Chapter 8 ♡

2 1 0
                                        

Chapter 8
Different Feeling
   
  

Pag-gising ko ng umaga, parang ang gaan ng loob ko tapos hindi ko din maiwasan na makaramdam ng pagkagoodmood at hindi ko alam ang dahilan kung bakit pero mas maayos na yun kesa naman sa nakabusangot ako ng kaaga-aga.

Pagkatapos kong maligo at magbihis agad akong bumaba ng hagdan at nakita si Mommy na inihain sa lamesa ang pangbreakfast namin. Hapon pa kasi papasok si Mommy sa ospital na pinagtatrabahuan niya at hapon din pumupunta yung kasambahay naming si Manang Lynda. Ganito ang buhay namin simula nung namatay si Daddy, pasalamat na lang ako kay Lord dahil hindi kami naghirap tutal professional dermatologist naman si Mommy at keri ang sweldo.

"Oyy panget. Mukhang ang ganda ng gising mo ahh. Naka-ngiti ka pa dyan." Bungad ni Kuya nung tumabi ako sa kanya sa lamesa.

"Che! Goodmood ako ngayon, Kuya. Huwag mo akong badtripin." Sabi ko sabay kain ng pancake.

"Ahh! Alam ko na kung bakit ka goodmood!" Aniya habang nakaturo pa sa itaas yung isang kamay na akala mo may lightbulb na umilaw sa gilid niya.

"Bakit?"

"Kasi…friday ngayon at wala kayong pasok kinabukasan." Sabi niya habang natango-tango. "Tama-tama."

"Hay nako. Baliw ka talaga, Kuya."

Pagkatapos kaming ihatid ni Fenytte ng Kuya ko sa school nagpaalam ako sa kanya na sabihan na lang si Luella na mauna na sila sa kanilang classrooms dahil dadaanan ko pa yung locker ko kasi mag-iiwan ako ng gamit doon.

Habang papalapit ako sa mga lockers napansin kong nandito nanaman yung lalaking masungit habang busy sa pagkakalkal ng locker niya.

"Hi Mr. Sungit!" Bati ko sa kanya habang naka-ngiti ng malawak.

Napatigil naman ito sa ginagawa at tumingin sa direksyon ko. "Stop doing that. You're creeping me out." Sabi niya habang magkasalubong ang mga kilay.

"Sus. Pasalamat ka nga at binati pa kita hindi tulad ng mga yun ohh." Sabay turo ko dun sa dalawang umaaligid sa kanya na nakasilip lang kanina pero ngayon ay kumaripas ng takbo nung napatingin din doon si Ralph.

Kainis. Harot ehh.

Nung bumalik ang tingin ko kay Ralph, ako naman ngayon ang nagkasalubong ang mga kilay dahil napansin kong naka-ngiti siya sa akin.

"B-bakit ka n-naka-ngiti?" Kabado kong tanong.

"Nagseselos ka?"

WAW ANG HANGIN GRABE! TINANGAY YATA LAHAT NG NILABHAN KONG NAKASAMPAY KANINA! IBA TO!

"I'm starting to think that you have a crush on me." Dugtong pa niya sabay ngiti ulit.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. "Ang galing. Makapal din pala mukha mo ano? Fyi lang ho, kaya po ako nandito dahil may ilalagay ako sa locker ko at hindi para sundan ka tulad nila. Tss." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hindi ko naman tinatanong yung dahilan ng pagpunta mo dito ehh." Sagot niya at bahagyang natawa.

Naramdaman kong bumilis nanaman yung tibok ng puso ko kaya minadali kong nilagay ang kung ano mang ilalagay ko sa locker habang hindi siya pinapansin na alam kong naka-ngiting nakatingin lang sa akin at natatawa sa inasta ko. Agad kong sinarado yung locker at nagmadaling naglakad palayo doon.

"Sorry." Rinig ko pang sigaw niya pero hindi ko ito nilingon dahil patuloy pa din ang pakikipagkarera ng puso ko.

Ang kaaga-aga kong pagiging goodmood ay napalitan ng pagkabadmood at hindi ko alam kung bakit. Hindi din kami nagpapansinan sa klase dahil panay ang pag-eemote niya sa minamahal niyang bintana.

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon