Chapter 15
He Knew
Nymphea Kennedy's POVNaglakad-lakad ako sa quadrangle. Maaga naman ako hinatid ng kapatid ko sa school kaya hindi ako nalate plus may oras pa ako para maglibot-libot dahil ang lungkot lang talaga ng pakiramdam ko ngayon. Hindi pa din ako nakakamove on sa nangyari lalo na't Daddy's Girl din ako. Alagang-alaga ako ng Daddy namin kaya ibinilin niya ako kay Kuya at heto na ngayon, parang ama ko na din yung kapatid ko, minsan nga mas strikto pa kay Daddy ehh. Naalala ko tuloy dati nung Grade 7 pa lang ako at niyaya ako ng mga bago kong kaibigan sa school namin ng night swimming. Naghisterikal yung Kuya ko.
"Mommy, niyaya nga po pala ako nila Cristina at Emma na magninight swimming daw po kami malapit lang sa kanila. Pwede po ba?" Tanong ko at pinapak yung hotdog.
"Uhm, night swimming? Ask your Dad." Tanging sagot ni Mommy sa akin at napatingin kay Daddy.
"Nymph, I think it's not safe especially when you're both youngsters yet, plus it's night time, baka may mangyaring masama sa inyo." Sabi ni Daddy sa akin.
"NAKO, HINDI PWEDE!" Nagulat kaming lahat at napa-tingin kay Kuya na sumigaw at ibinaba yung kutsara't tinidor sa plato niya. "HINDI AKO PAPAYAG. DELIKADO. BAKA MALUNOD KA, PWEDE KANG MAMATAY KUNG GANON. PAANO NA KINABUKASAN MO? PAANO NA MGA PLANO KO SAYO? PAANO NA ANG PAMILYANG ITO? NAKO NYMPHEA AHH. WAG MATIGAS ANG ULO. MAKINIG KA KILA MOM AT DAD, PARA DIN NAMAN ITO SA KAPAKANAN MO."
"Geez, Kent. Lower your voice." Saway ni Mommy sa kanya. "Parang ikaw ang magulang ahh, tinalo mo pa kami." Natawa pa sila ni Daddy sa ka-OA-an ng Kuya ko.
"Jusko naman Kuya, hindi naman ako nagpupumilit na sumama. Nagpaalam lang ako baka sakaling payagan. Stop being like that, nakakaloka ka." Sabi ko sa kanya.
"Ahh basta, gusto ko lang maging safe ang kapatid ko. Baka mamaya kung ano nang mangyari doon, pero kung gusto mo talaga…" Sabi niya habang kumakain pero huminto kaagad at tumingin sa akin. "Sasama ako."
"WHAT?!"
Sabihin na nating hindi pa din ako sumama kahit nagvolunteer si Kuya na samahan ako. Hindi ko din naman ma-eenjoy yun kasi wala yung mga bestfriends ko dun, ibang section kasi sila.
Naglakad-lakad lang ako sa quadrangle ng may nakabunggo nanaman ako, hindi naman malakas kaya walang nahulog sa sahig.
"Nymph! Sorry!" Sabi niya sa akin at sinagot ko na lang ng ngiti at lumayo na kaagad doon.
Hindi ko namalayan na sumunod pala ito sa akin. "Hey, why are you occupied? Is there something bothering you?" Tanong niya habang sinusuri yung mukha ko kung may problema ba. "Are you alright? What happened?"
"Uhm…nothing." Sagot ko sa kanya. Akmang papaalis nanaman sana ako ng hinawakan niya yung braso ko at kinuha yung mga books ko.
"Sabay na tayo papunta sa room." Nginitian pa ako pero hindi ko na lang pinansin.
"NYMPHEA!"
"BRUHA!"Sabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan at lumapit sila sa akin habang bitbit ni Luella yung maliit na paper bag. Hinila pa niya ako palayo kay Ralph at iniwan sila Fenytte doon na mukhang may importanteng sasabihin yata yung kaibigan ko.
"Anong-"
"This is for you. Of course, your favorite bavarian donut. Uyy, tatlo pa yan ahh. Ayy…tatlo ba yun o apat?" Biglang tanong ni Luella sa ere nung binigay niya sa akin yung paper bag. Agad ko namang binuksan ito para masagot yung tanong niya.
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Dla nastolatkówAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...