Chapter 4 ♡

8 1 0
                                    

Chapter 4
Weird

  

"Pakiramdam ko gugunaw na yata ang mundo." Bungad ng kuya ko sa akin habang umiinom ako ng orange juice.

Napakunot ako ng noo sa sinasabi niya. "Baliw. Bakit mo naman nasabi yan, Kuya?"

Lumapit siya sa akin at agad na dinampi ang kanyang palad sa noo ko. Tinanggal niya kaagad ito at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Bakit ba? Wala akong sakit."

"Hay nako Kent, tigil-tigilan mo nga yang pangangasar mo sa kapatid mo." Suway ni Mommy sa kanya.

"Waw panget, anong meron?" Aniya at ginulo ang buhok ko. Argh! Inayos ko pa naman ito. "Hindi na naka-ponytail ang buhok mo, naglugay ka na ahh."

Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko na ikinatawa naman niya. "Oh eh ano namang masama dun? Nilalamig ako ehh." Sabi ko sabay lagay ng plato at baso ko sa lababo.

"Aga mo din nagising. Sa pagkakaalam ko nung first day ka lang maagang nagising." Umupo na din siya at dumampot ng tinapay.

"Malay mo naman kasi may gustong makita kaya maagang pupunta sa university." Pangangasar ni Mommy.

Pati ba naman kayo? Ugh!

"Tigilan niyo nga ako. Tsk! Masama bang maglugay at maagang magising?" Kinuha ko yung bag ko at akmang papalabas na ng bahay.

"Sandali lang, panget!" Sigaw ni Kuya at kinuha yung bag ko. "Ito naman ehh. Kaaga-aga ang sungit-sungit. Kiss Kuya goodbye na lang." Tinuro pa ang pisnge niya at bahagya kong sinuntok na ikinatawa naman nito.

Peste talaga 'tong ungas kong Kuya, ang lakas mangasar.

"Akin na nga bag ko!" Sigaw ko habang kinukuha sa kanya.

"No. Ihahatid kita sa school niyo." At nauna na siyang pumunta sa garage kung saan andoon ang kotse niya.

Kanina nangangasar ngayon bumait.

Habang nagdadrive si Kuya ay naisipan kong magtanong-tanong. Hindi naman awkward pero ang boring lang kasi yung radio yung tanging maingay dito sa loob ng kotse.

"Kuya panget" Oo, panget siya.

"Bakit bunso panget?"

"Bakit ang pangit mo?" Sabay tingin ko sa kanya na lumingon ng nakakunot ang noo pero hindi nagtagal ay ngimisi naman ito.

"Alam mo, madami na kasing babae ang naghahabol sa akin ngayon eh kaya naisipan ni Lord na huwag daw ako masyadong pagwapuhin kasi kung nangyari yun, edi mas madaming babae ang aaligid sa akin, kawawa naman si Fenyttea ko."

Katahimikan ang dumalaw sa loob ng kotse dahil hindi maproseso sa utak ko yung mga pinagsasabi nito.

"Ang hangin mo, Kuya. Leche." Sabi ko ng seryoso sa kanya at pinisil naman niya yung pisnge ko.

"ARAAAAAY! ANO BAAAAA?! SUMBONG KITA KAY MOMMY!" Sigaw ko dahil ang sakit talaga.

Tumawa ito ng malakas habang nagdadrive palapit sa harap ng university namin. "Instant blush on, Nymph."

"Che!" Ang tangi kong nasabi bago buksan ang pintuan ng kotse.

Agad ko naman nakita si Ralph na napatingin sa direksyon namin at nung nagkasalubong kami ng tingin ay agad na nagkasalubong ang kilay nito at umiwas ng tingin. Tumalikod ako para magpaalam na sa Kuya ko na parang naka-recover na sa kakatawa.

"Sino yun?" Bungad niyang tanong bago ako magpaalam.

"Huh? Sino doon?" Nagtataka kong tanong.

"Yung lalaking tumingin dito na mukhang masungit." Natawa naman ako ng bahagya sa kung sino man ang tinutukoy niya.

"Ahh. Si Ralph, my classmate and why?"

"Surname?" Luh. Imbestigador lang, Kuya?

"Anson po. Bakit ba? Anong meron?" Sa lahat ng mga naging kaklase ko sa kanya lang naging curious si Kuya at nakakapagtaka.

"I suggest that you should…stay away from him. Don't trust that guy. Follow orders from your older brother." Aniya na parang may mangyayaring masama kapag hindi ko siya sinunod.

"Huh? Baliw ka na, Kuya."

"Tss. Study well. No boys. Eat your lunch. Take care, little sis. Bye." At ngumiti pa ito bago isarado ang pinto ng sasakyan sabay alis.

Ang weirdo talaga niya ngayon.

Pumasok na sina Luella at Fenytte sa kanya-kanyang classrooms at ako naman ay sumaglit muna sa locker room para kunin yung iba kong books.

Hassle naman ang college life.

Nagmadali akong lumabas at nagulat pa ako sa taong nakasandal lang sa may pintuan na animo'y may hinihintay.

"AY KALABAW!"

"Oh sorry." At inabot niya sa akin yung dalawa kong libro na nahulog dahil sa gulat.

"Salamat. Ralph naman kasi, ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm…waiting for you?" Sagot niya sa tonong parang common sense naman daw kung bakit naghihintay siya dito sa labas.

"Bakit? Dumating na si Mam Ellen?" Sa pagkakaalam ko ay absent daw si Mam Ellen ngayon kaya wala kaming first subject, pero malay mo pumasok, late nga lang.

"Nope"

"Oh eh ano bang kailangan mo sa akin?" Medyo nakakairita na din ito no?

Napabuntong hininga pa siya at sumandal sa pader. "Sino yung lalaking naghatid sayo kaninang umaga?"

Ayy? So parehas sila ni Kuya na interesado sa isa't isa ganon? Ano? Nababaklaan na ba sila?

"Bakit mo tinatanong?" Sa ngayon ay napataas na yung isa kong kilay sa kanya.

"Nothing. Sino nga kasi?" Tumingin na siya sa akin pero nakasandal pa din ito sa pader.

"Kuya ko" Napamura pa ito ng mahina at biglang tumungo. "Selos ka?"

GAGA KA, NYMPH! ANONG SINABI MO?! BAKIT SIYA MAGSESELOS EH WALA NAMANG GUSTO SAYO YAN?! LUPA EAT ME NOW!

"Why would I?"

OH DIBA? BAKIT NGA BA KASE TINANONG MO YAN?! WOOH! KAHIGHBLOOD KA!

Narinig ko pa yung malalim niyang pagbuntong hininga. "Para kasing nakita ko na dati yang Kuya mo, I just don't know when."

"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka kong tanong.

"Nevermind. Mauna na ako sa classroom." At agad itong naglakad palayo.

Ano bang meron sa dalawang 'to at ang weird ng mga kinikilos ngayon?

Guns 'N Roses (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon