon dahil sa career nito.

Tumayo lang sa harap ko si Vex at lumapit din sa akin si Shon.Inilahad nya din ang kanyang palad at nakipagkamayan."Shon."Simpleng pagpapakilala nito.Sa unang tingin parang inosente at ang bait nito pero kilala syang playboy sa kanila.Kada-month siguro ay may iba't ibang naili-link sa kanyang babae.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon