Chapter 12
Problem
"Hoy! Gising! Hindi porket nasa baba prince charming mo, mag-aala Sleeping Beauty ka na dyan!"
Nakaramdam ako ng pagyugyog ng paa ko kaya't napabalikwas ako ng upo sa kama, idagdag mo pa ang sinabi ng Kuya ko tungkol sa prince charming na di ko naman kilala kung sino.
"SINO?! SABADO NGAYON AHH! WALANG PASOK!" Sigaw ko sabay nagmadaling pumunta sa cr para maligo.
"Sino pa ba? Tsaka bawal ba bumisita ng walang pasok? Hay nako, Nymph." At narinig kong nagsara yung pinto hudyat ng paglabas niya sa kwarto ko.
Pero teka nga lang, sino namang wala sa katinuan ang pupunta sa bahay ng sabado at lalaki pa? Hindi naman pwedeng sila Luella at Fenytte dahil babae naman sila. Hindi kaya?
"SI RALPH?!" Sigaw ko sa cr habang nag-iisip ako kung sino ang pwedeng bumisita na lalaki.
Nagmadali akong naligo, nag-ayos ng mukha para hindi mukhang bagong gising at nagsuot ng plain white v-neck na shirt tsaka maong shorts tutal nasa bahay lang naman ako. Pagkababa ko, nakita ko si Ralph na malamang ini-interview ni Mommy at Kuya sa sala ngayon. May nakalatag pang dalawang paper bags sa table at kumakain sila ng pancake. Napalingon sila sa akin at nagkasalubong ang mata namin ni Ralph sabay ngiti niya samantalang itong mga mata ko, mas piniling umiwas.
"Kennedy! Gising ka na pala. Halika dito, hindi mo naman sinabi sa akin anak na may manliligaw ka na pala." Sabi ni Mommy sabay tayo.
"Mommy, magkaibigan lang po kami." Inis na sabi ko sa kanya dahil alam kong nang-aasar ito.
Pinaupo niya ako sa dati niyang pwesto kanina kaya magkatabi na kami ni Ralph ngayon sa sofa. "Hmm…?" Tanging sinagot niya sa akin habang naka-ngiti bago dumiretso sa kusina.
"Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko kay Ralph. "Sabado ngayon ahh. Wala naman tayong reporting sa Lunes or project man lang."
Tumawa pa siya ng bahagya. "I don't even know why I'm here."
WHAT?! Ang lakas naman ng topak nito.
Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin, sumeryoso naman yung mukha niya. "If you don't want then I'll just go home."
"Uyy, teka lang naman. Nagtatanong lang naman ako ehh. Ito talaga kaaga-aga nagsusungit ka. Hays." Sabi ko sa kanya at napabuntong-hininga.
"Para kasing hindi mo nagustuhan ang pagpunta ko." Aniya sabay simangot.
"HAHAHAHA loko. Natuwa nga ako nung bumisita ka ehh, nakakapagtaka lang kasi…"
"Kasi walang dahilan ang pagbisita ko?" Dugtong niya at napatango ako. "Hindi ba pwedeng gusto kong malaman kung saan ka nakatira or gusto kitang makita?"
Naramdaman kong uminit yung pisngi ko sa sinabi niya kaya natawa na lang ako ng bahagya. "U-uhm… Nagdala ka pa ng pagkain ahh." Pag-iiba ko ng topic at napatingin sa mga paper bags.
"Yup. Yung isa para sa inyo tapos yung isa, sayo lang."
"Kaya naman pala hindi mo pinabukas yung isang paper bag." Biglang singit ni Kuya sa amin na ngayon ko lang napansin, kanina pa siya naka-upo sa kabilang sofa at hawak-hawak yung phone.
"Oo ehh."
Nanliit yung mga mata ni Kuya kay Ralph. "Akala ko may dala kang baril ehh."
![](https://img.wattpad.com/cover/132426136-288-k399352.jpg)
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Fiksi RemajaAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...