Kabanata 47

47K 810 24
                                    

5 weeks and a month


Halos takbuhin ko na ang elevator nang makapunta kami sa taas.Pero naramdaman kong medyo sumakit yung tiyan ko kaya nagdahan dahan ako,hindi pa kasi ako kumakain.

"What happened?" Kunot noong tanong ni Shon,umiling ako.Tahimik kaming umakyat sa taas,akbay akbay ako ni Shon samantalang si Drake at Vex ay nasa likod namin.

"After this ihahatid kita sa bahay niyo,nilalamig ka yata." Sabi ni Shon,umiling ako.

"Huwag na,babantayan ko si Zeke." Sabi ko pero umiling siya at ininsist na iuuwi ako mamaya.Wala naman akong nagawa.

"Isuot mo to." Bigay sakin ni Drake yung coat niya nang lumabas kami sa elevator,hindi na ako umiling dahil nilalamig naman talaga ako.

Paglakad ko pa lang ay nabungadan ko na si Zeke.Napatulala ako at nanlamig sa nakikita ko.Walang ekspresyong tumulo ang luha 'ko.Napaatras ako at dali daling tumakbo sa may elevator at agad na pinindot ang close pero pinigilan iyon ni Drake at hinigit ako palabas sa elevator.

"Harapin mo siya." Bulong niya,umiling ako.

"No," napasinghot ako at napahikbi.Pero niyakap ako ni Drake pero nagulat ako nang madatnan ko si Shon at Vex na hawak hawak si Zeke at si Chloe na kanina ay kayakap ni Zeke ay naguguluhan.

"Essiralc..." sambit ni Zeke na parang nagulat.Napa-iwas ako ng tingin at pinunas ang luha 'ko saka muli siyang hinarap.Napatingin ako sa naka-cast niyang kamay na akala ko okay na noon.He over worked para kanino?Para kanino ba talaga?

"Why are you here?" Malamig niyang tanong,sumingit si Vex ngunit siniko siya ni Shon.Sinenyasan sila ni Drake na iwan muna kami at hinigit nila si Chloe kasama sila.

"Bakit Zeke,wala ba dapat ako dito?" Malamig ko ding tanong.Narinig ko ang kaniyang mabigat na hininga at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"Diba dapat kasama mo yung kabit mo." Napahalakhak ako ng mapait.

"Kabit Zeke? Oo nga noh para fair." Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?" Malamig pa rin nitong tanong.

"You two---Chloe made love.I saw you naked." Nanginginig kong sabi at hindi ko napigilan ang traydor na luha.

"Tss isipin mo na ang dapat mong isipin.You know I can't do that pero wala ka namang pake diba.Even if I'll get her pregnant." Walang kaekspre-ekspresyon niyang sabi.

Hindi ko napigilan ang pagdapo ng kamay ko sa kaniyang pisngi.Isang malutong na sampal ang pumailanlang,narinig ko ang kaniyang malamig na halakhak.

Pinasadahan niya ang magulo niyang buhok at tinignan ako. "You should slap me harder miss." Mas tinusok ng mga kutsilyo ang pakiramdam ko.He didn't called me the way he's calling me before.

"Stop it Zeke." Sabi ko nang ilapat niya ang kamay ko sa pisngi niya,binibigyan ng daan para sampalin ko siya.Itinulak ko siya at napaupo ako sa panghihina.

"You love her right?" Tukoy ko kay Chloe.Tumulo ang mga luha 'ko at mas nanikip ang dibdib ko.

"Yes I love her." Ngumiti pa ito at humalakhak.Gumuho ang sistema 'ko at nanlamig ako.Hindi ko kayang magsalita nang bigla na lang akong sumuka.Nanlaki ang mga mata niya,hindi lang siya kundi ako din.

Lumapit siya sa akin at pilit na hinawakan pero hinawi ko yung kamay niya.Pinatigas ko ang ekspresyon ko at nagtaas noo.Pinunas ko ang bibig ko at naaamoy ko ang mabaho nitong amoy,probably I'm sick.

"You're pregnant?" Kunot noo niyang tanong pero linakasan 'ko ang loob ko.I want to make him feel this,the way he stabbed my heart but I dont think I can 'cause he just told me that he love Chloe.

"Yes..." untag ko at tumalikod pero bago umalis ay may sinabi pa ako. "You're not the father,jerk." Sabi ko at patakbong umalis. Inilabas ko lahat ng sakit sa elevator,I cried.

Pagbukas ng elevator ay sinalubong ako ni Drake pero pagkayakap ko pa lang sa kaniya ay nanlabo ang paningin ko at unti unti akong nawalan ng malay.Tanging boses nila ang mga naririnig 'ko.

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa isang bintana.

"So glad you're awake." bungad ni Vex at binigyan ako ng mainit na kape pero agad siyang pinigilan ni Drake.Nagulat ako nang binatukan pa niya ito.

"Drake!" Pigil ko pero tumawa lang ito at may tinawag mula sa labas.Teka nasa isa akong private ward.Nasa Ospital pa rin ako,shit.

"Doc she's awake,I think she needs to know the news." Napakunot noo ako sa sinasabi ni Drake.Tinabihan ako ni Shon sa bed at inakbayan ako,tinignan ko naman siya ng inis look.

"Hoy hindi pa yan naglilihi huwag kang sipsip." Bulong ni Vex kay Shon na hindi ko naintindihan.

"Mrs. Ladesma." Tinignan ako ng doctor.

"Congratulations you're 5 weeks pregnant." Sabi nito at sandali akong napatunganga.

"You love her right?" Tukoy ko kay Chloe.Tumulo ang mga luha 'ko at mas nanikip ang dibdib ko.

"Yes I love her." Ngumiti pa ito at humalakhak.Gumuho ang sistema 'ko at nanlamig ako.

"Hey Essi wake up." Yugyog sa akin ni Vex at niyakap ako ni Shon.Gulong gulo na nga yung utak ko magulo pa itong dalawa.Nagpapasalamat ako nang itulak sila ni Drake.

"And where's Mr. Ladesma?" Tanong ng doctor pero nag-explain na si Drake.

"Doc sa akin niyo na lang po sabihin yung mga kailangang sa pagbubuntis,maybe she needs some rest?" Sabi ni Drake at tumango naman ang doctor.

"Hoy kayong bahala sa kaniya I already called Kaye." Sabi ni Drake,nagulat naman ako at may number siya ni Kaye pero isinawalang bahala ko na lang iyon at pinabili yong dalawa ng pagkain.

Tumahimik ang kwarto nang mag-isa na lang ako.Na-realize ko na buntis talaga ako.But how did that happened,I saw it negative with my own eyes.But then sabi kanina ng dostor na PT is not that good to give a right info,sometimes mali daw lalo na't minsan ko lang triny,if posible daw I should make it three times or go to an OB.

Napabuntong hininga ako."Pano ba yan baby ngayong nalaman kong di ako love ng daddy mo saka ka pa dumating? Dapat noon pa para natali na natin siya." Bulong ko na parang tanga.

But what would I expect,I guess this is the end for us.Maybe he'll get a lawyer at di nga ako nagkakamali after  a month na hindi niya ako kinokontact.I mean we're not connecting to each other,sa condo lang ako namamalagi and Lolo Marty and Papa dont know this cause they're back in Hawaii with Mamita Grace.

Should I sign this out? I don't think so.

--------------------------------

Masyado na kong nagmadali but I told you to trust me guys. :)

ARAHRINE_11

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon