Kabanata 25

56.7K 775 10
                                    

Take the way.... 

"Dont you think maganda kaya."Naabutan ko ang tatlong matanda sa patio,inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang babae kanina at nagtaka ako nang puro maids lang ang nandito.Nakita kami ng mga matatanda kaya tinawag nila kami para umupo doon.May snacks na naka-serve doon at walang hiya hiya akong kumain.Medyo nagutom kasi ako sa biyahe kanina.

"Xavier do you still remember this place?"Tanong ni Mamita Gracia kay Xavier.Si mamita Gracia ay nakausap ko lang kanina.Approachable siya nang pinakilala akong bestfriend ni Zeke agad niya akong kinuwentuhan at lahat lahat,nalaman kong hindi pa nagigising si Zeke nang binisita niya ito.At si Mamita Gracia,sabi niya Mamita Gracia na lang ang tawag ko sa kaniya.

Napaisip ako,paano kaya kapag nalaman niyang kasal na ang apo niya.Natatakot akong malaman ang magiging reaksyon niya.Bakit ba ganito,ang hirap maging ako.

"Hija?"Natauhan ako sa pag-iisip nang tinatawag pala ako ni Mamita Gracia,napangiti ako.

"Bakit po?"Tanong ko.

"Xavier wants to tour you here,"magiliw nitong sabi.Ngumiti ako saglit at napatingin kay Xavier.Tumango ako.

"Sige po."Tumayo si Xavier na walang pasabi-sabi.

"Let's go."Tumayo na rin ako.

"Sige huwag masyadong lumayo sa Hacienda Xavier."

"Yes Grandma."Maarteng pagkakasabi nito.Nauna siyang maglakad sa akin.Lumabas kami sa malaking gate ng mansion,may kinuha siyamula sa kotse nito kanina at isang DSLR na mukha naman talagang mamahalin at inaalagaan.

Habang naglalakad kami ay basta click na lang ito ng click.Paano ko ba ito kakausapin kung puros picture na lang ng picture.May hindi pa ako nasasabi na hobby ni Zeke,ang mag-take ng pictures.May parte sa kuwarto niya na kuha ng mga lugar na napuntahan na niya.Siguro marami talaga silang pagkakatulad.

"Tsk,boring naman."Sabi ko.Naramdaman kong napatigil siya.

"Just wait.You'll see this place isn't boring."Sabi nito.Napatingin ako sa kaniya at patuloy lang siya sa pag-capture.Hindi naman itong lugar ang sinasabi ko.Ikaw gago!Ugh!

Linagpasan ko siya at naunang maglakad.May nakita akong tindahan sa malayo,kulang pa kanina yung kinain ko kaya nagmadali akong maglakad.Narinig ko ang paghabol niya sa akin.

"Hey wait!"Napatingin ako sa kaniya at naramdaman ko na lang ang pagkabagsak ko sa kalsada.Ouch.Napaupo ako at tinignan ang galos ko sa kamay at paa.Agad naman itong lumapit sa akin.Akala ko concerned yun pala tatawanan ako.

"Stay away jerk!"Sabi ko at pilit tumayo,medyo masakit ang tuhod ko at mahapdi ang sugat pero kaya ko namang maglakad.I-ika ika akong naglakad habang rinig ko ang pagtawa niya sa likod ko,bwisit talaga tong weird alien na ito!Binilisan ko pa ang paglakad pero dahil masakit ay na out of balance ako.

Naramdaman ko ang paghapit nito sa bewang ko at marahan niya akong hinigit papalapit sa kaniya.Nakita ko ang seryoso nitong tingin pagkalapit ng mga mukha namin.

"Be careful."Bulong nito at itinayo ako.Lumayo siya sa akin at pumunta sa harap ko.He knelt down and offer his back a ride.Walang hiya hiya naman akong nagpabuhat.Total kasalanan naman niya ito,pwes mamatay siya sa bigat ko.

"Bigat mo."Reklamo niya.

"Nye nye nye."Napairap lamang ako.Tss nag-offer ka pa magrereklamo naman,tss.Narinig ko itong tumawa.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon