Kabanata 11

67.6K 999 15
                                    

Modeling

"Maam Essiralc gising na po.Maam!"Narinig ko ang sunod sunod na katok sa pintuan ko kaya tamad akong bumangon at nagtungo sa banyo ko para maghilamos.Lumabas ako sa kwarto ko na tamad ang ekspresyon.

It's been one week nang umalis siya papuntang Paris.At one week na rin akong busy sa trabaho.Ngayon pa lang ang simula ng modeling ko.Hindi kasi ako naasikaso last week dahil maraming kinukunan at gabi na noong matapos at sinabi kong sa susunod na linggo na lang at mamayang gabi na yon.May fashion show din sa sabado at makakasama ako doon.Ten thousand ang sahod ko kada sasama ako.Iyon ang eksplanasyon sa akin ni Tower.

Bumaba ako sa hagdan at nag-diretso sa kusina para kumain.Nakahanda na doon ang umagahan ko.Umupo ako at pinagmasadan ang mga pagkain sa coffee table.Tinawag ko si Myra para ipagtimpla ako ng black coffee kulang pa kasi tulog ko,kaka-stalk ka-gabi kay Ezek.Buti na lang maraming nakakakuha sa kanya ng mga litrato kung ano na bang ginagawa niya doon.Hindi pa rin kasi niya ako kino-contact hanggang ngayon,siguro busy pero sana hindi sa paglalandi sana naman trabaho talaga inaatupag niya doon.

"Myra."

"Po?"

"Sabay ka nang kumain nakakawalang gana kung mag-isa lang ako."

"Uh maam kumain na po kasi ako e."Tumango na lang ako at sumipsip sa kapeng tinimpla ni Myra.Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at naligo saka nagbihis ng pantrabaho.

Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko,ni isang text man lang o kahit wrong send na galing sa kanya wala.Malungkot akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito ng marahan.Pinasadahan ko ang basa kong buhok na nakalimutan kong i-blower.Tinignan ko ang oras at parang nagising ang kaluluwa ko nang nalamang male-late na ako.

Nahuli din kasi ako kahapon at napagalitan sa Executive Chef namin.At kung minamalas nga naman traffic pa.Shit!Tinignan ko ang oras at fifteen minutes na lang male-lete na ako.Napagdesisyonan kong iparada ang kotse ko at maglakad na lang.

Lumabas ako sa kotse ko at inayos ang bagpack ko saka tumakbo papuntang Hotel na pinagta-trabahuan ko.Pawis na pawis ako nang nakarating ako pero dumiretso agad ako sa locker room at nagpalit ng uniporme saka pumasok sa kitchen.Walang nakapansin na pumasok ako dahil lahat sila'y may kanya kanyang tina-trabaho.

"Fresh Cherry Cobler is ready!"Sigaw ko at inilapag ang ginawa ko sa counter.Kinuha naman ito ng server.

Nagpaka-busy ako upang hindi ko siya maisip,nang break na ay dumiretso ako sa CR at nag-ayos ng konti nang may marinig akong usapan sa loob ng cubicle.

"Ang gwapo niya talaga."

"Oo nga sana ako na lang si Chesca!"

"Sinabi mo pa.Ang sweet sweet nila no?Talagang sa Paris pa ang setting nila."

"So romantic.Sana sila magkatuluyan,ayaw ko kay Rade para kay Chesca kahit si Rade pa ang isa sa mga hottest actor ngayon."

"Hihi tignan mo o!"At narinig ko silang tumili saka lumabas sa cubicle.Nakita ko silang hawak hawak ang isang tablet at para silang maglulupasay sa kilig habang may pinapanood.

"Oi Essiralc andyan ka pala!Tignan mo o!"Sabi sa akin ng isang staff na nakikilala ko ang mukha.Itinapat nila sa akin ang video.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ang isang video na si Chesca at Zeke na naglalampungan.Kumuyom ang panga ko at nagpipigil na magmura.Shit!Shit!Damn that man.Akala ko ba trabaho inaatupag niya.What now?Trabaho pala ha.

"Ang sweet nila no kahit Off cam.Yiii!"At gigil nila akong niyugyog.Kinalas ko ang hawak nila sa akin at walang ka-ekspresyon ko silang tinignan.

"Tss.Off cam paanong nasabing Off cam kung nakunan naman?"Inis kong sabi dahil hindi na ako makapagpigil.Lumabas ako sa CR ng padarag.Narinig ko ang sinabi nila nang sinabi ko iyon.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon