Kabanata 26

55.6K 731 13
                                    

 Staying in reality.....

Dalawang linggo na at higit na ang lumipas na wala akong balita sa kanya.Bago kasi ako umalis sa Manila napagdesisyonan kong i-deactivate lahat ng account ko dahil sa maraming naninira sa akin pagkalabas pa lang ng picture namin ni Drake.Sobrang daming friend request na gusto lang naman pa lang manira kahit sa twitter at sa iba ko pang account.

At ngayon natatakot akong gumawa ng kahit anong accout at kahit makibalita man lang,ayoko.Nakakabagot man noong una pero ngayon nasasanay na.Parang nae-enjoy ko na ring manirahan dito.

"Miss Essi baba na raw po kayo sabi ni Young Master."Tumango ako at inayos ang buhok kong nagulo nang humiga ako.Katatapos ko lang maligo.Sabado ngayon at kaming dalawa lang ni Xavier dito kasama ang mga trabahador.Sina Papa ay may pinuntahan dalawa sila ni Lolo Marty at si Mamita at Jana ay may pinuntahan ring mahalagang okasyon.At hindi ko alam kung saan sila nagpupupunta.

Bumaba ako mula sa hagdan habang nilalaro ang hawak kong earphones.Nagulat ako nang makarating ako sa sala ay nandoon si nanay Minda.Agad akong lumapit sa kaniya,this past few days siya ang lagi kong kasama dahil lagi akong bumibisita sa rancho kasama si Xavier kung minsan at ako lang kung ayaw niyang sumama.

"Nay magandang umaga po."Sabi ko at nagmano.Ngumiti lang si Nanay Minda kaya umupo ako sa tabi niya.

"Asan po si Tatay Gardo?"Tanong ko.

"Nasa labas sila ni Xavier may pinaguusapan yata."Tumango ako.

"Ah nga pala anak mayibibigay ako sayo."Sabi ni nanay Minda at may kinuha sa kaniyang likuran,nakabasket na mga bulaklak.

"Wow ang cute,"sabi ko at inabot ang mga iyon.

"Saan po galing ito?"Tanong ko habang inaayos iyon sa kamay ko.Pulang rosas ang mga ito na parang hindi iningatang tanggalin dahil ang iba ay parang pinigtas lang,pero kahit papaano nagagandahan ako.Hindi pa kasi ako nakakatanggap ng pulang rosas .

"Naku anak ayaw niyang ipasabi e,"sabi ni nanay minda.Ngumiti na lang ako,kahit sino man siya salamat na lang dahil kahit papaano nakatanggap ako ng ganito.

"Ah nay pakisabi na lang po sa kaniya salamat."Tumango si nanay minda ng nakangiti."Ah sandali lang po ilagay ko lang po to sa vase."

"Sige hija."Tumayo ako at kinuha ang vase sa cabinet.Pumanda ako sa kitchen sink at inilatag ang vase doon.Kumuha ako ng gunting at ginupitan ang tangkay ng mga rosas.Hinugasan ko ang vase at nilagyan ko ng  malinis na tubig at saka inilagay ang roses.

Inilapag ko ito sa tabi ng mga maliliit na frames.Bumalik ako sa sala at nadatnan ko si Xavier na kausap si Nanay Minda at tatay Gardo na mukhang aalis na.Tumakbo ako papalapit at mukhang napansin naman nila ako.

"Aalis na po kayo?"Tanong ko.Napatingin sa akin si Xavier at kinausap si Tatay Gardo,lumapit naman sakin si Nanay Minda at hinigit ako palayo sa dalawa.

"Nay Minda ano po yong pinaguusapan niyo kanina?"Ngumiti si Nanay Minda at hinawakan ang kamay ko.

"Uuwi na kasi kami hija,nakauwi na kasi yung anak namin katatawag nga lang.Hala sige uuwi na kami,bisita na lang kayo mamaya dahil may handaang nakahandang pagsasaluhan mamaya."Tumango ako at ngumiti.May anak pala sila Nanay Minda at Tatay Gardo?

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon