Chapter 7 ♡

8 1 0
                                    

Chapter 7
Stolen Moments

 

Grabe. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Ralph sa akin kahapon, parang nakakapanibago. Pati sarili ko din hindi ko maintindihan. May kakaiba akong nararamdaman tuwing nandyan yung presensya niya. Hay nako, wag ko na nga lang isipin, lalo akong naguguluhan. Pero bakit kaya niya ako niyakap? Hindi ko siya maintindihan.

Baka epekto nung gamot niya?

"Hoy!"

"Anak ng tokwa! Kuya naman ehh!" Inis na sabi ko at kinuha yung gumulong na hotdog sa ilalim ng lamesa para itapon sa basurahan.

"Bakit ka ba tulala? Inlove ka na ano?" Sabi niya sabay ngiti.

"Ehh ikaw? Bakit mo ako kinakausap? Bati na tayo ano?" Tanong ko ng pabalik sabay ngiti ng malawak.

"Tss. Oo na."

"YEHEY!" At pinalipad ko yung boiled egg sa mukha niya sabay tawa ng malakas kasi pumasok sa loob ng damit niya.

"ANAK NG…KENNEDY!"

"Bakit po Kuya?" Tanong ko habang naka-ngiti. Napansin kong tumayo ito kaya agad din akong napatayo at kumaripas ng takbo dahil sinimulan niya akong habulin. "Habulin mo ako gurang HAHAHAHA!"

"Hay nako! Magsitigil nga kayong dalawang magkapatid at baka malate pa si Kennedy." Suway ni Mommy kaya tumigil ako sa may pintuan at nakita si Kuya na hinihingal.

"Gurang ka na talaga, Kuya." Asar ko sa kanya sabay tawa.

"Okay lang, may asim pa din naman." Sabi niya sabay kindat.

"YUCK!" Sabay naming sigaw ng Mommy bago kami tumawa ng malakas.

Hay, ang sarap talaga sa feeling ng ganito kami lagi, masaya. Ano pa kaya kung nandito si Daddy no? Mas masaya siguro kung buo pa kaming pamilya. If only I knew who killed you Daddy, humanda talaga sila sa akin, sa amin.

"Kuya, kinausap ka nanaman ni Fenytte kaya nagkabati tayo ngayon no?" Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami papuntang school.

Minsan kasi pinagsasabihan ni Fenytte si Kuya na magmatured naman daw kahit konti lalo na tuwing may tampuhan kaming magkapatid, ramdam din siguro niya na minsan ay nasasakal ako sa kapatid ko dahil ganun din ito sa kanya.

"Yup, kinausap niya ako." Sagot nito habang papaliko na siya sa gate ng school.

"Ohh? Kelan lang?"

"Yesterday when you're at Ralph's House." Totoo pala yung tumawag siya kay Fenytte. Akala ko palusot lang ng dalawa yun para maiwan kami ni Ralph sa kwarto ehh.

"Hindi ka galit na pumunta ako sa bahay niya?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Huminto na ito sa tapat ng gate at bago tanggalin yung seatbelt ko ay humarap ito sa akin. "Kaya nga ako tumawag kasi papagalitan sana kita lalo na't naka-off yung phone mo tsaka hindi ko alam kung nasaan ka pero kinausap naman niya ako na safe ka naman daw at magkasama kayo kaya panatag ako."

Bumaba na ako sa sasakyan at akmang isasarado na sana yung pintuan pero pinigilan niya ako. "Pero bunso, please, next time magsabi ka kay Kuya. Mahirap na, hindi ko kayang mawalan nanaman ng pamilya lalo na kung sa oras na mawawala sila ay wala ako kaya mag-iingat ka lagi ha. Hindi natin alam kung sino ang totoong tao at hindi."

Alam kong seryoso ang mga sinasabi niya pero hindi ko mapigilang patawanin na lang ito dahil pati ako ay kinabahan sa binilin niya sa akin.

Hinagisan ko ito ng candy na may nakalagay na "Be happy" sa likod kaya natawa na lang kaming dalawa. "Drama ni Kuya. Bakla ka."

Habang naglalakad ako sa may hallway para hanapin sila Fenytte at Luella may narinig akong tunog ng gitara, hinanap ko kung saan nanggaling yung tunog na yun at napatigil ako sa isang kwarto kung saan nasa loob ang isang lalaking nagpapatugtog ng gitara habang nakaupo sa gilid ng piano.

You tell me I'm a friend
But confused minds and blurred lines
Have brought it to an end
And all that is left now is where it's going end
And I don't know, no

Naaninag ko sa bintana ng pintuan kung sino yung kumanta at nagulat ako nung nalaman ko kung sino. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan para mas lalong marinig ang boses niya.

It used to be enough, to have you around me
Before we said too much
Now you can't be around me
Cause now you find it hard
Not to drop your guard
Oh, not to drop your guard

Grabe! Bukod sa ang galing niyang mag-gitara, ang ganda din ng boses niya. Yung parang medyo husky na malalim pero nakakahanga, nakakalunod.

I'm breaking in to steal it all
And I'll escape with every stolen moment
That I spent with you
Call me a thief, girl if you want
But piece by piece I'll take each stolen moment

Kakaiba…Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan? Anong nangyayari sa akin?

There's no way to defend
When you pull all the walls down, it's harder to pretend
But I don't want it all now
I need it even more
Every time you go
I, I hate to-

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nung bigla siyang tumigil sa pagkanta at napalingon sa direksyon ko kung saan narinig niya ang pagsara ko ng pinto.

ANG TANGA MO, NYMPH!

"What the hell are you doing here?" Tanong niya sabay lapag ng gitara sa malapit na table at pinagtagpo ang mga braso habang naka-kunot noong nakatingin sa akin.

"Uhm…itatanong ko lang sana kung ayos na ba ang pakiramdam mo bukod sa kahapon." Nahihiya kong tanong at hindi ko din alam kung bakit ako nahihiya.

"Hindi naman ako papasok kung hindi." Akmang papalabas na sana siya ng may katagang lumabas sa bunganga ko.

"Ang ganda ng boses mo."

HALA! ANO NA LANG KAYANG IISIPIN NITO SA AKIN?! BAKA ISIPIN NILALANDI KO SIYA!

Napansin kong namula yung mga pisngi niya at ngumiti ng bahagya sa akin bago ito tuluyan ng lumabas ng music room.

Bipolar talaga. Kanina masungit ngayon ngingitian ako akala mo naman maiinlove ako sa kanya. Psh. Asa.

Oops! Huwag magsasalita ng tapos.

Tss. Ang sungit-sungit kaya nun. Tinalo pa yung babaeng may dalaw ehh.

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon