Kabanata 8

69.5K 1K 13
                                    

Sudden change


Nagising akong may narinig na kalabog sa baba.Agad akong napabangon at bumaba sa hagdan.Nadismaya ako nang wala naman pa lang tao at wala namang gamit na nalaglag o ano.Tinitigan ko ang pinto ng ilang minuto at nang mapagtantong hindi man lang ito nabuksan ay dumiretso ako sa sofa at naupo saka binuksan ang telebisyon.

It's almost a week na hindi umuuwi si Ezekiel since that night.Inaway niya ako dahil hindi daw ako sumunod sa kanya na siya ang maghahatid sa akin.Sinabi ko namang si Drew na manager nila ang naghatid sa akin pero inis lang syang nagdadabog.E baka nga mahuli sya kapag siya pa ang maghatid sa akin.Malalaman pa ng buong mundo na ang isang Ezekiel Chanter Ladesma ay may asawa na.

Tss.Kung alam ko lang na magiging ganito ay sana sumunod na lang ako.Simula noong graduation ko nagbabago na siya.Kasi kinakausap na niya ako at ipinakilala na nya pala ako sa mga kaibigan niya pero ang hindi lang naman nagbabago ay ang malamig nitong pakikitungo.Pero mas maayos na kaysa dati kaso heto na naman kami.At war.Perp at war ba itong matatawag?Kasi siya lang naman ang may galit sa akin.

Nakakapagtaka na rin iyong mga ikinikilos niya this past few days.Pero ayos lang naman sa akin.

Tsk,Ezekiel naman e.Miss ko na siya kaya nagtitiis na lang ako sa panunuod ng telebisyon o balita at kung minsan nagpupuyat para pakinggan at mag-download ng tugtog niya.Hindi ko kasi ginagawa iyon dati dahil busy sa school pero ngayon pwedeng pwede na.At last week ko na para magliwaliw ay doon ko na lang ibinaling ang araw ko.

Naglinis ako ng buong bahay at saka naligo at nagbihis.Kumain ako ng umagahan ko at nagtungo na naman sa sala at tutunganga.Pagkabukas ko sa TV ay agad rumehistro ang mukha ng miss ko ng lalaki.Nasa live presscon sila.Nakaupo siya katabi si Chesca at kasama nila si Rade yung isang actor na kilala at kasama rin nilang naka-upo ang isang director.

Presscon pala ito para sa sisimulan na nilang telenobela.Si Ezekiel ay hindi masyadong naga-acting mas tinututukan nya ang kanyang banda at pagmo-modelo pero siguro susubukan na rin nyang tututukan ang umacting.

Ang tittle ng gagawin nilang telenobela ay The Bachelor.Bida si Chesca at ang dalawang leading man nito ay sina Rade at Ezekiel.

"Sa telenobelang ito ba ay aasahan naming may kissing scene ang Cheskiel o may mas daring pang mangyayari?"Nakita kong tumawa si Chesca ng matamis at tinignan si Ezekiel ng may ibig sabihin.Si Ezekiel naman ay parang wala lang ito sa kanya.

"Uhm siguro well let's see."At humalakhak pa ito.Binalingan naman nila ngayon si Ezekiel na blanko ang ekspresyon.May mga movieas na kasi silang magkasama pero first time itong magkakaroon ng telenobela.Sa mga past movies nila ay walang kissing scene hanggang yakap at holding hands lang.Tss.

Gusto kong magprotesta.Hindi sila pwede dahil meron na siyang asawa at ako iyon!Kaya ikaw ambisyosang Chesca hanggang tingin ka na lang!Pero nakalimutan ko na yatang ilang beses ko na silang nakitang naghalikan sa bahay.Tss.Damn you Ezekiel!

"How about you Mr. Ladesma?"Tanong ng reporter na nagtanong nito kanina.Nag-angat ng tingin si Ezekiel at tinignan siya ng bawat taong naroroon.Ngumiti ito.Tss.Sarap batuhin.

"Pwede lang.Subaybayan nyo na lang ang kwento."At ngumiti pa ito.Naiinis naman ako.Batuhin ko kaya siya.Hello Im here your wife!Sabagay wala naman siyang pakialam.Tss

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon