Sya ang pinaka maganda

19 1 0
                                    

CHAPTER 1

"Hon, matagala kapa ba?" Tanong ko kay Eve. Ilang oras narin kasi akong nandito sa condo niya. May date kasi kami. 15th monthsary namin kasi ngayon.

"5mins. nalang Hon." Sagot naman niya.

Nasa harapan kasi sya ng tokador ngayon at nagmemakeup. Uy, bihira 'to.

"What? Ilang 5mins. paba yan, hon? Kanina pagdating ko, sabi mo 5mins. nalang. Tapos nung nagpapahid ka ng kung anu-ano sa mukha mo. Ano nga tawag dun? Foundation ba yun? Sabi mo 5mins. lang. Nung nagkikilay ka, sabi mo rin 5mins. lang. Tapos ngayon, 5mins. na naman? Eh, halos kulang 30mins. kana nag-aayos ng mukha mo, hon. Ilang 5mins. paba yan?" Nayayamot na nasabi ko.

Nakita ko na napatigil siya sa pagme makeup at tumingin sakin na naniningkit na ang mga mata.

"Alam mo, ikaw? Imbis maghintay ka nalang, panay kapa reklamo. Kundi ka makapaghintay, umalis ka mag-isa mo." Sabi niya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Magagalit palang ako, pero siya galit na.

"Sabi ko nga shutup nalang ako, eh. Ba't ba kasi ang atat ko, eh." Sabi ko na kakamot-kamot nalang sa batok.

PAGKATAPOS NG 1 AND A HALF HOUR:

"Hon, okay na ako. Alis na tayo." Bigla ay narinig ko na sabi nya.

"Tae! Nakatulog pala ako!" Sabi ko sa isip ko sabay pagbalikwas ng bangon.

Pagkabangon ko mula sa pagkakahiga sa kama niya ay inayos ko muna ang suot ko. Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko saka ako tumingin sa kanya.

Napakunot ang noo ko.

"Hon, yan naba yung inayos mo kaninang-kanina pa?" Bigla ay tanong ko.

"Yes, hon. How do I look?" Tankng nya sakin na nagbeautiful eyes pa.

"Eerr, okay naman. Tara na." Sabi ko na hinawakan ang kamay niya. Pero nagulat ako ng nagpumiglas siya.

"Sa tinagal-tagal ko mag-ayos; Okay lang ang isasagot mo sakin?" Nakataas ang kilay na tanong niya sakin.

"Hon, ano na naman ba yan? Tanong ko sa kanya. Kailangan ko maging kalmado kasi ayoko na masira ang special na araw namin.

"Tingnan mo ako ulit! How do I look?" Pag-uulit nya sa tanong nya sakin.

Tiningnan ko sya ulit. At nag-iisip ng tamang maisasagot.

"I love it." Sabi ko nalang.

Pero parang mali na naman, kasi nakita na nagpoker face siya. Aaaaaahhh! Ano bang tamang sagot??

"I love it?? Tss! Umalis ka mag-isa! Di ka marunong maka-appreciate, gag* ka!" Sabi niya na tinulak ako palabas ng pinto ng kwarto niya.

"Aaahhhh! Sabi ko na nga ba mali, eh!" Sabi ko pa sa isip ko.

"A-ano? T-teka muna, hon! One more chance!" Sabi ko na pinbigat ang katawan ko para di niya ako maitulak palabas ng kwarto.

"Ul*l! Mukha mo one more chance! Laabaaas!" Sigaw niya habang tinutulak parin ako.

"Anak ng tokneneng naman, oh!"

"Waaaaaahhh! Hon, ano bang gusto mong sagot? I like it? You look beautiful? You look wonderful?" Natataranta na sabi ko sa kanya.

Nakahawak na ako sa magkabilang gilid ng pinto at nakabuka rin ang dalawamg binti ko na masa magkabilang side rin ng pinto para di niya ako maitulak palabas. Sya naman ay nakatalikod at pwet ang ginagawamg panulak sakin.

"Che! Ewan ko sayo! Umalis kana Knight, kundi sasamain ka talaga sakin!" Pagmamatigas niya. Gigil rin siya kasi halos mapatid ang litid nya sa leeg habang nagsasalita.

"HON! IKAW ANG PINAKA MAGANDA PARA SAKIN! MAY MAKEUP KA MAN O WALA! Please, wag kanang magalit!" Sabi ko.

"Sorry kung akala mo hindi ko naa-appreciate yung pag-aayos mo, hindi yun totoo. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit kailangan mo pa magmakeup, samantalang maganda ka naman kahit wala kang ganyan sa mukha." Dagdag ko pa.

Nagulat ako ng tumigil siya sa pagtulak sa akin. Kaya inayos ko na ang sarili ko. Medyo nalukot yung pantalon ko, pero ayos lang. Atleast, napahupa ko na yung world war. Sana.

"Talaga? Totoo ba yan?" Pabebe na tanong niya sakin.

"Opo, hon. Totoo po. Ikaw ang pinaka magandang babae sa paningin ko." Sabi ko pa.

Di yun pambobola. Totoo yun. Si Eve ang pinaka magandang babae para sakin, maski ubod sya. Ubod ng tapang. Hahaha!

Nakita ko na ngumiti siya at inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Sige na, alis na tayo." Sabi niya na dinampot ang bag niya at nauna ng lumabas ng kwaryo.

Iiling-iling nalang, pero nakangiti na sumunod ako sa kanya. Ganito naman talaga kapag nagmahal ka, eh. Katakot-takot na pasensya ang dapat na baon. Wala, eh. Mahal mo, eh.

LESSON:

Kapag tinanong ka ng girlfriend mo kung anong itsura niya matapos niyang mag-ayos ng ilang oras; IKAW ANG PINAKA MAGANDA SA PANINGIN KO ang isagot mo, para maiwasan ang world war III. HAHAHA!

My Beautiful Evil GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon