Chapter 001: Day One

553 33 4
                                    

Chapter 1: 


"Ayoko nga sabi.. ano ba!" pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa panghihila niya.

"Isa!" I warned her at pinandilatan ko siya ng mata. Why so kulet, sissy? We both know Tagalog pero bakit hindi mo ako naiintindihan? What's the f-ucking wrong with you?

"Wag ka ngang KJ, okay?" she said, rolling her round black eyes on me. Maigiit naman nito! Kung hindi lang kita kaibigan, nako kanina ka pa nakatikim sa'kin. Hahambalusin talaga kita ng walang tigil.

Hinila nya ako na parang bata papunta sa gitna ng hall. Halos magkantatapilok na ako. Sana man lang alam nya yung salitang 'dahan-dahan', di ba? Naka-heels ako, oy! Kung makakaladkad, wagas!

"Hey! Can you slow down?" I almost yelled, hinihila na nga ako, napakahigpit pa ng pagkakahawak sa kamay ko, medj masakit na ha! Mamumula to mamaya, for sure. Damn. Pero hindi man lang sya sumagot at tila ba hindi narinig ang sentimyento ko. 

She sighed and smiled at me. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang beywang ko.  

"What now?" I asked and she giggled. Hayahay, same old you, Sandy.

She was about to speak pero natigilan sya nang may magsalita mula sa unahan. We both turned our heads from where the voice came from.

"Ladies, you ready?" someone loudly asked from the stage. Tiningnan nya ang lahat ng babae na karamihan ay nakapwesto na sa harapan namin. 

Narinig ko ang malakas na 'Yes', sagot nila. They actually answered in chorus. Sabay-sabay sina ateng!

Attending ceremony like this makes me believe in the concept of forever. Makes me believe in true love. Makes me believe that someday blah blah blah. 

Yes, one of my best friends is now a Mrs. Cassie, who is now wearing her white long wedding gown with the man of her dreams, with the love of her life, with her happiness, with her one and only Carlos Miguel. 

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Sandy sa braso ko.

"Natulala ka na dyan." tatawa-tawang bulong niya. Ha? Tulala? Sino? Ako?

"No, I'm not." I denied averting my gaze. 

"Galingan mo!" she said. Galingan? Saan?

"Kung hindi ako, ikaw ang gusto kong makasalo ng bouquet." she said and I sharply glared at her. Hello, okay ka lang? Wala akong pake dyan! Napilitan na nga akong sumali dito, tapos pati ba naman pagsalo ng bouquet pproblemahin ko pa? 

"Para magka-lovelife ka na. Just to remind you, isang taon ka ng single, friend! Maawa ka naman sa puso mo, hindi na yan lumigaya." she said gigging. Excuse me, hindi lahat ng single hindi maligaya. Imbento tong si Sandy. Pauso!

"Ikaw muna, next time na ako!" sagot ko na mas lalo nyang ikinangiti. Alam niya namang I want a break. Ayoko muna ng lovelife. Ayoko muna ng relationship. Pagkatapos ng nangyari noon, I told myself na hinding hindi na ako magpapaloko. Kung maaari nga, ayoko ng magmahal. Ulit.

"Hmm? We'll see.."  she said smirking at me. WTVR.

♥ ♥ ♥ 

Ilang sandali pa ay tumahimik na ang lahat. Hell, what happened? Pati yung nagsasalita kanina, silent mode na rin? Nakangiti silang lahat at nakatuon ang atensyon sa lalaking kanina'y nagsasalita. Nagtaka ako, ano na ba?

Oh, kaya pala, the way I see it, Cassie is about to throw the bouquet.  

They are oh-so-focus. Para namang life-changing kapag nakasalo ng bouquet. I don't get it. 'Tong mga to, parang ewan! Mapagpaniwala sa pamahiin. Yung patola madalas gulay, minsan tao!

Perfectly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon