Kabanata 29

50.6K 765 9
                                    

 You deserve it

"Hey we're here." Napatingin ako sa labas. Naririnig ko pa ang tugtugan mula dito sa sasakyan.Napapitlag ako nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan,nasa labas na pala siya?

Kinuha ko ang DSLR niyang kanina ko pa hawak.Tinuruan na niya ako kung paano ko ito kakalbitin kaya pagkalabas pa lang ay kumuha na ako ng picture.

"Naku Xavier Essiralc nandiyan na pala kayo!" Agad kaming dinaluhan ni Nanay Minda at iginawi sa loob ng bahay nila.Napaikot ang tingin ko sa loob ng bahay.Gawa ang bahay sa semento at sa tingin ko kasya ang apat na tao ang bahay na ito at may ikalawang palapag pa.

Ang sahig ay kulay brown na gawa sa tiles.At may mga malalaking furnitures rin akong nakikita at nakuha ng atensyon ko ang isang shelf na maraming naka-display na pictures.Nagpaalam ako kay Xavier at lumapit doon.

Napangiti ako nang makita ko ang larawan ni Tatay Gardo at Nanay Minda ng binata at dalaga pa sila.At ang sumunod dito ay ang larawan nilang mag-asawa kasama ang isang bata.Maganda ito at maputing bata na sa tingin ko ay ang anak nila Tatay Gardo at Nanay Minda dahil sa pagkakahawig ng mukha nila.

Sumunod ay ang babaeng nakakabayo kasama ang dalawang lalaki .

"O anak bakit nandito ka pa?Don tayo o,may nakahaing pagkain doon."Tawag sa akin ni Nanay Minda.Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Nay kayo po ito.Hindi ba?"

"Ah iyan ba?Oo,iyan yong anak namin o."Paliwanag niya.

"E nay sino tong mga batang to?"Tanong ko.

"A iyan?Yang nakakabayo yan yung nandito ngayon,yung anak kong babae tapos yang lalaking nasa baba si Xavier yan nong bata pa at yang isa namang naka-angkas din sa kabayo ay si Zeke.Alam mo ba na iyan ang mga partners in crime noong bata." Nakangiting sabi ni Nanay pero parang may naramdaman akong inggit sa loob loob ko.Ngumiti ako ngunit pilit at ewan ko kung napansin ni Nanay Minda.

"Naku anak huwag kang magalala si Zeke naman ang close ng anak ko hindi si Xavier kasi nga sa araw ng litrato na yan ay bago siya umalis papuntang ibang bansa.Kaya iyang dalawa ang naging close."Pahayag nito."At isa pa mas boto ako sayo para kay Xavier.Alam mo ba noon gustong gusto ko si Young Master Zeke sa anak ko ngunit nang napunta silang Manila at nabalitahan naming nag-artista ito ay nawalan na ng communication ang dalawa kaya ngayon pagkikitahin muli sila ng tadhana."

Parang hinati sa dalawa ang utak ko dahil sa nararamdaman ko.Iniba ko na lang ang usapan.

"Ah Nay kailan niyo pala ako itu-tour sa kagubatan gamit yung kabayo?"

"Ah yon ba hija naku sa lunes,"sabi nito habang naglalakad kami papuntang kusina.

"Bakit sa Lunes pa po nay?"

"Sasama daw si Xavier e.May pupuntahan kasi siya sa bukas.May aasikasuhin yatang business."Tumango tango ako.

Pagkabungad ko sa kusina ay may mga pagkaing nakalatag doon na mukhang inilalabas ng mga taong naglalabas pasok sa kusina.

"Nasaan po yung mga tao?"Takang tanong ko.

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon