Kabanata 38

55.8K 751 3
                                    

 Scant

Nakahiga ako sa kama at nagmumuni muni habang hinihintay ang reply ni Kaye kaso isang oras na wala pang reply.Shit naman Kaye! Alam na nga niya na ayaw 'ko nang makita ang lalaking 'yon e!

"Essi?" Katok ni Zeke sa pinto.Tumayo ako at marahang ibinukas ang pinto.Isinilid 'ko lang ang aking ulo at tiningala siya.Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay na animo'y nagtatanong kung bakit hindi ako lumabas.

"Bakit?" Tanong 'ko.

"Can't you let me in?" Takang tanong niya at aaktong ibubukas ang pinto pero pinigilan 'ko.

"Bawal,dyan ka lang." Babala 'ko.Tumayo lang naman siya at napahalukipkip ulit.

"So we'll talk like this?"Tanong niya at tumango ako. "This is insane." Bulong niya at iiling iling.Ngumisi na lamang siya sabay pinasadahan ang magulo niyang buhok na medyo basa pa.

"Nandyan pa rin ba si Chloe?" Tanong 'ko.Umiling siya."E bakit nandito ka?" Tanong 'ko.

"Bawal ba? Of course I'm your husband,wife." Walang kaekspre-ekspresyon niyang sabi.Ngumuso ako para mapigilan ang ngiti 'ko.

"So ano nga?" Sabi 'ko.

"Anong ano?" Balik tanong niya.

"Sasabihin mo."Simpleng sabi 'ko.

"Uhm Drew called me." Napatigil siya at napatingin sa kaniyang wrist watch. "Actually he's been calling me lately."

"And?" Singit 'ko.

"And he's telling me that I need to fix my career.Hindi kasi natuloy ang paglabas 'ko sa The Bachelor,so ipinalit sa akin ang isa pang actor.And now he's been asking me if I'll be dealing with a new project 'cause they were offering me a movie." Kunot noong pahayag niya.

"So tatanggapin mo ang offer?" Tanong 'ko.

"Well it is my last deal for the end of my contract.Total magiging maayos na ako next month." Biglang nanlumo ang pakiramdam 'ko.Heto na naman umeepal si career.

Tumango ako at lumabas mula sa kwarto.Napakamot ako sa batok at ngumiti ng pilit."So you'll be leaving?" Tanong 'ko at alanganin pa siyang tumango.Hinapit niya ako papalapit sa kaniya at hinalikan ako sa noo.

"Then I'll be back,promise."Dugtong niya.

"Sus,huwag kang mag-promise sa akin Mr. Ladesma.Gawin mo." Bulong ko sa huli.Hinawi niya ang buhok ko.

"Bawal ka pa bang pumunta sa Manila?" Tanong niya,tumango ako dahil hangga't walang signal si Drew,hindi pa pwede.

"Aalis ka na ba ngayon?" Tanong 'ko.Tumango siya,bumitaw ako sa yakap niya at dumistansya.Ngumisi siya .

"What?" Inis kong untag.

"Nothing.Alis na ako." Paalam niya at tinalikuran ako.Kinuha 'ko ang osang pares ng tsinelas 'ko at ibinato sa likod niya.Lumingon siya sa akin at pinulot ang ibinato 'ko.

"What a badass woman.Come here, I'll teach you to behave." Tawag niya. Humalukipkip ako at inis na lumapit sa kaniya.

"Why did you throw this thing to me,huh?" Sabi niya habang hawak ang isa kong kamay.

"E di ibato mo rin sa akin para fair." Inis kong sabi.Bwisit na lalaking 'to,salita lang talaga tapos tatalikuran na ako.Tss! Sarap batuhin kaya hindi 'ko na napigilan.

"You know I can't do that." Ngisi niya at yumuko."Malalamigan ang paa mo.So you should always wear shoes or slippers." Bilin niya habang sinusuot ang tsinelas 'ko.

"Nga pala Mama knows already about us." Kumunot ang noo 'ko.

"Paano?" Taka kong tanong,tumayo siya at napatingin ulit sa wrist watch niya. "I already told her,after you graduated." Sabi niya.Natulala ako,kaya naman pala parang kilalang kilala niya ako.

"Teka pinaguusapan ninyo ba ako madalas?" Tanong 'ko.

"Hindi naman,bakit?" Tanong niya,umiling ako.

"Sige aalis na talaga ako." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tatalikod na sana siya nang pinigilan 'ko.

"Mmm?" Inosenteng tanong niya."Ingat ka.At ikaw na lalaki subukan mong lumandi,ipababaog kita." Banta 'ko.Humalakhak lang siya. "Sige na alis ka na." Sabi 'ko.Pero hinalikan ulit niya ako sa noo bago tuluyang umalis.

Napanguso ako nang marinig ang pag-andar at pag-alis ng sasakyan niya.Napabuntong hininga ako.Hindi niya ako hinalikan sa lips.Napailing ako sa sarili 'ko,ano ba tong iniisip 'ko.Tss.

Pumasok ako sa kwarto 'ko at humilata sa kama,hihintayin ko pa sina Kaye.

"Essi!" Rinig ko ang tili ni Kaye sa pagbaba 'ko pa lamang ng hagdan."Wow pinsan lalo kang gumanda a kahit medyo umitim ka." Tinampal 'ko siya sa mukha at nagtawanan kami.Nanlaki ang mata 'ko nang nakita 'ko ang mga pinsan 'ko  na nakahiga sa sofa,bagsak at tulog.

"Anong nangyari sa kanila?" Taka kong tanong.Bumungisngis naman ito at pinalo ako ng marahan.

"Hehe dating gawi namin."Sabi niya,pinanlakihan ko siya ng mata.

"Aba e sinong nag-drive kung ganoon?" Dahil alam kong hindi marunong mag-drive itong si Kaye,malamang may nag-drive para sa mga gate crusher kong mga pinsan.Well gawain  'ko din naman iyan dati kaso tumino na ako.

High alcohol tolerance tong mga to pero siguro sa dami ng pinuntahang party e,sabog.Pinabuhat 'ko sila sa mga trabahador papunta sa isang guest room para sa pansamantala nilang pag-stay.Umupo kami ni Kaye sa may sofa at humimingi ako ng miryenda sa katulong.

"Grane ang ganda naman dito,alam mo bang ilang beses kaming nawala,buti na lang magaling si Scant." Nalaglag 'ko ang hawak kong tinidor.

"Kasam ninyo si Scant?" Nanlalaki kong matang tanong.

"Well oo pero ano bang ikinagugulantang mo ha?" Tanong niya at uminom.

"Grabe naman Kaye,bakit ngayon pa?" 

"Anong ngayon pa Essi?Kasal na kayo ni Papa Ezekiel Chanter Ladesma at si Scanter na ex,first boyfriend,crush and kiss mo ay sa past na lamang yun."

"E alam mo namang labis yun akong kinukulit e!"Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Naku Essi yang butas na ilong mo kakasiya na yata tong mukha ko sa laki.Huwag mo kong sisinghalan.Si Scanter ay may liniligawan na kaya dont assume.Kasama pa nga namin si Popoy ngayon e.Yung pangit mong admirer noon."

Napatampal ako sa mukha,kung binagsakan ka nga naman ng kamalasan oo!

"So hindi mo talaga ako inisip.Naku buti na lang umalis si Zeke kung hindi malaking gulo."Sabi ko,agad namang nagliwanag ang mukha niya.

"Asan si Papa Zeke?Asan?" Hanap niya.Uminom ako ng tubig."Kaye tigil,sabing kakaalis lang e.Anyway asaan si Scant at Popoy bakit wala sila dito?"

Nagkibit balikat siya. "Ayaw kasi nilang pumasok kanina so hinayaan ko sa labas."Tumango ako.

"Kung ganon,alis na kayo hangga't hindi pa bumabalik si Zeke."Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Naku naman Essi,pagod kami,lasing yung apat tapos palalayasin agad agad?" Umiling ako.

"Hindi yung dalawa lang,para mo nang awa." Bumuntong hininga siya. "E bakit hindi na lang ikaw,nandiyan na sila o."

"Noreen?"

"Scant." Bigkas 'ko.Nakita ko ang lalaking naka-v neck shirt ng kulay puti at naka jeans ng kulay asul.Wala pa ring pinagbago ang features niya at mas lalo pa itong tumangkad.Lumapit siya sa akin at nakita ko ang malapitan niyang asul na mata,ang lalaking hindi ko inaakala na naging kami noon.

----------------------------------------------

arahrine_11 

That Guy is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon