Kabanata 22

57.2K 799 17
                                    

 Xavier

Nakatanaw ako sa labas ng bahay. Nandito pa rin ako kila Kryzel.Waiting for Papa and Lolo Marty. I think susunduin nila ngayon yung Ate ni Lolo Marty. Kahapon  pa sana ang arrival nila dito pero na-delay yata yung flight nila kaya ngayon lang sila nakarating.

Napalingon ako nang maramdaman kong bumukas ang pinto. It's Drew.

Maingat niyang isinara ang pinto at naglakad papalapit sa akin. Iminuwestra niya ako sa mini sofa. Umupo kami at alam ko na may mahalaga siyang sasabihin.

"Kamusta na?" He asked.

"Medyo naguguluhan pa rin sa mga nangyayari." Sabi ko. Napabuntong hininga ito at sumandal sa sofa.

"You know Essiralc Im not blaming you here but honestly you've caused a big damage sabayan pa nang nangyaring aksidente. But I really feel sorry for you sa mga nangyayari. Hindi ka sana madadamay dito kung inisip mo ang maaaring mangyari. I hope hindi mo na dadagdagan ang problema. You know Zeke nagsimula siya with his own and this is his passion while Drake this is his way to escape."

Ako ang may kasalanan,iyon ang ramdam ko.Naramdaman kong tinapik ako ni Drew sa balikat.

"You have to be careful Essiralc,maybe mas maganda kung huwag ka na munang lumapit sa kanya.Huwag mo nang ituloy na bisitahin siya.It's impossible na hindi ka mahuhuli ng media they have an eagle eyes especially to you."

Biglang parang bumagsak ang sistema ko. Leaving him without a glance would be killing me but I need to do this baka mas lalo pang lumala ang lahat.I still can remember na hindi ako nag-ingat nitong nakaraan.Umabot na sa isang taon ang pagtatago at masasayang lamang iyon dahil sa isang pagkakamali.I know this is bullshit but I need to be more careful this time.

Tumango ako kay Drew at tumayo.I cant even force a smile, I cant help but let my tears escape from my grip.Drew hugged me I just let him.

"Anak andito na ba lahat." Lutang ang isip ko,kusang tumango na lang ako.

"Sigurado ka?Bakit iisang bag pack lang ito?" Alam kong naiinis na si Papa.

"Anak ilang oras na lang darating na dito si  Ate Amelia."Ilang oras na lang aalis na ako papuntang San Simon,ayoko man pero doon ako patungo sa Hacienda Montelizalde ang hacienda ng tinuturing na Mama ni Zeke.

Napatingin ako kay Papa nang tumunog ang kaniyang cellphone,ibig sabihin lang niyan aalis na ako,hindi ko man lang siya makikita.

"Myra!"Tawag ni Papa."I-impake mo na yung ibang gamit ni Essi."

"Opo."Wala sa sarili akong tumayo habang may kausap si Papa sa kaniyang cellphone.

Kusang humakbang ang mga paa ko sa kwarto niya.Pinihit ko ang doorknob nito,madilim.I turned on tha light.Pinagmasdan ko ito.It's still the same mula nang nangyari ang aksidente,almost a week pero parang kay tagal na.Ito ba ang dahilan Zeke kung bakit ka nagbago para paasahin akong magiging ganon kadali lang ang lahat kahit hindi.

Sana napigilin ko pa ang sarili kong mangarap na magpapatuloy ang lahat kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.I need to stay away from you.Kung kailan malapit saka naman sisirain.Kung kailan masaya saka naman magiiba ang takbo ng mundo.

I never owned your world.Kasi mas una mong nakilala ang mundo ng pagiging artista bago ako.Mas una mo iyang nagustuhan,hindi rin naman ako sigurado kung nagustuhan mo ako.Kung totoong mahalaga ako.

Pero nagbabaka sakali pa rin ako na totoo ang mga ipinakita mo. Nagpatuloy ako ng walang kasiguraduhan.Hinayaan ko ang sistema kong malulon sayo ng walang kasiguruhan.Ganon naman talaga diba?

Sa pag-ibig walang kasiguruhan kahit gaano kabigat ibibigay itataya kahit wala kang inaasahang ibabalik.Just like in gamblingl,you keep on going without any hesitations,without assurance that you'll win.Ipaglalaban mo pa rin hanggang sa huling singkong duling itataya mo malay mo babalik.Ganon tayo e,swerte mo na kung nakatsamba ka.Well in life that only means he/she is destined to you.

"Hey what are you doing in my  cousin's room?"Napapitlag ako nang may baritono akong narinig mula sa aking likuran.

I  turned my head and what I saw is a guy wearing a black leather jacket,white v neck shirt inside and fitted navy blue jeans .

Nakakunot ang noo niya.Mukhang ito yung sinasabi nilang pinsan ni Zeke dahil magkahawig sila ng hugis ng mukha iba lang kasi ang kulay ng mata niya,malayo pa lang makikita mo na ang asul niyang mata sabayan mo pa ng maputi niyang kutis.

"Ahm..."I cant uther anything.I dont know how to explain.Paano ko sasabihin na Hi! Im your cousin's wife! Hindi iyan maniniwala probably.

"Are you deaf?"Masungit nitong tanong.Napairap ako,kagagaling ko lang sa pagse-senti huwag mo akong binatin.I dont easilly switch moods.

"Grandpa!Grandpa!"Aba't ang ingay nito a,ayoko ngang malaman nilang nandito ako e!Lumapit ako sa kaniya at tinakpan ko ang bunganga niya.But unfortunately ang tangkad niya kaya tumingkayad ako at nang di na nakaya ng tingkayad ko I off balance.

Buti na lang maagap siyang humagip.He hold my waist as if holding a stick.

"Clumsy."Maarte nitong sabi. Itinulak ko siya at nag-walk out pero sinundan niya ako.Magsasalita sana siya nang nilingon ko siya or better say na tiningala ko siya.Akala ko matangkad na si Zeke pero may mas matangkad pa pala.Such a giant-kapre!

"Shh.Okay fine hindi ko alam kung paano sasabihin ito but I am Zeke's uhh ----"

"bestfriend!"Napalingon ako sa sumingit. It's Lolo Marty. Napakunot ang noo ko.

"Uhm Xavier would you mind if I excuse her?"Sabi ni Lolo.Hinila niya ako sa gilid.

"Anak hija,mahabang paliwanag sana pero sa maintindihan mong bawal natin munang ipaalam kahit sa kaniya."Tinignan ko ang sinasabi ni Lolo Marty na Xavier at pilit akong ngumiti kay Lolo at tumango.

Hate it,kailangan na naman bang magtago ng sikreto?Napabuntong hininga ako.

"Xavier let's eat lunch first before you leave.Anyway this is Essiralc Noreen,siya ang sasama sa inyo sa San Simon."Sabi ni Lolo Marty,sumunod na lang ako sa baba.

----------------------

ARAHRINE_11

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon