Kabanata 39

52.2K 801 8
                                    

 It's in the past

Natulala ako saglit,lumapit siya sa akin at laking gulat 'ko nang niyakap niya ako." I miss you so much." Bulong nito. Dumistansya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat 'ko.

"You've changed a lot.But still beautiful as ever." Nakangiting sabi niya. Tinulak 'ko naman siya agad.

"Ba--bakit ka nandito?" Utal kong sabi.Ngumiti siya ng mapait. "Uhm." Pa-una niya pero pinutol siya ni Kaye.

"Ano ka ba Essiralc Noreen,si Scant ang nag-drive para sa amin.Mabuti nga nakita niya kami kung hindi nasa kulungan na kami ngayon." Bigla naman akong nakaramdam ng guilt.Kaya pinaupo ko na lang sila imbes na paalisin agad.

"So you live here?" Tanong niya habang ipinapababa kay Hana ang hiningi kong miryenda.Tumango ako at napasinghap sa hanging galing sa nakabukas na pinto.

"One year?" Tanong niya,umiling ako.

"Magtu-two months na." Sabi 'ko,tumango siya.

"So you really dont live here.Who owns this house then?"

"A friend." Sabi 'ko.

"If you want you can visit my house also,medyo malayo lang kasi dito." Tumango ako.

"So kamusta na ang buhay.Do you have a job?" Napaisip ako. "Mmm.Dati kaso nag-leave muna ako." Tumango siya at pinagsalikop ang kamay niya.Napatingin ako kay Popoy na kanina pa nakatitig sa akin.Siniko siya ni Kaye.

"Laway mo." Sabi niya,ngumisi ito at umayos ng upo.Ugh so creepy.Si popoy ang lalaking habol ng habol sa akin simula noong third year high school ako at buti na lang may nagkagusto din sa akin na transfery at iyon ay si Scant.

Si Scant ang lalaking unang seryoso kong boyfriend at huli hanggang sa ikinasal ako kay Zeke.Alam niya noong fan na fan ako ng raging pain na boy band group ng Pilipinas kaya tinutunan niya ring magtugtog ng iba't ibang instrumento para sa akin,nadiscover rin niya na maganda pala ang boses niya at kaya niyang sumayaw dahil sa akin.

Masaya ako noon,kaming dalawa kahit minsan nagseselos siya dahil hindi ko mabitawan si Ezekiel na idol ko at super crush ko.Hindi naman ganon kayaman si Scant dati pero nang pumunta sila sa amin ay nagtayo sila ng iba't ibang negosyo at nakapagpundar ng iba't ibang ari arian.

Maraming inggit sa akin noon kaya bantay sarado siya sa akin kahit ayaw ko sana.Tinuruan ako ni Papa na lumaban dahil maaari nila akong kidnapin noon dahil kay Scant.Tanggap ako ng pamilya niya kahit sobrang yaman na nila at mahirap lang kami.

Walang araw na hindi kami magkasama,kada monthsary namin ay umaalis kami at nagta-travel sa kahit anong sulok ng Pilipinas.Marami siyang alaala sa akin,not until sumabog ang balita na nakabuntis siya.

Bumalik siyang America na hindi kami nag-uusap.That day I promised to forget him.Iniwan niya ako sa ere at higit sa lahat sinira niya ang trust 'ko.Kinalimutan 'ko siya at nagpatuloy sa paghahanap sa taong para sa akin and that day is when I accidentally met Lolo Marty.And my life goes on and on.

At ngayon pagkatapos ng tatlong taon at higit ay nasa harap ko na siya kausap ulit.My ex is back and I can't stop myself from thinking kung ano kami kaya ngayon kung hindi nangyari ang pagkakamali niya.Ang pagkakamaling sumira sa lahat.Pero masaya ako dahil kung hindi sa kaniya ay hindi ako ikinasal kay Zeke kahit komplikado ang estado namin ngayon.

Ikinasal na patago at isang taon na nagtiis ng cold treatment pero nasaan ako ngayon?Di'ba masaya.Lahat ng paghihirap,patitiis ay napapalitan yan,basta't marunong kang magtiis.Darating at darating ang araw na masasagot lahat ng katanungan mo.Lahat ng puwang sa buhay mo,malalagyan at makukumpleto.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon