Chapter 1 ♡

31 1 0
                                    

Chapter 1
Seatmates

 

*kriiing*  *kriiing*

First day bilang college wooh! Excited na ako kaya inagahan ko ang pag-aalarm lalo na't ayaw kong malate. Dali-dali akong napasugod sa cr at naligo, after nun ay nagbihis na ako at bumaba para kumain. Jusko po! Amoy na amoy ko na yung luto ng nanay ko!

Ang bango... Ang sarap...

"Good morning, nak." Bati nito sa akin at inihain ang kanyang specialty na fried rice sa hapag-kainan.

"Good morning po, Mommy. Si Kuya po?"

Nasaan nanaman kaya ang napakagaling kong Kuya at absent nanaman sa breakfast?

"Naliligo pa lang. Dalian mo nang kumain dyan at ihahatid ka daw ng Kuya mo."

Aww... Ang sweet naman ni bading or baka naman kasi isasabay niya sa amin yung bestfriend kong girlfriend niya?

Tsss malandi ka, Kuya. Pedophile.

After kong kumain ay nakita kong bumaba ang Kuya ko at kumuha ng tinapay sabay tuhog ng hotdog gamit yung tinidor ko at pinagsabay niya itong lamunin. Ako naman ay napanganga na lang sa kababuyan ng ungas kong kapatid. Inunom din niya yung tira kong gatas.

Abay hayop to ahh.

"Grabe Nykholas ahh!" Sambit ko. Hindi kasi ako nagkukuya dito kapag naiinis ako sa kanya.

Nakita ko namang bigla siyang napatingin sa akin ng masama. "Anong sabi mo Nymphea?"

"Hehe jowk lang, Kuya. Kung kumain ka kasi ehh. Ang takaw mo naman." Sabi ko sabay irap.

"Sus. Mas matakaw ka naman sa akin. Dalian mo na dyan, panget."

Maka-panget akala mo gwapo amp.

Pagkatapos nun ay hinatid na kami ng Kuya ko sa university. Oo, KAMI dahil sinabay niya talaga yung besprend ko.

Mga taksil. Walang poreber. Kapatid ko at bestfriend ko? Edi kayo na!

"Don't tell me sasabay ka din sa akin pag-uwi, Fenytte?" Tanong ko sa kanya.

"Uyy hindi naman, gurl. Hehe Siya naman ang nagsabi na isasabay niya daw ako ngayon ehh." Sabi nito with matching pacute pa sa mata at napakalawak na ngiti.

Tanggalin ko kaya isa-isa yung pilikmata nito? Landi sa Kuya ko ehh.

Napa-irap na lang ako sa kawalan. "Tsss. Si Luella wala pa din?"

Tatlo kasi kaming magbebesprends since elementary. Oh diba? Ang strong namin. May forever din sa friendship 'no, kahit college na same school pa din.

"Ayun ohh!" Sigaw niya sabay turo dun sa chinita, maputi at matangkad na babaeng papalapit sa amin.

"Mga bruha! Namiss ko kayo!" At agad niya kaming niyakap.

"Sira. Kahapon pumunta tayo sa Mall, namiss kagad?" Sabi ko at bahagyang natawa kami.

"Osha, pumasok na tayo sa loob dahil lalong dadami ang tao mamaya. Nakaka-suffocate."

Tama nga si Fenytte. Sobrang dami na nga ng mga estudyante sa Santa Clara University, paano pa kaya mamaya? Sikat din itong school na to sa lugar namin kaya madaming estudyante ang nagbabakasakaling maka-pasok dito. Pero hindi basta-basta ang mga nakakapag-enroll dito dahil kung hindi utak ang gagamitin mo para makapasa sa entrance exam, limpak na pera naman ang mailalabas mo. Buti na lang at mga scholar kami ni Fenytte, si Luella kasi mayaman. Shempre, half-korean yan tapos yung ama naman, wamport canadian at wamport pinoy.

Daming lahi ni bruha.

Habang nakikipagsiksikan kaming tatlo sa animo'y mala-sardinas ang peg ng daanan sa quadrangle, may naka-bunggo sa aking lalaki na naging dahilan ng muntik ko ng mahalikan ang sahig.

"Puta." Yan na lang ang nasabi ko sa inis. Buti at nahawakan niya ang beywang ko at tinulungan naman ako kaagad nila Luella para makatayo ng maayos.

Agad naman akong napaharap sa kanya at...

Anak ng tokwa! Saan nanggaling itong napakagwapong nilalang na ito aber?!

Pero hindi, binunggo niya ako kaya badtrip ako sa kanya. Grrr

"I'm sorry, Miss." Bulong niya.

Ayy? Sorry daw? Hehe okay na pala. Hindi na ako galit.

HOY NYMPHEA KENNEDY IRVINE, ANG LANDI MO!!!

"Aba'y badtrip yun ahh." Sabi ni Fenytte.

"Buti nga at dahil sa kanya, hindi na-first kiss ni Nymph ang sahig. Plus, nagsorry naman siya kaya good." Pagdedepensa ni Luella.

Hinanap ko kung saan dumaan yung guy kaso ang layo na ata ng narating kasi di ko na siya nakita. Well, hayaan na lang pero in fairness, ang pogi talaga niya!

*riiing*  *riiing*

"Nagbell na shems! Tara na at baka malate tayo."

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom at ang swerte namin kasi hindi na siksikan sa loob pero hindi ko ineexpect ang susunod na nangyari. No choice na ako dahil wala ng ibang vacant seats. Andito tuloy ako medyo irita pero kinilig dahil katabi ko...

Si Kuyang pogi na nakabangga sa akin. Is this a miracle or si tadhana itinakda kaming dalawang magkatabi?

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon