Kabanata 9

67.9K 997 11
                                    

 Jealous

Nagising ako sa kwarto ko.Tinitigan ko ang ceiling ng matagal at iniisip kung totoo ba ang nangyari kagabi?O hallucinations ko lang ang lahat.Napatingin ako sa orasan.Shit!Ngayon pala ako lilipat sa Condo.Taranta akong pumasok sa banyo.Kasi naman nakakahiya kay Aling Rosalinda,siguradong nandito na iyon ngayon.

Bumaba ako sa hagdan na hindi pa nakakapagsuklay.Nalaglag ang panga ko nang nakita ko si Ezekiel na kausap ang isang babae.Hindi ito matanda.Dalaga ito ngunit mukhang nasa early thirties?Nakakunot noo akong lumapit.Nakasuot ako ng dress at flats.Tinignan ko ang babaeng ngingiti ngiti kay Ezekiel habang kausap ito.

"Ehem."Pang-aagaw ko ng pansin.Lumingon naman sa akin si Ezekiel pati rin ang babae.Nawala ang galak sa mukha ng babae at si Ezekiel naman ay ngumisi sa akin.So totoo ang nangyari kagabi hindi iyon hallucinations?

"Sino siya?"Taka kong tanong.

"Ah ang bagong maid.She's Myra,right?"Liningon niya ang babae,agad naman itong tumango at ngumiti.Aba ang amo ng mukha kay Ezekiel sa akin naman halos patayin ako sa talim ng tingin.

"Bakit nasaan si Aling Rosalinda?"Kunot noo kong tanong at iniayos ang buhok kong tumatabon sa mukha ko.Nakita ko ang mga hawak ng babae na bagahe.So handa na pala ito sa pagta-trabaho.Tss.

"Ah nagka-trangkaso po kaya hindi natuloy.Ako na lang po muna ang pansamantalang magta-trabaho dito.At saka sinabi na po sa akin ni Aling Guring ang mga batas sa pagiging katulong ko dito."Sabi nito na nakatingin sa asawa ko na nakatalikod sa kanya at nakatingin naman sa akin.

"Ganon?"Walang kagana gana kong sabi.Itinuro ko sa kanya ang kanyang gagawin at ang kanyang tutulugan.Malapit sa kusina ang maid's quarter at doon siya matutulog.Ipinaayos ko na lang sa kanya iyon at padarag akong pumasok sa kwarto ko.Tss.

Aalis pa ba ako?Baka landiin niya si Ezekiel.Mukhang maganda pa man din siya.Maputi at makinis na balat na laking probinsya.At ang natural na kulot nitong buhok.Nalaman ko din sa kanyang thirty three na ito mas matanda sa akin ng higit sampung taon.Sampung taon naman ang tanda niya kay Ezekiel.Tss pedophile siya kung papatulan niya ang asawa ko.

Hindi ko namamalayang ang sama na pala ng tingin ko sa salamin nang biglang makarinig ako ng katok.Hindi ko pa binubuksan ay kusa na itong bumukas at ilinuwa nito si Ezekiel na naka-topless,mukhang kakaligo lamang nito.Napaiwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa pag-aayos ng sarili.

Nakita kong nakahalukipkip siya sa likod ko,kitang kita ko ang repleksiyon niya sa salamin ko.Napasinghap ako nang iniiwas ko ang tingin ko sa abs niya.Shit itong unggoy na ito,hindi ba siya mananamit?Narinig ko ang mapanlokong halakhak nito.

Naramdaman kong lumapit siya sa likod ko.Initungkod nya ang dalawang kamay niya sa magkabilang kamay ng upuan ko.Nakahilig na siya ngayon sa akin.Nakita kong nag-flex ang muscles niya.Putspang six pack abs na yan.Dati apat lang iyan paanong naging anim.

Ang biceps niyang kitang kita ko sa gilid ng aking mata.Humalakhak ito.Ramdam koang titig nito sa akin mula sa repleksiyon ko sa salamin.Kanina pa ako nakayuko upang iwasan ang mga titig niya.Napahawak ako sa laylayan ng dress ko at napakagat labi.

"Wa-wala ka bang pupuntahan?"Hirap kong tanong,kasi nga nakahilig siya sa likod ko at ramdam ko ang bigat niya.Naaamoy ko din ang bango nito na nakakaadik.May tao ba talagang katulad niya.

"Look at me."Utos nito na hindi sinasagot ang tanong ko.Nangiinis ba ito?Ayoko nga.Alam na nga niyang naiilang ako tapos uutusan niya akong tignan siya pabalik.

Humalukipkip ako at mataray na tumingin sa kanya.Hay nako Essiralc akala ko ba hindi ka titingin?Itinaas ko ang kilay ko sa kanya at tinignan sya sa kanyang repleksiyon.Basa pa ang buhok nito at may mga tumutulo pang tubig patungo sa katawan nito.Napalunok ako at nakita ko siyang ngumisi.

Yabang!Porket may ganyang katawan.Akala mo kung sinong nagbabalandra.Mamaya makita siya ng bago naming katulong.Pinanatili ko ang mataray kong tingin.At mas lalong lumaki ang ngisi nito.

"Hindi ka ba aalis?"Sabi ko.Umiling ito at tumayo.Nakahinga ako ng maluwag pero ipinagdasal ko na lang sana na ganon na lang siya dahil ngayon kitang kita ko na talaga ang half naked niyang katawan.Pinasadahan nito ang kanyang buhok.

"Magsisimula ka na ngayon sa trabaho hindi ba?"Tanong nito.Naalala ko bigla ang sinabi niya kahapon na aalis siya ngayon papuntang Paris.

"Oo.Uh diba ngayon ang alis nyo papuntang Paris?"Sabi ko habang tinitignan ko siya sa salamin.Hinahawakan nito ang kanyang labi,malalim ang tingin nito sa akin.Nanindig ang mga balahibo ko sa tingin nito kaya napahaplos ako sa magkabilang kamay ko.

"Hmm.Yes but Im planning to go tomorrow morning."

"Bakit?"Tanong ko na nanatili pa rin sa posisyon ko.

"Because I want to watch my wife,working all day."Sabi nito parang napuno ng alitaptap ang tyan ko at nagsiliparan sila.

"Uh."Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hindi naman na kailangan."Sabi ko na lang.

"Tss.I'll do it wether you like or not,Essiralc Noreen."At mas lalo pang dumami pa ang alitaptap sa aking tiyan.Nakikiliti ako sa kilig shit.

"Fix yourself ako na ang maghahatid sa iyo."

"Pero Ezekiel maraming makakakita."

"Tss.I dont care.Palitan mo nga pala yang damit mo.I dont want you to wear those kindof dress."Napatuingin ako sa suot ko at napakunot noo.Tss.

What's wrong with my dress?Ang ganda nga e.At saka magta-trabaho naman ako gamit ang uniform ko hindi naman ako magdi-dress ng matagal.Pero wala na akong magawa nang umalis na ito sa aking kwarto.

Hinalughog ko ang mga pantalon ko na medyo di ko isinusuot.Kulay grey na pantalon ang isinuot ko at pinaresan ko ng tee-shirt na may print na Paris sa likod.Kulay black ito.Isinuot ko pa rin ang flats ko na kulay black.

Lumabas ako sa kwarto at bumaba ng hagdan.Nadatnan ko si Ezekiel na kausap na naman ang bago naming maid.Todo ngiti na naman ang babae kaya isinadya kong magkatunog ang bawat yabag ko pababa.Naagaw naman agad ang atensyon nila sa akin.

"Tayo na."Inis kong sabi at naunang lumabas.Sumunod naman ito agad.

Pumasok ako sa loob ng kotse at inayos ang seatbelt.Hindi ito ang unang beses kong sumakay sa sasakyan niya pero ngayon na naman ulit ako nakasakay.Pumasok na din ito  sa driver's seat.

Nakasuot sya ng pantalon at simpleng V-neck shirt na kulay itim.Parehas kami ng kulay.Pero bakit kahit napakasimple ng kanyang suot ay napaka-gwapo pa rin niya at napaka-appealing not like the other guys.Sobrang porma ang pangit naman.Oh stop comparing your hot husband Essiralc sabi ng utak ko.

Napangisi ako sa iniisip ko.Kahit sa utak pinupuri ko pa rin siya.Pero naaalala ko kanina ang pakikipaglandian niya sa babae kanina kaya napabusangot ulit ako.Tinignan niya ako at nakita ko ang pagngisi nito,tss.Mas lalo akong ngumuso.

"Jealous huh?"Sabi nito bago pinaandar ang kotse.Napairap na lang ako sa hangin dahil totoo naman.Im jealous.

------------------------------------

ARAHRINE_11

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon