Kabanata 5

72.9K 1.1K 19
                                    

Just dont show off your skin

Hindi ko na kinailangang maghanap ng trabaho dahil agad na akong inerekumenda ng school namin sa isang five star hotel.Nakatapos ako ng Culinary Arts.Hindi naman ako mahilig magluto at lalo na sa baking.Pero iyon lang ang kaya kong aralin.

Magsisimula na ako sa lunes kaya kailangan ko nang masulit ang bawat araw ko.Kinuha ko ang pagkain ng mga Koi fissh ko at pumunta sa pond.Sinabuyan ko sila at agad naman silang nagunahan sa pagkain.Kapag naparami ko na ang mga ito ay ibe-benta ko sila.

Pagkatapos kong pinakain ang mga Koi fish ay pumasok na ako sa loob ng bahay.Naisipan kong mag-swimming dahil sa init ng panahon.Nagpalit ako ng pang-swimming attire at lumusob sa pool.Lagpas ulo ko ang tubig kaya mas ramdam ko ang pag-langoy.

Pabalik balik ang paglangoy ko at nang mapagod ay umahon.Kinuha ko ang nakahanda kong towel at tinuyo ko ang aking buhok saka pinunasan ko ang buo kong katawan.

Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate.Kaya agad ko itong dinampot.Akala ko text lang pero may tumatawag pala.Nakalimutan kong naka-silent ito.Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello?"Sabi ko sa kabilang linya at halos mabingi ako nang marinig ko ang sigaw ng mga lalaki sa kabilang linya.Napakunot noo ako.

"Sino ito?"Tumigil naman sa pagsigaw ang kabilang linya.

"It's me Vex."Napangiti ako.

"O Vex napatawag ka?"Natutuwa kong tanong.

"Can I invite you?"Napakunot noo ako at ngumisi.

"Saan?"

"Bahay ko."Anito.

"Sure.Kailan ba?"

"Tomorrow.Ten pm.Ipapasundo na lang kita."

"Sige.Para saan ba ang pagpunta ko sa bahay nyo?"Tanong ko.

"Birthday party."

"Weh?Hala nakalimutan ko.Fan pa man din ako.Sige sige aasahan mo ko dyan."Masaya kong sabi at ibinaba ko na ang aking telepono.Pagkababa ko ng telepono ay may narinig akong nabasag sa loob ng bahay kaya napalingon ako.Nakabukas lang naman ang sliding door dito kaya rinig ko ang nangyayari sa loob ng bahay.Nakita ko ang vase sa sahig na basag at nakatayo malapit doon si Ezekiel.Matalim ang tingin nito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Zeke what happened."Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang isang boses ng babae.Chesca.She's here again.Lumapit ito kay Ezekiel na kasalukuyan pa ring nakatingin sakin ng matalim.Ano na namang kasalanan ko.Umirap ako at isinuot ang bathrobe ko .Pumasok ako sa loob ng bahay at linagpasan sila.Naramdaman ko pa rin ang matalim na tingin nito sakin.Naaalala ko ang pag-igting ng kanyang panga na nakadedepina pa lalo sa hugis ng panga nito.

That was sexy for me.Ang mapupungay nyang mata na hindi ko kayang titigan ng matagal na nakakapanindig balahibo.Umupo ako sa kama ko at hinawakan ang dibdib ko.Naghuhuramentado ang aking dibdib.Anong klaseng epekto ng lalaking iyon sakin.Napamura ako at pumasok na lang sa banyo.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon